Chapter 8.

2 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang malaking bato sa beach na hindi kalayuan sa resort.

Minamasdan ko ang dalawang batang gumagawa ng sand castle sa dalampasigan.

Raven Philip and I used to be like that. Our parents are bestfriends that was why I grew up depending on him. Like he was my brother, always there to protect me. Until he was 8 and was sent to US to study and returned here in the Philippines after 9 years.

One day I woke up and realized that I was in love with him. I never regret the day when I told him my feelings. I was 16 and he was 17 that time. We were in Palawan to celebrate my birthday. I kissed him. It was my first kiss but not his. He said that he only sees me as a younger sister but that did not hinder me. I chase him until now. Do I need to give up?

Hindi ko napigilang mapaiyak nung nakita ang batang babae na hinihila ang isa pang batang lalake.

"Hinanap kita, nandito ka lang pala."

Napalingon ako sa nagsalita. Si Liam. Tumabi siya sa akin at hinubad ang sando niya.

"Oh. Gamitin mo itong pamunas ng luha mo." Inabot niya sa akin pero hindi ko tinanggap. "Ang arte mo! Ito na nga oh. Hmmm. Ako na lang ang magpupunas ng luha mo."

Pinaharap niya ako sa kanya at pinunasan ang mukha ko gamit ng sando niya. Pagkatapos ay inabot niya sa akin ang tela.

"Punasan mo nga Allison iyang lumalabas na uhog mo. Hahaha."

Sumingha ako. Narinig ko siyang nagsabi ng "yuck", pero di ko na pinansin.

"Iiyak mo lang iyan Allison. Nandito lang ang iyong super hot and handsome friend."

Mas napaiyak ako. Ayoko ng kinakaawaan ako. "Bakit ganun? Unfair siya. Yung almost 4 years na pagpaparamdam sa kanya pero ang pinatuluyan niya ay isang sikat na artista na he just met at the bar last week? Mas maganda naman ako sa Selena na iyon. Ms. Accountancy ako last year. Kaya ko ding mag-artista at tyak papasikatin ako agad ng tita kong President ng GMA-ABS. Huhuhu. Tapos malalaman kong kaibigan mo pala ang babaeng iyon."

Naramdaman kong niyakap niya ako. "Kanino ba nagseselos? Kay Ravphil o sa akin?" Tanong niya.

"Feeling mo. Siyempre ang pinagseselosan ko ay si Selena." Sabi ko.

"Alam mo, hindi mo matuturuan ang puso kung sino ang gustong iibigin nito. Hindi mo rin masisisi ang tao na magmahal ng mga taong hindi sila mahal. Katulad mo, hindi kita masisisi. Swerte na lang kung pareho kayong nagmamahalan. Malas mo lang."

"Ang sama mo. So kailangan ko ng mag-give-up?" Binitiwan ko ang pagkakayakap para tignan ang mukha niya. Gustong-gusto ko siyang kasama kasi feeling ko malapit ako kay Lord. Mukha kasi siyang anghel eh.

"Hmm? Ikaw din ang makakasagot niyan, hindi ako."

"Ayokong maggive-up Liam." Sabi ko. "Nasasaktan ako kapag iniisip ko siya."

Tumulo ulit ang mga luha ko na agad kong pinunasan.

"May tinatawag namang move-on at acceptance right?"

"Oo. Pero hindi pa siya kasal, pwede p-----"

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. Hinampas ko siya sa braso, "chansing ka ha!"

Tumawa lang siya.

Remorse of a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon