Chapter 1

10 4 0
                                    

Chapter 1
Can't believe

Kaze POV:

LIMANG buwan  na kaming kasal ni ace pero pakiramdam ko parang ang lungkot ko padin. Ewan ko ba simula nang maikasal ako kay ace parang naging independent na ako sa sarili ko. Hindi na ako yung dating childish brat na katulad ng dati. Siguro binago ako ng pakikitingo ni ace saakin. Masakit bilang asawa nya na ang cold ng pakikitungo nya saakin minsan ay sinisigawan nya ako at sinasabihan ng mga masasakit na salita. Sa limang buwan naming pagsasama ay napakadaming nangyari. Nandun pa yung sasabay lang syang kumain ng dinner saakin kapag bibisita ang mga parents namin. Doon lang maganda ang pakikitungo nya saakin pero kapag nakaalis na sila balik na naman sa dati. May mga pagkakataon pa ngang nag-uuwi sya ng mga ibang babae dito. At ang mas masakit pa dun wala syang pakialam sa nararamdaman ko.

Tuwing hating gabi nalang sya umuuwi minsan pa nga lasing pa e. Nasaktan din ako nung pag-uwi namin galing kasal ay akala ko sa iisang kwarto lang kami matutulog pero i was wrong sinigawan nya lang ako at  pinaalis nya ako sa dapat na pagsasaluhan naming kwarto. Pinabukod nya ako ng matutulugan. Doon palang naramdaman ko na yung sakit. Kaya inisip ko nung araw na yun na hindi pa yun ang mga masasakit na mararamdaman at mararanasan ko sakanya.

Linggo ngayon at wala pa akong pasok sa opisina. At alam ko ding walang pasok si ace pero wala sya dito sa bahay.

Pumunta ako sa garden at naglibot libot. Hindi ako makapaniwala sa limang buwan naming pagsasama ay bigla nalang nag bago ang lahat. Lalong lalo na sa sarili ko.

"Ma'am....d-dumating na po si sir" napalingon naman ako sa likod ko nang may magsalita. Napakunot naman ako kung bakit parang namumula ata ang mga mata nya.

"Manang? Bakit po namumula ang mga mata nyo? Umiyak po ba kayo?" Tanong ko.

"Ma'am pinapaalis na po kami ni sir ace?" Umiiyak na sambit ng katulong namin.

"Ano? Bakit?"

"Hindi ko po alam ma'am"

Pumunta na ako sa loob ng mansion at nakita ko nga ang lahat ng kasambahay namin ay nakaimpake na ang mga damit at lahat sila ay umiiyak.

Tinignan ko naman ngayon si ace na nakaupo sa sofa at may hawak hawak na baso ng wine at dun lang sya nakatingin.

"Ace" pagtawag ko sakanya pero nanatili lang syang nakatingin sa wine.

Napabuga naman ako ng hangin sa aking bibig.

"Ace bakit mo sila pinapaalis hindi mo ba alam na sila lang ang inaasahan ng pamilya nila?" Tanong ko pero parang wala lang sakanya ang mga sinasabi ko.

"I. Don't. Care" sabi nya at nanatili paring nakatingin sa hawak nyang baso na may lamang wine.

"Pero hindi tama to mali yun ano ba ang kasalanan nila ha? Tell me" naiinis kong tanong.

"Nothing" walang kwenta nyang sagot.

"Nothing? What the...ace I can't believe you i didn't expect na magagawa mo 'to"

"I count in five kapag hindi pa kayo lumalabas kakaladkarin ko kayo isa isa" sabi ni ace ng hindi man lang tumitingin.

Nilingon ko naman ang limang katulong na nag-aalangang umalis. Bigla naman akong naawa sakanila lahat sila ay umiiyak at magang maga na ang mga mata.

Nauna ng umalis si nanay asel at sinundan na sya ng lahat.

"Ma'am sir aalis na po kami maraming salamat po sa lahat" at dumiretso na sila sa pinto.

Tinignan ko naman ng masama si ace bago umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso ako sa kabinet ko at kumuha ng 50 thousands matapos ay nagmamadali akong bumaba.

Crazy In Love  [ON-GOING]Where stories live. Discover now