Jewel's POV
itinaas na niya ang kanyang kamao hanggang sa kanyang mukha . Let's the battle begin.
Begin ani ko sabay na mabilis na sumugod sa kanya.
Mabilis akong umamba ng suntok papuntang tagiliran niya ngunit mabilis niya itong nailagan.
Pagkaiwas niya sa suntok ko, sinunod ko ang pagsipa sa kanyang mukha pero katulad Lang ng dati naiwasan nanaman niya,arrrgghhh nakakainis .
Pinatid ko Naman siya sa pamamagitan ng paa ko nang lumiyad siya sa pag iwas sa sipa ko .
Yess sabi ko sa isip ko Nung nagtagumpay ako sa pagpatid sa kanya.Lumayo ako ng konti sa kanya at pumwesto ng naka taas ang kamay hanggang mukha ko. Papatagalin ko muna ang laban hwahahahaha.
Now it's my turn Sabi niya ng makatayo na at agad na sumugod
Sa akin, todo iwas ako sa kanya dahil puro straight punches lang ang ginagawa niya.Akmang susuntok din ako nang mahawakan niya ang pulsuhan ko at inikot papuntang likod ko at sinipa ang ang likod ng tuhod ko .
Ano, Kaya pa sabi niya kaya nainis ako arrggghh
Tinulak niya ako dahilan upang masubsob ang magandang mukha ko sa lapag char.
Mabilis naman akong tumayo mula sa pagkakasubsob ko at hinarap siya, pero wala siya kaya nagtaka ako,
Nilingon ko naman ang paligid gamit Lang ang mga mata ko at nanatiling nakataas ang mga kamao ko, mahirap na baka biglang sumugod siya sakin at matalo pa ako.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya mabilis akong napatakbo ngunit nahila maman niya ang pulsuhan ko at pinaharap niya ako sa kanya at nagkatinginan kaming dalawa. napahintinto ako sa paggalaw at patuloy na nakatitil lang sa kanyang expressionless na mukha.
Pero napa aray Naman ako nung iikot niya ang braso ko at inilagay sa likod ko a-aahh daing ko sa sakit ssa pagkakaikot niya sa braso koHuwag mong tanggalin sa isipan mo ang konsentrasyon kung maaari
Mariing sabi niya sakin bago ako binitawan itigil na natin ang dwelong ito, mahusay ka na sa pakikipaglaban jewel but, kulang sa konsentrasyon,Tumango na lamang ako bilang sagot
Bukas paggamit naman ng mga weapons ang ituturo ko sayo kaya you better take a rest now para makabawi ang katawan mo. Aniya bago bumulong at bumaba na ang nakaangat na lupa na inaapakan namin ngayon, hindi ko narinig ang binulong niya kasi sobrang hina. haayy, ano ba jewel malamang bulong nga diba paano mo namam maririnig ang bulong, hay naku pagod lang ako kaya nagkakaganito ako.
Nauna na akong pumasok at dumeretso sa kwarto para mag pahinga na muna bago maligo, nakakapagod yung naging laban namin.
Excited na akong matuto kung paano gumamit ng mga armas, ^___^
Pagkatapos ko maligo dumeresto na ako sa kitchen para tignan si Aurde, nakita ko naman siyang naghahanda palang ng mga ingredients Kaya naisipan ko nang tumulong.
Simula kasi nung tinakas niya ako sa tirahan ko tumutulong na ako sa kanya sa paghahanda ng makakain namin kahit wala akong alam sa mga ganung bagay, pero di nagtagal natuto narin ako dahil sa pagtuturo niya ng mga nalalaman niya.❀❀❀❀❀
Atwe jaide.... pwease atwe jaide don't yeave me atwe.....umiiyak na sabi ko Kay ate jaide A-atwe j-jaide I'm sowi po I..I..I..I didn't mean sniff to dwo that sowi na pwo atwe kwo iyak lang ako ng iyak dahil nakikita ko mismo ang ate jaide ko na naliligo na sa sariling dugo at halos maghingalo na.
