Chapter 15

2.4K 70 1
                                    

NAKAMASID lamang si Denise kay Lance habang kinakain nito ang mga niluto niya nang gabing iyon. Nasa loob sila ng isang tent dahil doon magpapalipas ng gabi. Buong araw ay namasyal lang sila sa Bohol. Dinala siya ni Lance sa Chocolate Hills, maging sa magagandang beaches doon. Hinding-hinding makakalimutan ni Denise ang araw na iyon.

"Dapat ka talagang magbukas ng restaurant," sabi ni Lance matapos kumain, hinaplos nito ang tiyan. "Ako ang number one customer mo."

Natatawang umiling si Denise. "Tama na nga ang pambobola, kanina ka pa." Sasabog na ang puso niya dahil sa dami ng papuri nito sa kanya sa buong araw.

"Totoo naman." Tinapik ni Lance ang kandungan nito. "Sit here."

Pinamulahan siya ng mukha pero sumunod din naman. Naupo siya sa kandungan ng binata, pinagsawa ang mga mata sa kaguwapuhan nito. "Ano pa ang... mga paborito mong pagkain?" tanong niya.

Sandaling napaisip si Lance. "Kinakain ko naman lahat. Kaya mapapasaya mo ang tiyan ko kahit ano pang lutuin mo." Kinindatan pa siya nito.

Hinaplos ni Denise ang buhok ng binata. "Gusto kitang mapasaya," bulong niya.

"You're already doing that," ganting bulong ni Lance, nakatitig sa mga mata niya.

Niyakap niya ng mahigpit ang lalaki, pinigilan ang mapaiyak. Mahal niya ito. Gusto ni Denise na sabihin iyon. Nitong nakaraang mga araw, patuloy na nagtatalo ang puso't isipan niya. Akala niya ay gusto lang makasama si Lance pero nagkamali. Mahal niya ito at hindi masagot ang tanong na 'bakit'. Hindi alam ni Denise kung paano, kung kailan pa iyon nararamdaman.

Natatakot siya, oo, kaya hindi rin maamin sa binata. Pero nakahanda naman si Denise kung sakaling hindi iyon tugunin ng binata.

Ginantihan ni Lance ang yakap niya. "May problema ba, hmm?" tanong nito, hinahaplos ng isang kamay ang kanyang likuran.

Tiningnan ni Denise ang binata, umiling. Hinaplos ni Lance ang kanyang pisngi. Ipinikit niya ang mga mata nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Mabagal ang halik na kanilang pinagsaluhan. Pero nag-init pa rin ang kanyang katawan.

Pumasok na ang isang kamay ni Lance sa loob ng t-shirt na suot niya, marahang minasahe ang kanyang dibdib. Napaungol si Denise sa loob ng bibig nito. Bahagyang naglayo ang kanilang mga labi. Nakatitig na siya ngayon sa itim na mga mata ni Lance, nag-aapoy iyon. Sapat na sa kanya ang ganito – ang makasama ito, ang maramdaman ang init ng katawan nito, ang mahalikan ito.

"I want you," magaspang na sabi ni Lance. "So much, sweetheart."

Nagwala ang puso ni Denise. "Wa-wala bang... ma-makakarinig sa'tin?" tanong niya nang maalala na nasa loob lang sila ng tent.

Mahinang tumawa si Lance, kumikislap ang itim na mga mata. "Don't mind them. Hayaan mo silang mahiya."

Pabiro niyang hinampas sa balikat ang binata. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang mga dibdib. Napabuntong-hininga na lang si Denise. Hindi niya naman ito matatanggihan. Gusto niya ring maramdaman muli ang init nito sa loob niya.

Tumingala sa kanya si Lance at siya na ang unang humalik dito. Mapusok na ngayon ang halik nila. Ang mga kamay ni Denise ay pumasok sa loob ng damit nito, hinahaplos ang matigas na katawan ng binata. Saglit lang ay hinubad na ni Lance ang damit nito para sa kanya. Para mas malaya niyang mapaglakbay ang mga kamay sa katawan nito.

Gustong memoryahin ni Denise ang bawat parte ng katawan ng binata, itatak sa puso't isipan. Para kung sakaling matapos man ang lahat, mayroon pa rin siyang alaalang panghahawakan.

"NANDITO ba si Chester?" tanong ni Denise sa katulong na nagbukas sa kanya ng pinto ng bahay nina Chester. Mahigit isang linggo niya na ring hindi nakikita ang lalaki. Simula nang dalhin siya nito sa isang bar ay hindi na nagparamdam ang lalaki. Ni hindi ito tumatawag. Nagpunta siya dito ngayon para magbaka-sakaling makausap ito, maayos ang deal nila.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance BarreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon