Its Wednesday! It means makakapiling ko na naman si Raven Philip ko. Hahaha.
"Hi Faustine!" Masayang bati ko sa lalake nang makasalubong ko siya sa harap ng classroom nila.
Nagulat siya at tumango.
Napangiti ako. I can be a bitch sometimes. Hahaha.
Nang makarating ako sa upuan ay napalingon ako sa bakanteng upuan ni Ravphil. He's not yet here.
Habang wala pa ang aking katabi at ang Professor namin ay kinuha ko ang maliit na notebook ko para mag-interview sa mga kaklase namin tungkol sa aking my loves.
Kinalabit ko ang lalakeng natutulog na katabi ko. Ngayon ko lang siya napansin. Nag-eexist pala siya sa classroom na ito.
"Hi!" I greeted wearing my most gorgeous smile when he looked at me. "I'm Allison."
"What do you want?" Tanong niya agad sa akin with emotionless voice. Monotone. Katulad ng my loves ko ay hindi siya mukhang friendly. Gwapo siya, matangos ang ilong at kulot ang buhok. He looks like an angel. Naiimagine ko siyang nakadiaper lang tapos may hawak na pana. Hahahaha.
"Your name please?" Tanong ko. Siyempre, titiisin kong maging katabi siya sa isang sem.
"Liam." Maiksing sabi niya. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at tumitig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
I felt butterflies in my stomach. I cleared my throat. "So Liam, how is Raven Philip as a classmate?"
Ngumiti siya at kita ko ang perfect set of teeth niya. "Is this an interview? Are you taking mascom and you're documenting about our classmate?" Tanong niya. Madaldal pala siya.
Napanganga ako sa taong ito. Akala ko lahat ng classmate at kaibigan ni Ravphil ay alam na hinahabol-habol ko siya. "Hmm. I'm not taking Mass Communications, actually its Accountancy. Yeah. I'm asking you about my love to know him more." Sabi ko.
"You're crazy Allison. Don't ask me. I'm also an irregular here."
Waaaaah. Wrong call. Irregular din pala siya gaya ko. Wala siyang silbi.
"Okay. Thanks for your time though and I'm sorry to disturb you." Sabi ko. Nakakahiya talaga.
Ngumiti siya sa akin at sinabing, "no worries" tapos bumalik ulit sa pagtulog.
Nakita ko naman si Faustine na nakaupo na sa room. Siya na lang ang kakausapin ko.
Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang umiwas nang makita niya ako at biglang tumakbo palabas ng room.
Wala naman akong malapitan kasi nag-uusap sila ng magkakagrupo. Alangan umepal ako?
Bumalik na ako sa upuan tapos nagpakasawa sa mga laro ng cellphone ko.
Napatingin ako sa upuan ni Ravphil nang makarinig ako ng kaluskos. Waaaaaah! He's finally here!
May hinahanap siya sa bag niya tapos nang mapatingin siya sa akin, tinanong niya ako ng, "anong oras na?"
I wear my most gorgeous smile. "Oras na para mahalin mo ako."