CHAPTER 1

63 17 2
                                    


Chapter 1

PLV Campus




I wake up because of the loud bang on my door. Hindi na 'to bago dahil alam na alam ko na agad kung sino ang nasa likod ng walang habas na pagkatok at malakas na pambubulabog sa umagang ito. 



Syempre walang iba kundi ang best friend kong si Eunice. Na hobby na atang pumunta ng maaga rito palagi may pasok man o wala para maggising. Pinagbibigyan ko nalang dahil bukod sa siya lamang ang bestfriend ko ay paniguradong bored na bored na siya sa kanila.


"Elle ano ba, alam kong gising ka na bumangon ka na  at pagbuksan mo na ko", malakas na sigaw niya.


"Oo na saglit lang, eto na nakatayo na 'ko nagliligpit nalang ng pinaghigaan", may kalakasan din na sagot ko sa kanya pabalik para marinig niya.



I get up and fix my bed before opening the door. And like what she usually do, after Eunice enter my room she will inform me that my mommy and daddy already go to our company then the next thing she will do is to lie down on my bed while wearing our school uniform. 



At exactly 6:30 am I already finished doing my morning routines including taking a bath and eating breakfast. Hindi ko na rin ginising pa para ayain si Eunice na mag-almusal dahil sure naman na ako na nauna na siya sa baba kumain bago pumunta rito.


Nagawa kopang i-check ulit ang laman ng bag ko para makasigurado na wala akong makakalimutan kahit na na-check ko na ito kagabi bago matulog. Inilapag ko 'to sa ibabaw ng malambot kong kama sa tabi ni Eunice na kala mo si sleeping beauty.


"Sleeping beauty ka girl, kala mo kung sinong maganda 'to lakas naman maghilik", pabulong na saad ko para 'di magising ang mahal na prinsesa.


Ng matauhan ako na may pasok nga pala ngayon, nagsimula na 'ko mag-ayos.



When I am  done fixing my hair and putting my glasses on. Di na  ako nag-abala pa maglagay ng  make-up or kahit lip gloss dahil bukod sa 'di ako sanay ay ayoko rin naman ng may kahit anong pinapahid sa mukha. Lalo na at may P.E. mamaya at pagpapawisan lang din. Kaya pinili ko nalang na gising ang best friend ko.




"Eunice, ano ba gumising ka na malalate tayo niyan sa pinaggagagawa mo." 


Agad naman siyang tumayo para sabihing, "Alam mo Elle, habang tumatagal para ka nang si mommy magsalita."


"Edi love mo 'ko kasi love mo si Tita Ellise diba?" 

"Siyempre, hindi pinaplastik lang kaya kita at saka isa pa mommy ba kita? Ang sabi ko lang naman para kang si mommy hindi ikaw si mommy", mahabang tugon niya.



Magsasalita na sana ako ng putulin niya ang sasabihin ko para sabihin na,

"Pero effective talaga 'yang ganyan na pag-gising 'no, yung sasabihin halimbawa, Oy Eunice, ala una na bumangon kana sabi mo gisingin ka ng alas dose kanina pa kita ginisising, balakajan ha, tapos pag bangon mo 11:45 pa lang pala", pagputol niya sa akin para bigyang daan ang sasabihin niya with matching halimbawa pa.


The Disoriented AltairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon