It was already nighttime at halos inaabot na sila ng tatlong oras sa byahe papuntang Pampanga. Katrina was a wreck. Hindi niya alam kung anong damdamin ang mangingibabaw: her worry for her father o ang kaguluhan sa isip niya ngayon dahil lamang sa nangyari sa kanila ni Aspen kanina lamang sa parking lot.
But she never brought it up. Ayaw niyang pag-usapan anuman ang nangyari sa kanila. Nahihiya kasi siya kung paano niya tinugon ang mga halik at haplos nito.
She felt so cheap. She's slept with him for money before at ngayon naman ay game na game siya sa isang public parking lot.
What has gotten into her! Napasapo na lamang siya sa ulo.
"Are you okay? Gutom ka na ba?" tanong bigla ni Aspen na kasalukuyang nagdadrive. "Malapit na tayo."
"O-oo," pagsisinungaling na lamang niya kahit na ang totoo ay paulitulit niyang naiisip ang nangyari sa kanila kanina lamang sa parking area.
"Pwede naman tayong dumaan muna at mag-drive thru kahit saan dito, hindi ba? Hindi pa rin tayo naghahapunan."
Umiling siya. "Gusto ko na sanang makarating sa ospital para makita si Tatang," maagap na sagot niya.
"Alright," he resigned and drove faster. "We'll be there in another thirty minutes."
****
"Ma! Ma!" tawag ni Katrina sa ina nang makita niya ito ngayon sa labas ng ICU ng pampublikong ospital na iyon.
Her mother turned to her and immediately ran for a hug.
Mabilis ring niyakap ni Katrina ang ina. Her mother was crying in her arms.
"Ang Tatang mo, anak," she said.
Katrina looked at her mother in the face to wipe her tears. "Ano po bang nangyari?"
"May inaayos kasi siya sa bahay ng bigla na lamang siyang natumba. At pagkatapos noon ay humingi na ako ng tulong. Maayos naman siya ng mga nakaraang araw. Hindi ko alam bakit bigla na lamang siyang nagkaganyan."
"We'll do everything that we can, ma'am. Gusto 'nyo bang ilipat natin siya sa isang private hospital kapag stable na siya? Mas matututukan siya doon ng mga magagaling na doktor," Aspen interrupted them both.
Nagulat yata ang Mama niya ng mapansin na may kasama siyang binata. And Katrina knows how dashing Aspen is especially when he's in a suit.
"Aspen, ma'am," pakilala ni Aspen sa Mama niya.
Tumango-tango lamang ang ina niya. Then, she looked at Katrina.
"Kaibigan ko po," kaagad na pakilala ni Katrina sa kasama.
"I can help you, ma'am. Just let me know at pwedeng-pwede natin siyang ipalipat sa pribadong ospital."
"Salamat, hijo. Pero ayos lang. Dito na muna siya hanggang sa umayos siya at maging stable."
Just then, a doctor interrupted all of them saying na stable na ang kondisyon ng pasyente. Katrina's mom hugged her with joy at nagpumilit itong pumasok ulit sa ICU para silipin ang asawa.
The doctor allowed and accompanied her mom going back inside.
And Katrina sat on the chairs near the wall to calm herself. Finally, the worst was over! She can now breathe. Kailangan na lamang niyang isipin kung paano nila mababayaran ang pampublikong ospital na ito. It may be cheap compared to private hospitals pero kailangan pa rin nilang magbayad ng gastos.
Naramdaman na lamang niyang umupo sa tabi niya si Aspen.
"I'll take care of the bills for now. I'll have him moved to the nearest private hospital here. Tatawagan ko lamang ang secretary ko para maayos niya lahat."
BINABASA MO ANG
Hideaway [Completed]
RomansaMY STEPSISTER IS MINE [Second Generation] Aspen Lorenzo Alcaraz grew up in a superbly rich family. Nakukuha niya anumang gustuhin niya sa buhay - from cars to women to parties. He knew that a throne was already set up for him, being the sole heir of...