TATLO

365 12 0
                                    

“Ano, kamusta ang pakiramdam mo, apo?”

Marahang umubo si Francine bago tignan ang pamilya niya na naroon lahat sa kuwarto.

“Ayos naman ho....” paos na sagot niya.

“Bakit ba kase kayo lumabas kahapon?” frustrate na tanong ng kanilang ina. “Look, what did just happened! Nagkasakit ka!”

“Francheska, kumalma ka. Ninais ito ng mga bata dahil nabuburyo sila rito sa bahay.” salo ng kanilang Lola.

“E, kase Ma! Hays! Fine!” napabuntong-hininga ang kanilang ina.

“Mas makakabuti pa siguro kung lumabas muna tayo.” Wika ng Lolo nila. “Nang makapagpahinga si Francine.”

Sumang-ayon silang lahat.

“Sige, magluluto na lamang ako ng sabaw ngayon para mainitan ang sikmura nating lahat.” Wika ng Papa nila.

Agad lumabas ang pamilya nila, at tanging si Cayn at siya na lamang ang natira. Naupo ito sa gilid ng kama niya.

“Kung alam ko lang naangyayari ‘to, sana hindi na ta---”

“Ginusto kong maligo roon, Cayn. 'Wag mong sisihin ang sarili mo.” kalmadong wika niya.

Napatango ito at pinagmasdan siya. “Teka, Cine....” kumunot ang noo ng ate niya. Hinagilap ng mata nito ang kwintas na ipinasuot sa kanila ng lola nila. “Where's your necklace?”

“Huh...”

“Yung kwintas na ipinasuot sa atin ni Lola?”

“Hinubad mo ba, apo?”

Sabay silang napatingin sa may pintuan. Naroon ang kanilang Lola, nakatayo habang may bitbit na bagong maliit na planggana.

Lumakad ito papunta sa study table at doon maingat na ipinatong ang planggana.

Bumaling ito kay Cayn, “maaari mo ba akong ikuha ng upuan sa ibaba, apo?”

Tumango agad si Cayn at nagpaalam na kukuha.

Naupo ang kanilang lola sa kaninang inupuan ni Cayn at doon ay pinagmasdan siya. “Sabihin mo sa akin ang totoo, apo. Hinubad mo ba ang kwintas no'ng naroon kayo?” 

Hindi agad siya nakasagot dahil sa guilt na nararamdaman. Tinignan niya ang kaniyang lola. “S-Sorry, Lola....” napayuko siya.

Naramdaman niya ang kamay nito na pumatong sa balikat niya at tinapik-tapik iyon. Pinapagaan ang loob niya. “Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit mo tinanggal?”

“A-Ayoko pong suotin, Lola....” pag-amin niya. There's no one i could lie. Besides, i don't want to.

Sandaling natahimik ang lola niya dahilan para mag-angat siya roon ng tingin.

Nakita niyang nakatingin na ito sa labas. Mukhang may malalim na iniisip.

“Alam ‘kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, apo.” Malumanay na ani nito. Naroon ang pino sa boses niyo, mga salita na pili. “Ngunit nais kong malaman mo na kailangan ninyo ang bagay na iyon.”

Nakaramdam siya ng kaonting kaba. Nanatili siyang walang imik.

“Dito sa probinsya, maraming elemento ang maaaring makasalamuha ninyo. Hindi man sila pisikal na nakikita, naroon naman ang presensiya nila. Nakamasid, at nakatanaw sa kanilang magiging biktima.”

Tila may kung anong bumara sa lalamunan niya. Nakamasid? Kaya gano'n na lamang ba ang bigat na nararamdaman niya kahapon ng naliligo siya? Na parang may nakamasid sa ginagawa niya?

ENGKANTO (SHORT STORY; COMPLETED) Where stories live. Discover now