Part 1

7 0 0
                                    

"Nasan na bako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang paligid.

"Aray!" sigaw ko ng may bumangga sakin mula sa likod at bumagsak ang dala naming parehas na camera.

"Oh I'm so sorry" sagot nya sakin sabay dampot ng mga camera.

"Here" pagmamadali nyang sabi sakin sabay abot ng camera ko at biglang talikod. Napataas na lang ang kilay ko sa inasta ng loko na yun.

"SOFIAAAAAA!" sigaw ni Libby.

"Oy! Andito ko" sagot ko. Habang pinupunasan yung camera ko na bumagsak.

"San ka ba nag pupunta? Siguro hinahanap mo na naman yung kamuka mo dito no? Yung ano ba yun? Unggoy ba yun?" pang asar nya pa sabay hawak sa ulo ko.

"Ha oo hinahanap ko nga! Pero ngayon nandito na yung unggoy na sinasabi mo" banat ko sabay tawa.

"Sino? Nasan? " tanong pa nya, eh sya naman sinasabi kong unggoy.

"Oy kuhanan moko dito!" sigaw sakin ni Libby.

"Ayoko!" pag mamaldita ko.

"Sige isisigaw ko dito na.... " panakot ng gaga. Lumapit na lang ako at napatawa.

"Ok na" sagot ko pagkakuha ko ng picture sa kanya, ng tiningnan ko yung picture may nakita akong lalaki na nasa likod nya sa picture. Sumulyap ako sa likod nya at nakita ko yung lalaking nakabangga ko, nakapants at naka close jacket na light blue na may puting sapatos, nakatayo lang at nakapikit habang nasa loob ng jacket yung mga kamay, nakita ko din yung camera nya na katulad sakin na nakasabit sa leeg nya. Napataas ang kilay ko at napangiti ng biglang napatingin sa gawi ko yung lalaki. Nanlaki yung mga mata ko at napalunok na lang ng laway.

"Oy ano?! Parang may nakita kang multo" biglang tanong sakin ni Libby.

"Ha? Ah? Wala!" kabado kong sagot.

"Tara dun tayo!" pahabol ko. Napalunok na lang ako ng laway sa kaba ko.

Habang naglalakad kami at kumukuha ng picture sa paligid di mawala yung tingin ng lalaki kanina sa isip ko.

"Oh? Bat tulala ka dyan?may pangiti ngiti patong unggoy nato" biglang tanong no libby.

"Alam mo pakilamera ka rin talaga" sagot ko sabay tawa.

"Mana sayo?!" pang asar ni libby sabay takbo.

"Ano? Halika ka nga dito!" sigaw ko ng biglang natalisod ako at pabagsak sa....... (nag slow mo yung paligid ko ng biglang nakita ko yung lalaking nabangga ko kanina na nakain ng ice cream ngayon) nanlaki yung mga mata habang pabagsak ako sa kanya. Pag dilat ko ng mga mata nakita kong nakatingin lang din sya sakin at guess what! fuck! I kiss her. Napatayo ko agad sabay takbo.

"Shit!" bulong ko sa sarili ko habang papilay pilay na natakbo. Sumulyap ako dun sa lalake pero nakahiga parin sya dun sa pinagbagsakan namin, I think it has not yet entered to his mind that I kiss her without her permission.

"Nasan kaya yung lalake na yun."

Ilang minuto din akong natakbo kaya umupo ako sa isang bench.

"Hayssssst shit what f*cking life I have!" sigaw ko ng biglang nagtinginan yung mga tao sakin.

"Ah ha HAHAHA"sabay ngiti na pilit sabay takip ng muka gamit yung Hoodie ng jacket ko.

'Oy Libby Juaquin Mendez! Unggoy nasan ka? Bilisan mo mamatay nako sa hiya!' text ko kay Libby.

Tumayo ako kahit pilay pilay parang ang sakit ng pagkakabagsak ko kanina.

"Goy!" sigaw ng lalakeng binigyan ako ng kahihiyan. Napataas yung kilay ko sabay tingin sa kanya simula ulo hanggang paa. Ngumiti muna ko sa kanya sabay...

"PAPATAYIN TALAGA KITA!!!" sigaw ko sabay sakal sa kanya.

"TEKA SOFIAAAA!" awat nya sakin.




Nakaupo kami ngayon sa prisinto, magkatabi na gulo gulo ang damit at gulo gulo ang buhok habang nakasimangot.

