LOVE COMES UNEXPECTEDLY
- a story written by MASTERYANGERTZ777
ge, enjoy lng .. ^_^
Fantasy love is much better than reality love. Never doing it is very exciting. The most exciting attractions are between two opposites that never meet.
Yan ang pinaniniwalaan ko. Kaya die hard fan ako ng Kpop, kasi alam ko masaya ako pag iniisip na ako at ang paborito kong Kpop icon ay nagkakaroon ng napakagandang love story. Yon nga, eh, never kaming magkikita. Napakalayo nila. Worst problem ko ang pamasahe papuntang korea, sobrang hirap pa namin. Hmpf... Tanong ko lang, pwede bang ang Korea na lang ang papuntahin dito sa Pilipinas? Mayaman naman sila, di ba?
" Sometimes the most beautiful thing is precisely the one that comes unexpectedly and unearned."
Love is not always a compromise. Sometimes it's a complete surprise....
Chapter 1 - The Unexpected News
Shane's POV
Ayan .! Sa wakas tapos na rin .. phew, napagod ako hah .! Ah, curious ba kayo kung anong ginagawa ko ngayon?.. NAG EEMPAKE AKO .., Maglalayas ? di noh !! di ko gawain yon ..
"SHEH ..!!!"
Nanay ko. haaay.. mamimiss ko ang boses nya.. hmpf. bakit pa kasi kelangan kong umalis papuntang Maynila?.. nkakalungkot nman.
"SHEH ..! Dali na ! Inaantay ka na ni Nathan ! "
"Opo! bababa na po .! "
Bago ako bumaba, tiningnan ko muna ang kwarto ko. nakakamiss... ! Habang nakatingin ako sa salamin, naalala ko tuloy ang dahilan kung bakit ako aalis...
>>FLASHBACK
Nakikipaglaro ako kay Niko ,nakababatang kapatid ko. Special child siya. At napaka espesyal nya talaga sa buhay ko at ng inay. Nagkakatuwaan kami nang magsalita si inay.
"Anak, alam kong gustong-gusto mo ang makapagtapos ng kolehiyo, kaya lang, kasi, walang-wala talaga tayo sa ngayon. Hindi pa ako nakakatanggap ng sahod ko sa paglalabada. Kaya di pa kita matutulungan ngayon. Sana maintindihan mo."
Pinapaunawa na naman sa akin ni inay ang sitwasyon namin. Naiintindihan ko ang ibig nyang sabihin. Sino pa ba ang magkakaintindihan kundi kami lang?. Wala na kasi si itay eh. Iniwan nya na kami, 5 taon na ang nakaraan.
Namatay siya dahil sa aksidente.
Simula nun, mag-isa na lang si inay sa pag aalaga at pagtataguyod sa aming magkakapatid. Tanging sa paglalabada nya lang kami nakadepende para mabuhay sa araw-araw.
Malungkot at nakakaawa ba ang buhay ko? Naku ! wag nyong isipin yan ! Kung akala nyo magmumukmok na lang ako sa tabi at magkwekwenta sa naaaaapakahabang listahan ng utang namin.., pwes, MALI KAYO.
Ba't ako malulungkot?
eh, may bestfriends naman ako! Kahit sabihin pang isa lang ang best, masaya ako kasi dalawa sila. *_*
"BEEEEEEST .. !!!!!!!"
Si Jana Laurel , isa sa bestfriends ko. Ba't kaya siya nandito?
"Ja, ba't nandito ka ? Ba't parang super excited ka?"
OO. Siya lang ang tumatawag ng best sa amin. Di ko kasi feel eh. hehe. Di naman ako masama, basta di ko lang feel . =_=
"May super duper lili lili to the highest level GOOD NEWS ako sayo.!!!" ^_________________^
Grabe lang hah! kung makapagsalita, taas ng energy !
"Anong good news?"
excited din ako, ...onti lng.
"Kasi si Nathan, tumawag sa akin.! Sabi nya, namiss nya na daw tayo. SOBRA.! Tapos, sinabi nya na gusto nya na daw tayong makita.!!!"
Pagpapaliwanag nya na parang wala ng bukas...
"Tapos?"
Tanging natanong ko lang.
"Makakapag-aral ka na best!!!" ^_____________^
WOW LANG. Ang saya nya talaga. Pedi liwanagin nya?
"Teka, di kasi kita maintindihan eh."
Di naman talaga. Paano ba ako makakapag-aral kung wala naman kaming pera pantustos. Ano bang tumtakbo sa utak ni Ja ? Adik kaya siya? +___+
"Kasi, sabi ni Nathan, sa Maynila daw tayo mag-aaral. Tutulungan ka daw nila tita Merly!"
Tita Merly? Mama ni Nathan? At anoooooo? Mag-aaral ako sa MAYNILA?
"Talaga?"
"Oo nga sabi eh. Best, makakapag-aral ka na! Sabay tayong gagraduate! Sabay din tayong mag-iipon para sa pamasahe natin papuntang Korea!"
Ay, ang loka-loka talaga nitong babaeng to. Korea daw? WHAT? Korea? Wae?
"Sinabi mo ba ang magic word?"
Tanong ko sa naaapakainteresadong tono.
"Yes. Korea. Mag-aaral tayo, then makakapagtabaho tayo, then magkakapera tayo, then yayaman tayo, then makikipagkita tayo sa mga papables na Kpop artists doon dahil Magkokorea tayo!"
Wow, ang sarap sa pakiramdam na mag-isip ng ganung bagay , ay este... mag-ilusyon ng ganung bagay. Pero sa ngayon, curious pa rin ako kung bakit ako makakalibre sa pag-aaral.
"Ja, bakit ba nila ako tutulungan? May-ari ba sila ng isang foundation?"
"Ay hinde, nukaba best, syempre kaibigan natin si Nathan eh. Di ka nya hahayaang maging kawawa lang. Kaya mag-impake ka na! DALI !"
"Jana, totoo ba yang sinasabi mo?"
Si inay, nakisali na rin sa usapan.
"OPO. Trulili itetch !"
Hoy Jana Boromeo, sagutin mo ng maayos nanay ko. Kala neto friends lang sila!
"Kung ganun, tinupad ni Merly ang pinangako nya sa akin nung mamatay ang ama ni Sheh. Na kailangan magkasama kayong tatlong magkokolehiyo at gagraduate."
Si Inay, habang nakatingin sa labas ng bintana, nagsesenti.... Nagkaroon pala sila ng ganung kasunduan? At tinupad ni Tita Merly. Sa ngayon masasabi ko lang, some promises are not meant to be broken...
>>END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
LOVE COMES UNEXPECTEDLY (ON-GOING SERIES)
Teen FictionShe is the simplest simple girl any man can see. Kaya lang, amidst her simplicity , is an enormous, banging, huge and immense dream of her. And she loves fantasizing. What will happen if an unexpected someone comes into her life? Someone who can fil...