Napatingin ako sa upuan ni Ravphil nang makarinig ako ng kaluskos. Waaaaaah! He's finally here!
May hinahanap siya sa bag niya tapos nang mapatingin siya sa akin, tinanong niya ako ng, "anong oras na?"
I wear my most gorgeous smile. "Oras na para mahalin mo ako."
Nabasa ko lang iyan kay Eya ng Diary ni Panget. I really love that story. Waaaah.
Napasimangot siya, "anong oras na?" Mariin na tanong niya.
Tumingin ako sa wrist watch ko, "its 3:31 my loves. Bakit mo tinatanong?" Sinadya kong tumingin sa braso niya at nagulat. "Oh my gosh. Nasaan na yung Rolex watch mo? Suot mo pa iyon last time na hinatid mo ako sa bahay ha." Sabi ko.
"Wala kang paki-alam." Sabi niya
"Don't worry, I will buy you one as a gift." Sabi ko. Ayokong nahihirapan siya. Ayokong nagtatanong pa siya sa iba para malaman kung anong oras.
"No need. Our family owns a shop, remember?"
Napaisip ako at binalikan ang kaninang hawak ko na maliit na notebook. Binasa ko lahat ng mga nakasulat doon pero hindi ko nakita na may watch botique pala sila. Kinuha ko agad ang ballpen ko at sinulat ang bago kong nalaman tungkol sa kanya. Waaah. Ang saya!
Napansin kong nakatingin siya sa paa na tila sinusuri.
"Okay na. Kahapon paika-ika akong naglakad pero ngayon ay okay na. Hindi na kumikirot. Pwede na nga akong tumakbo at tumalon eh. Tsaka hindi na muna ako magha-high heels. Tignan mo, nakaflats lang ako."
"Tss." Sabi niya tapos nilabas ang isang panyo para itakip sa mukha niya. Tumigala siya at feeling ko, gusto niyang matulog. Napangiti ako. Concern siya sa akin. Ayiiiiiiiiiiii!
Napansin ko namang tumayo ang katabi ko sa kanan na si Liam habang kinukuha ang backpack niya.
"Uy! Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at sinabing "when the professor is 30 minutes late, he is considered absent. We don't need to wait for our Professor." Pagpapaalala niya sa akin. "Bye Allison."
Napansin kong umaalis na rin ang ibang mga kaklase namin.
Bago pa ako makapagpaalam ay tumalikod na si Liam at nagsimulang maglakad palabas ng room.
Kinalabit ko si Ravphil, "hoy my loves. Gising ka na. Wala na tayong klase. Uwian na. Nagsisi-alisan na rin ang mga classmate natin. Date naman tayo sa SM."
Nagising naman siya at agad kinuha ang bag. Sinundan ko sa paglalakad.
"Sabi ko na nga ba, excited ka sa date natin. Hehe."