"Kasalanan mo to! Juaqine!" lumingon ako kay libby ng makita ko na nakasuksok yung isang daliri nya sa ilong at iniikot ikot sa loob nito habang nakapokerface.

"Ha.. " napatawa na lang ako sa kanya dahil mukang angry bird ang muka nya habang nangungulangot. Napabugtong hininga na lang ako at tumingin na lang uli ng daretso.

"Oh ano, ano bang gagawin ko sa inyong dalawa?" tanong samin ng pulis.



"Goy? PAPATAYIN TALAGA!!!" sigaw ko sabay sakal sa kanya.

"TEKA SOFIAAAA!" awat nya sakin.

"BAKIT MOKO PALAGI INIIWANG GAGO KA!!" sigaw ko habang sinasakal si Libby.

"TEKA IKAW TONG HUMABOL SAKIN!" sagot nya.

PPPPPPPPPPPPPPTTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!! nang biglang may pumito samin na guard.

"Oh ano, ano bang gagawin ko sa inyong dalawa?" tanong samin ng pulis. Pero naka pokerface lang kaming dalawa. Ng bigla....

"SIRRRRR PLEASEEEE PALABASIN NYO NA KAMI!" sabay namin pagmamakaawa ni Libby habang nakaluhod. Nagkatitigan kaming dalawa, tinaasan ko sya ng kilay.

"SYA PO YUNG MAY KASALANAN!" pag sisi ko kay Libby

"ANONG AKO? IKAW TONG UNANG SUMUNGOD SAKIN!" depensa nya.

"Oh sige na sige na sa susunod wag kayong mag aaway mag jowa sa public" nagkatitigan kaming dalawa ni Libby.

"YACK!!" sabay naming sigaw.

"Oh bakit?" gulat na tanong ni manong pulis.

"Manong di bale na kong magkagusto sa sea lion kesa dyan! NEVA" sagot ni Libby.

"So kala mo magkakagusto ako sayo? HAAAA dina papatol na lang ako sa hayop no!" depensa ko.

Libby Juaquin Mendez
21
He is my bestfriend since elementary until now.
He is a doctor and I am a hotel manager.
Since elementary until college he is always a top student and also a famous in campus. Ewan ko ba sa gagong to bakit walang nagiging jowa. Yes, he is handsome and ideal boyfriend of many girl. Lagi syang panlaban ng section nila sa patalinuhan o kahit sa pageant. Pero ewan ko ba bakit dugyot to pag ako ang kaharap. By the way. Back to presinto.

"Hindi pala kayo mag jowa?" muling tanong ni manong pulis.

"NO!" sabay na naman naming sagot.

"O syasya marami kayong naabalang ibang turista kaya dinala na kayo dito, tiga dito ba kayo o turista din?" tanong ni manong pulis.

"Turista po" sagot ko. Pinalabas na kami ni manong pulis paglipas ng isang oras. Habang naglalakad kami papunta hotel na tinutuluyan namin napatingin ako kay Libby.

"Nagutom nako goy" seryoso nyang sabi.

"Edi bumi........" diko natapos yung sasabihin ko ng bigla nya kong hilahin papalapit sa kanya.

"Ok ka lang?" seryoso nyang tanong.

"Pano pag naghingalo ka dyan? Di kita magagamot, tsk" pang asar nya. Napakurap na lang ako ng dalawa beses dahil sobrang dikit naming dalawa, sa tagal naming magkaibigan ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Napatingin tuloy ako sa taas na parang walang nangyari.

"Kung di moko magagamot anong klaseng doctor ka? Wala ka talagang kwenta!" inis kong sagot sa kanya sabay irap. Nakita ko namang masaya pa ang loko.

"Eh pano kita magagamot hindi naman ako beteneraryo?" pang asar nya.

"Nang aasar ka ba?" inis kong sagot sa kanya pero sya nakangiti lang.

"Hayst!!! Nakakainis ka!" pahabol ko pero bigla nyang hinawakan yung ulo ko at ginulo yung buhok ko. Patawid na kami sa pedestrian line habang hawak nya yung ulo ko at ako nakapokerface padin.

"Wag kang malikot goy wala ka sa gubat ha" pang asar parin nya.

Napapikit na lang ako sa inis. Nang mapatingin ako sa mga tao sa kabilang line. Nanlaki na naman yung mata ko ng makita ko yung lalaki na nahalikan ko ng walang pasintabi.


Way BackWhere stories live. Discover now