Kabanata 45

240 7 27
                                    

"Have you heard the news?"


Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ang salitang iyon mula pa kaninang umaga. Lunes ngayon at sigurado akong naipamigay na ang mga invitations para sa party next week. I really don't know if I could consider it as one though.


Well, it was just a dinner party. Ang pinagkaiba nga lang, mas formal iyon dahil sa pagpapakilala sa akin bilang anak ng mga Lafuente.


"Yeah, I heard that."


Isa pa, bumalik na naman ang usap-usapan ang pagiging konektado ko sa mga Lafuente. I remained silent about the issue. Wala rin naman akong kailangang ipaliwanag sa kanila. Malalaman naman na nila sa darating na sabado ang tungkol doon.


"Do you have any idea kung sino?"


I shook my head. Lia was here in my office asking me about it. She has been asking the department heads if they knew the person being referred to in the news as the heiress of Lafuente.


"Ako ang Administrative Head pero wala rin akong kaalam-alam na meron nga talaga silang anak," she chuckled. "Are the media reporters still bothering you?" she asked.


"Oo," I sighed.


"Your name was involved with the Lafuentes a few years back hanggang ngayon. Kailan ka kaya nila titigilan?" concern na tanong niya. "Nagpa-press conference pa nga sila noon para huwag ka nang guluhin noon."


"Hayaan mo na. Lilipas din iyon."


"Pero curious lang ako," she narrowed her eyes at me. "Why are you being associated with them? I mean, when you topped the boards before, Lafuente ang gamit mo. Pero dito sa opisina, Callejo ka, di'ba?"


I suddenly felt nervous because of that. Bigla ay nanlamig ako. Ilang taon na akong nagtra-trabaho sa kumpanya namin, pero ngayon lang may nagtanong sa akin noon.


Ngayon lang kaya niya napansin o noon pa pero ngayon niya lang naitanong?


"Well..."


Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimulang magpaliwanag kay Lia. Bakit bigla ay wala akong maisip na excuse tungkol dito.


What the hell, Adeline?! You've been doing this for years now! Mag-isip ka!


"Excuse me, Ms. Adeline..." alanganin na ngumiti sa amin si Klaire nang pumasok siya sa opisina ko.


Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. I wanted to thank Klaire so bad! She saved me from Lia's question.


"Yes, Klaire?" I smiled at her.


"Mr. Severo wanted to consult something with you."

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now