Chapter 9

1.8K 69 0
                                    

NAPATIGIL si Denise sa paghakbang papasok sa elevator nang makita si Lance sa loob niyon. Ngayon niya lang uli nakaharap ang binata matapos siyang ihatid noong gabi ng birthday party ni Chester. Wala sila gaanong naging imikan noon.

"Papasok ka ba?" pukaw sa kanya ng binata.

Mabilis na pumasok si Denise sa loob ng elevator. Hindi niya ito iniiwasan. Wala lang dahilan para lapitan ito, lalo na sa opisina.

"Maaga ka 'atang nag-out ngayon," basag ni Lance sa katahimikan. Sila lamang ang tao sa elevator na iyon. "Hindi ka mag-o-overtime?"

"Hi-hindi," sagot niya. "May sakit kasi ang isa kong kapatid kaya kailangan ng mag-aasikaso sa kanya."

"Ihahatid na kita," alok pa nito. "Pauwi na rin ako."

Base sa tono ng binata, hindi na rin makakatutol si Denise. Sinulyapan niya ito ng palihim. Nakasuot si Lance ng cream long-sleeved polo at itim na pants, mayroon ding gray and white scarf sa leeg nito, reading glasses sa mga mata. Napansin ni Denise na bagong gupit din ang binata. Clean-cut na ang buhok nito, parang sa militar.

Napakaguwapo talaga nito. Makikita sa pananamit pa lang ang estado sa buhay. Napakalayo sa kanya. Bakit ba umaasa ang puso niya? Siguradong maraming sopistikadang mga babae ang nakapalibot dito. Katulad ng asawa nito noon.

Tahimik lang si Denise hanggang sa makalabas sila ng elevator. Nasa lobby na sila nang masalubong ang ama ni Chester na si Ralph. Magalang siyang bumati dito.

"Lance, Denise," bati ni Ralph. "It's nice to see you both." Sandaling pinaglipat nito ang tingin sa kanila. "Magkasama kayo?"

"Nagkasabay lang kami sa elevator," kalmadong sagot ni Lance. "Pauwi na rin ako."

Tumango-tango si Ralph, ngumiti. "You look good together."

Nagulat si Denise kaya mabilis na nagyuko.

"Kung hindi ko lang alam na fiancée ng anak ko itong si Denise, iisipin ko na magkarelasyon kayong dalawa." Tumawa si Ralph. "I'm just kidding, of course. Napakaseryoso niyo."

Tiningnan ni Lance ang wristwatch na suot. "I have to go, Ralph. May mga babasahin pa akong reports sa bahay. May conference call din ako sa main branch sa Australia."

"Go on. May nakalimutan lang din ako sa office." Ngumiti si Ralph. "I will be so happy kung naging katulad mo si Chester, Lance. Pero hindi. May mga sinimulan siyang businesses pero lahat ay nalugi lang."

Pinakatitigan ni Denise si Ralph. Nakikita niya ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin kay Lance. Na para bang hinihiling ng lalaki na si Lance na lang ang naging anak nito. Iyon siguro ang dahilan kaya hindi close si Chester sa ama. Pero wala naman siyang gustong husgahan sa mga ito.

"Talking about me again, Papa?" singit ng isang boses mula sa likuran nila. Nalingunan nila si Chester. Ngumisi ito. "Kailan mo ba ako pupurihin ng katulad ng pagpuri mo dito kay Lance?"

"Siguro kapag naayos mo na ang buhay mo, Chester," seryosong sagot ni Ralph. "Look at you. Itsura ba 'yan ng nagtatrabaho sa isang kompanya?"

Nakasuot si Chester ng puting long-sleeved shirt pero may nakabukas na tatlong butones sa itaas. Maong na jeans ang partner niyon. Medyo makapal na rin ang buhok ng binata at nangingitim ang ilalim ng mukha dahil ilang araw sigurong hindi nag-shave.

"I have to go," singit ni Lance, sumulyap sa kanya.

Magpapaalam na rin sana si Denise pero bigla siyang inakbayan ni Chester. Gusto niyang lumayo pero hindi puwede. Nandito ang ama ng lalaki.

"Nagseseryoso na ako, Papa," sabi ni Chester. "I have a fiancée now."

"Then why don't you take care of your woman, Chester?" tanong ni Ralph. "Ipakita mo sa'kin na seryoso ka sa kanya."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance BarreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon