Chapter 7

1.9K 73 6
                                    

"DENISE," bati sa kanya ni Rose. "Ang aga mo palaging pumasok, ah?" Naupo ito sa sariling work station.

"Sayang din ang bawas kapag may late," sagot niya. Pero ang totoo, nitong nakaraang mga araw, excited siya laging pumasok dahil dito lang makikita si Lance. Tatlong araw na rin mula nang matapos ang team building nila at madalas ay nasusulyapan niya lang ang binata tuwing nakikipag-usap ito sa supervisor nila.

Pakiramdam ni Denise ay may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura tuwing iniisip na makikita uli ang binata. Nababaliw na talaga siya. Umiling siya, isinubsob ang sarili sa trabaho.

Magta-tanghalian na nang makita ni Denise ang pagpasok ni Lance sa loob ng kanilang department. Nagsitayuan ang mga naroroon, kasama na siya at magalang na bumati dito. Nakasunod lang ang tingin niya sa binata habang kausap nito ang supervisor nila. Bakit parang mas gumuguwapo ito sa pagdaan ng mga araw?

Bumilis ang tibok ng puso ni Denise nang makita ang pagsulyap ni Lance sa kinatatayuan niya. May sinabi pa ito sa supervisor nila na hindi niya maintindihan bago lumabas.

Nagulat siya nang maramdaman ang paghigit ni Rose sa kanyang kamay. Noon lang namalayan ni Denise na siya na lang pala ang naiwang nakatayo, ang iba ay kanina pang bumalik sa pagkakaupo.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" natatawang tanong ni Rose. "Natulala ka na."

Pinamulahan siya ng mukha, walang maisagot.

Bahagyang inisod ni Rose ang upuan palapit sa kanya, bumulong. "Gusto mo si Sir Lance, tama?" tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ni Denise, nag-iwas ng tingin at nagkunwang may hinahanap sa patas ng mga papel sa kanyang mesa.

"It's obvious, Denise," natatawang dugtong ni Rose. "Kakaiba ang titig mo sa kanya lagi. Ni minsan hindi kita nakitang tumingin ng ganoon kay Sir Chester."

Hindi makaimik si Denise. Ganoon na ba talaga siya ka-obvious?

"Well, there's nothing wrong kung magka-crush ka kay Sir Lance," ani Rose. "Halos lahat naman ng mga babae dito ay ganoon din."

Hindi pa rin sumagot si Denise, inabala na lang ang sarili sa trabaho. Napatigil siya nang tawagin ng supervisor at papuntahin sa opisina nito doon.

"Denise, you're doing well in your work ever since," panimula ng supervisor. "I'm assigning you to do another job."

Nagtataka man ay nakinig lang si Denise.

Tumayo ang supervisor at inabot sa kanya ang isang folder na hawak. "Ito ang reports ng department natin ngayong linggo. Dalhin mo ito kay Sir Lance. He will look at that. Mag-take down ka lang ng notes sa lahat ng mga sasabihin niya, then report it back to me."

Sandaling pinakatitigan ni Denise ang hawak na folder. "Ba-bakit po ako?" Reporting sa CEO ng kompanya? Hindi ba malaking trabaho iyon? Marami sila sa department, bakit siya ang napili nito?

Bumalik sa pagkakaupo ang supervisor, tumitig sa kanya. "Hindi ko rin alam, Ms. Salazar. Si Sir Lance mismo ang nag-request na ikaw na ang mag-report sa kanya simula ngayon." Nagkibit-balikat ito. "Magiging magkapamilya na rin naman kayo balang-araw, hindi ba?"

Nagyuko lang ng ulo si Dianne, pinakinggan ang mga sunod na sinabi ng supervisor hanggang sa matapos ito. Magalang siyang nagpaalam bago lumabas ng kanilang department patungo sa CEO's office.

Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso habang nasa elevator. Hindi pa siya nakakapunta sa opisina ni Lance. Hindi rin maintindihan ni Denise kung bakit siya pa ang napili ng binata na mag-report dito once a week. Pero sa loob ng kanyang puso, nakakaramdam siya ng saya dahil masisilayan ng malapitan, makakausap ang lalaki kahit isang beses lang sa isang linggo.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance BarreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon