Kabanata 1

647 13 3
                                    

"Ano, Lou? Nakapagreview ka na ba para sa finals?" tanong ni Reese, pinsan ko.


Umupo ako sa tapat niya at inilagay ang mga libro sa lamesa. Kararating ko lang kasi galing sa condo at dito agad ako dumiretso sa Starbucks Morayta dahil nandito sila. Mamaya pa naman ang class namin ni Reese. Parehas kasi kaming ng kursong kinuha. Psychology.


"Medyo lang. Pero na-differentiate ko na yung mga pagkakaiba ng mga terminologies na ginamit ng mga theorists," sagot ko naman sakanya. Gumawa na kasi ako ng reviewer para sa isang subject namin.


"Ayan na po ang dean's lister. Masyadong ginagalingan sa pag-aaral kaya kararating lang dito," sabi ni Calli na bitbit ang mga drinks na inorder nila.


"Caramel Macchiato for Adeline," sabay abot sakin ng drink ni Farrah. Binigay na rin niya sa iba ang mga order nilang drinks.


"Eto na po yung New York Cheesecake mo, Madame," at inilapag nga ito ni Azariah sa harapan ko.


"Dean's lister ka dyan?" sabi ko naman.


"Hiyang-hiya naman kami sa'yo," sabay-sabay na sabi nila.


Natawa nalang ako sa kanila. Buti nalang at hindi pa gaano karami ang tao dito sa Starbucks. Kung hindi ay nakakahiya dahil medyo napalakas ang tawa namin.


Totoo naman na dean's lister ako. Pero ayoko talaga na tinatawag ako ng ganoon, na matalino ako at kung ano pa. Kasi grades lang naman iyon. Wala pa naman kami sa realidad ng buhay, hindi naman ako isasalba ng grades ko pagdating na araw.


"Hoy. Di lang naman ako yon. Si Farrah, diba? Mas matindi ngang mag-aral yan eh," sabi ko sabay turo kay Farrah na kaharap nanaman ang sketchpad niya dahil nag-iisip nanaman siya ng design. Architecture kasi ang kinuha.


"Para mo namang sinabi na hindi kami nag-aaral. Diba, Reese?" tanong ni Calli.


"Oo nga! Party goer lang kami ni Calli. Pero nag-aaral parin naman kami. Pumapasa naman ah?" kindat samin ni Reese.


Si Calli at Reese kasi ang mga happy-go-lucky saming magkakaibigan. Lahat ng party ata ay alam nitong dalawa kaya ang daming kakilala! Pero totoo naman na kahit pumaparty ang dalawang yon, hindi naman sila nagpapabaya sa studies nila. Tulad ng sinabi ko, parehas kaming Psych student ni Reese. Si Calli naman ay Tourism student.


"Kailan ba matatapos ang exams? Gusto ko na gumala!" pagpaparinig naman nitong si Azariah.


"Hindi ka ba nagsasawa gumala? Sabagay, para sa vlog mo nanaman?" ngisi naman ni Reese.


"Saan? Kelan?" tanong ni Farrah.


Bilib din ako dito kay Farrah. Kahit na busy siya sa ginagawa niya ay attentive pa rin siya sa pinag-uusapan namin. Magkasundo sila ni Azariah pagdating sa gala lalo na kung travel. Bukod sa nakakagala, ay nakakakuha ng mga perspective at ideas si Farrah sa mga designs. Ganoon rin si Azariah dahil nalalaman niya ang iba't ibang paraan para mas mapaganda pa ang mga gawa niya sa advertising, bukod pa rito, vlogger din siya.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now