J..je...je...jewel nanghihina na sabi ni ate sakin sabay hawak sa pisngi ko.
I..I..it's..o..ok..ay......a..te..w..will.....be..fi...ne..pl...ease...do...n't...cry na...huh sa puntong Ito talagang maghingalo na si ate jaidelumapit naman sakin Yung nurse na nagaasikaso sakin
Ahhhmmm baby tara na dun na Muna layo sa labas maghintay ahhhmmm....tara na baby akmang hihilain na ako ng nurse nung tinulak ko sya kaya tumilapon sya sa kaharap Lang namin na pader at nawalan ng malay.Nwo dwito Lang pwo akwo sa swide ni atwe kwo ,don't touch mwe!!! Sigaw ko sa nurse na walang malay .Gulat Naman akong napatingin sa bumuhat sakin bigla,
Papwa kwo si...si atwe jaide po papwa kwo iyak ng iyak na sumbong ko kay papa
Shhh taha na jewel magiging maayos din ang lahat,kaya tumigil kana sa pag iyak okay,sa ngayon umuwi na na muna tayo sa bahay para makapagpahinga ka naluluhang sabi naman ni papa sabay lakad palabas ng hospitalNo papwa kwo ditwo Lang pwo akwo kay atwe jaide
I donn't wanna gwo home kwung hindwi kasamwa swi atwe jaide
Pagdadabog ko Naman Kay papa pero patuloy parin sya sa paglalakad natila walang naririnigAtwe jaide!!!!!!! sigaw ko
Atwe jaide !!!!!
Atwe jaide!!!!
Ate!!!!!!! Biglang sigaw ko kasabay ng bagbalikwas ng bangon at pagtulo ng luha ko.
Kinakapos ako ang hininga ng magising ako. haaayysss, napaniginipan ko nanaman yung nangyari noonWhat happened ? Are you okay? Why are you shouting? Sunod sunod na tanong ni Aurde pagkapasok na pagkapasok palang sa kwarto ko,halata din sa kanya na bagong gising kasi magulo pa ang buhok niya at mapungay pa ang mga mata.
Ka-kasalanan ko yung nangyari sa kanya, kasalanan ko yung nangyari kay ate jaide umiiyak na aniko sa kanya, bigla nalang niya akong niyakap kaya tuluyan na akong napahagulgol sa kanya kasalanan ko Kung bakit nangyari sa kanya yun, Kung Lang sana akong kapangyarihan hindi yun mangyayari sa kanya.
Shhhh.... Pagpapatahan niya sakin Hindi mo kasalanan ang nangyari kaya wag mong sisihin ang sarili mo, kaya tumahan kana
Hindi..... Kasalanan ko yun Aurde nang dahil sa akin nagkabali bali yung mga buto na ate ko nang dahil sa akin comatose parin siya hanggang ngayon, hindi ko kasi Alam na may kapangyarihan ako nun kasi bigla nalang lumabas habang naglalaro kami nun, kung.....kung bakit ba kasi ako pa nagkaroon ng ganitong kakayahan.
Medyo natahan na sabi ko.Hey, don't blame your self.
Hindi mo alam na may kapangyarihan ka nun kaya mo nagawa yun...... Pero ano ba ang dahilan kung bakit na comatose yung ate mo? Pwede mo bang ikwento?Ahhhhhhmmmm alanganing sagot ko pero tumango nalang ako, feeling ko kasi mababawasan ang sakit na nararamdam ko ngayon kapag nagkwento ako sa kanya.
__________________________________________________
(Author's note: sorry po sa mga typo and wrong spelling sana magustuhan niyo yung update ko ♡´・ᴗ・'♡ )
- Jannamixi 🧡
YOU ARE READING
PRISONER (On Going)
FantasiThis is a fantasy action story with a twist of romance. Paano kung sa loob ng ilang taon na pagkakakulong ng isang dalagita na may kakaibang kakayahan sa isang lugar na nasa gitna ng kagubatan, kung saan walang nakapasok na tao maliban na lamang sa...