Kabanata 15

252 14 0
                                    

"No one owns me"


"I don't have any girlfriend"


"Hindi kami ni Leane, if that's what you're thinking"


"I like someone else"


"I like you, Adeline"


Tila isang sirang plaka na paulit-ulit ang mga iyon sa utak ko at halos hindi na ako nakatulog kagabi dahil doon.


Nakainom siya, e! Paano kung hindi naman totoo yung mga sinabi niya? What if lasing lang siya kaya niya nasabi yon?


Ipinatong ko ang braso sa window side at isinandal ang ulo sa nakakuyom na kamay habang nagmamaneho pabalik sa Manila. Ang sakit-sakit ng ulo ko! Bukod sa hangover ay hindi ako halos nakatulog sa kaiisip sa sinabi ni Jayce.


Maaga akong gumayak dahil ngayon nga pala ang photoshoot ko sa bahay. Buti nalang at tinawagan ako ni mommy upang ipaalala iyon. Nag-chat nalang ako sa GC naming magkakaibigan para hindi sila mag-alala sa akin.


Buti nalang at safe pa rin akong nakarating sa Makati. Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni mommy. Humingi siya ng sorry sa akin dahil sa mga nasabi noong nakaraan. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong nagkasagutan kami at hinayaan ko nalang iyon.


"It's okay mom. Sorry din," I said and hugged her.


If she's sorry for what happened at the parties I went to last summer, wala na iyon sa akin as long as they will allow me to enjoy my freedom for two years.


Nakakasama man minsan sa loob, pero they are still my parents. Nahihirapan ako, pero hindi na nila dapat malaman pa iyon. I should always understand them. Kung ako rin naman siguro ang nasa kalagayan nila, ganoon rin ang gagawin ko para sa anak ko.


Dad is currently on a business trip abroad kaya wala siya rito. Mom prepared some breakfast for me dahil alam niyang hindi pa ako kumakain. Alam niya rin na galing pa ako ng Batangas, but she isn't aware of the party.


Isa-isang nagdatingan ang mga team na makakasama ko sa shoot. The photographers, stylists and make-up artists. Binati nila ako pagkakita sa akin kaya inaya ko na silang kumain. We just had a short chitchat over breakfast.


"Excuse me. Mag-prepare lang ako," paalam ko sa kanila at umakyat na sa kwarto ko para maligo ulit when my phone suddenly beeped.


From: Jayce


Where are you?


Should I reply to him? Kaso mas gugustuhin ko na atang i-text or i-chat nalang siya kaysa kausapin siya!


To: Jayce


I'm in Manila already. Some errands. Didn't they tell you?

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now