CHAPTER 1

9 1 0
                                    


    Jewel's pov

Haaaaayyyyyyysssss........ Nag unat unat muna ako bago bumangon sa kama ko , Aba mahirap na baka ma paralyzed ako bigla joke HAHAHA

Tumayo na ko sa kama ko at naglakad papuntang banyo para maligo

AAAAAAAAAHHHHHHHH.......

Pano ba naman natumba nanaman ako dahil sa pesteng kadena na to
Shit!! araw araw nalang akong natutumba bwisit!!!!!! Ang sakit nun ahh, nauntog ba naman yung noo ko sa sahig ...... Bakit ba kasi ako yumuko nung natumba ako langya Naman .
After Kong matumba at magsisisigaw ng magsisisisgaw kahit Naman walang nakakarinig sakin ay tumayo na ko papuntang banyo para maligo alangan Naman makipagtitigan ako sa sahig diba.

then after kong maligo ay naghintay nalang ako ng pagkain ko na dumating dito sa lungga ko

Aaiisshh bakit ba kasi Hindi nalang ako pagawan ng kitchen dito sa loob ,as if naman na makatakas ako sa letcheng kadena na to , eh kahit Naman gamitan ko to ng kapangyarihan ko si Naman tatalab dahil may spell na nilagay dito!!!!!
Pagkausap ko sa sarili ko
Yup, may kapangyarihan ako actually marami akong kapangyarihan kaya nga kinulong ako ng mga magulang ko dito sa bahay/ budega na to at nilagyan ng spell Yung kadena sa paa ko nang Kung Sino mang albularyo na yan dahil baka daw may masaktan nanaman ako .

Hayyss na alala ko nanaman Yung nakaraan ko Kung bakit ako kinulong dito . Kaya nga pumayag narin ako na ikulong nila ako dito dahil sa pagyayari noon na ayaw ko na maalala pa ngayon dahil baka sisihin ko nanaman ang sarili ko at magtangkang magpakamatay ulit.

Ano ba jewel erase erase erase Wala ka nang magagawa nangyari na ehh kaya wag mo nang sisihin Yung sarili mo .
Pagkumbinsi ko sa sarili ko ngunit bigla nalang pumatak Ang mga luha ko ng Di ko namamalayan

Tok ! Tok! Tok!

Mabilisan ko namang pinunasan Ang mga pumatak na mga luha sa pisngi ko at agad na tumungo kung saan nilalagay Yung pagkain ko . At nang nakuha ko na ang tray na pinaglalagyan ng pagkain ko ay agad ko itong nilagay sa lamesa tsaka ko hinabol Yung naghatid ng pagkain ko na syang mga magulang ko.

Mama! Mama! Wait Lang po !!
Sigaw ko para marinig no mama Yung tawag ko ,medyo makapal kasi Yung pader na pinagawa nila kaya kailangan kong sumigaw para marinig Nung tao na nasa labas.

Nang narinig naman Yun ni mama ay agad syang lumingon sa gawi ko at agad na pumunta sa bintana para Makita ako

Bakit anak may problema ba, may masakit ba sayo , tell me what happened , nag aalalang Sabi ni mama sakin pero umiling Lang ako bilang sagot ,Kita ko naman sa mga mata Niya na nagaalala parin siya sakin .
Wala Lang ma...gusto ko Lang Makita ka....kayo nila papa ng magtagal kahit ngayon Lang
Naluluhang sabi ko Kay mama
Mama.. alam niyo... Gusto ko na kayong nakasama sa bahay tulad lang ng dati ...gusto ko na kayong mayakap nila papa nang sinabi ko yung mga salitang yun dun na tuluyang magbagsakan ang mga luha ko kaso Lang mama... Sniff  Alam ko naman na hindi pwede dahil sa kapangyarihan ko ehhh, kasi baka may nangyari nanaman na Di maganda katulad noon-na may mapahamak nanaman dahil sakin .... Kaya ma pakisabi nalang po sa kanila papa na miss na miss ko na sila at Mahal na Mahal ko po kayo tuluyang na akong napahagulgol ng iyak

I will jewel,I will ... Lagi mong tatandan nak na we love you who you are .... At nak wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa Kung anong nangyari noon because its just an accident anak walang may gusto nung nangyari nakita ko Naman na umiyak na din si mama

Pero ma..... Kung Hindi dahil sakin, sa...sa kapangyarihan ko hindi mangyayari yun sa kanya, Kung Hindi dahil sa akin hindi siguro sya macocomatose hanggang ngayon iyak parin ng iyak na Sabi ko Kay mama

Shh shh taha na wag kana umiyak pagpapatahan ni mama sa akin Wala na tayong magagawa nangyarari na Yun years ago and we couldn't change it if sisisihin mo Ang sarili mo. Jewel... Tanggapin nalang natin na nangyari na yun ...tandaan mo nak na wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyari okay aniya sige na anak una na si mama dun baka hinahanap na si mama sa bahay ng mga kapatid mo .
Pumikit ako kasabay ng paghinga ng malalin sige na po ma ingat po kayo pauwi paalam ko yay mama sabay kaway ng kamay ko, tumango na lamang si mama bilang sagot.
Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si mama saka lamang ako bumalik sa lamesa para kumain .

Pagkatapos kong hugasan yung lalagyan na dinala ni mama na pagkain ko ay dumeresto ako sa may kama para mag open ng account sa social media , Hindi naman porket nakakulong ako dito for 15 years ay Isa na Kong ignoranteng tao. Nagaaral din ako Yun nga Lang ay nag h-home school ako..... Wait masasabi ba na home to Kung di Naman iyo talaga bahay dahil Isa itong budega na naging kulungan/tahanan  ko na din ,
Hayyss pwede na yung term na yun hahaha

Actually mag f-first year college palang ako dahil nga Hindi ako nakapag aral agad dahil dun sa incident na nangyari years ago Kaya heto mag c-college palang .
At dahil graduate na ko ng highschool niregaluhan ako ng mga magulang ko ng loptop at bagong cellphone, yehey !!! Dati kasi Yung mga pinaggamitan Lang nila yung binibigay nila dahi nga liblib itong place ko , sa pagkakaalam ko nga may pinagawa na medyo malapit dito na bahay sila papa para Naman Hindi na sila byahe ng byahe diba,

Habang na s-scroll sa Facebook ay nakaramdam ako ng antok
nakakaantok naman pahikab na Sabi ko sabay pikit ng aking mga mata.

PRISONER (On Going)Where stories live. Discover now