Chapter 8

1.8K 69 3
                                    

"YOU'RE not enjoying Chester's party?"

Napatingin si Denise sa tabi at nakita ang stepmother ni Chester na si Maya, may hawak itong isang kopita ng wine. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang babae. Napaka-revealing ng suot nitong hapit na red dress, hanggang tuhod ang haba. Makapal din ang make-up ng babae, medyo wala na sa ayos ang nakataas na buhok.

"Hindi po kasi ako sanay sa ganitong mga events," sagot ni Denise, ibinalik ang tingin sa unahan. Naroroon siya sa pool area, pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan sa harapan.

"Nabanggit nga ni Chester na mahirap ka lang." Nagkibit-balikat si Maya. "You should learn to get used to this. Hindi puwedeng palagi kang nakatago sa isang sulok at hindi ine-entertain ang mga bisita ng fiancée mo."

"Pasensiya na po," bulong niya, nagyuko ng ulo. Lahat ng mga bisita doon ay halatang galing sa mayayamang pamilya. Hindi alam ni Denise kung paano pakikibagayan ang mga ito kaya mas minabuting umagwat na lamang.

"How's your relationship with Chester?" tanong pa ni Maya. "Having sex already?"

Gulat na napatingin si Denise sa babae, hindi inaasahan ang pagiging prangka nito tungkol sa topic na iyon.

"What?" natatawang tanong ni Maya, nilagok ang natitirang lamang wine sa kopita. "Walang masama sa tanong ko. Magkarelasyon kayo ng stepson ko."

Umiling si Denise. "Hindi po... hi-hindi po kami umaabot sa ganoon. Hindi puwede," natatarantang sagot niya.

Pinakatitigan siya ni Maya. "What? Marriage first?" Tumawa ang babae bago umiling.

Sabay silang napatingin sa tabi nang marinig ang pagtawag ni Ralph Barrera sa asawa nito. "Ano'ng ginagawa niyo ditong dalawa?" tanong ng lalaki. "The party is inside." Inakbayan nito ang asawa.

"Nakikipag-usap lang ako dito sa future daughter-in-law natin," sabi ni Maya, inihilig ang ulo sa dibdib ni Ralph. "Kawawa naman siya, mag-isa lang dito."

Sinulyapan ni Ralph ang malakas na buhos ng ulan, bumuntong-hininga. "Hindi ka makakauwi sa ganyang lagay ng panahon, hija. Chester is still having fun inside. Lasing na 'yon at nakainom din ako kaya hindi ka namin maihahatid." Saglit itong huminto. "Why don't you stay here for the night? May guest room kami dito. Puwedeng umakyat ka na doon para makapagpahinga."

Hindi na naman tumanggi si Denise. Pagod na siya dahil galing pa sa trabaho. Hindi rin siya makakapag-commute pauwi sa ganitong panahon.

Bumaling si Ralph sa asawa. "Ihatid mo na muna siya sa guest room, Maya. Give her some change of clothes too."

Nagkibit-balikat lang si Maya at nauna ng naglakad papasok sa loob ng bahay. Nagpasalamat si Denise kay Ralph bago sumunod sa asawa nito hanggang sa makarating sila sa isang kuwarto sa second floor.

Binuksan ni Maya ang pinto. "Dadalhin ko na lang ang pamalit mo." Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya bago umiling.

Nagpasalamat din si Denise sa babae nang tumalikod ito. Pumasok siya sa loob ng malaking kuwarto at naupo sa kama. Hindi niya maintindihan ang stepmother na iyon ni Chester. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam pa rin ng pagkailang dito. Pakiramdam niya kasi ay binabantayan nito ang bawat kilos niya tuwing nandito sa bahay ng mga ito.

Binuksan ni Denise ang bag na dala, inilabas ang cell phone. Walang message doon. Inilapag niya ang aparato sa kama nang marinig ang katok sa pinto.

"Here," ani Maya, inabot sa kanya ang dalang mga damit. "Iyan lang ang mapapahiram ko."

Hindi na siya pinagsalita ng babae at tumalikod para bumaba uli sa party. Hindi na deretso ang lakad ni Maya kaya siguradong lasing na ito. Muling pumasok si Denise sa kuwarto, ini-lock iyon at nagtungo sa banyo para mag-shower.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance BarreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon