Chapter 7

2 2 0
                                    

Chapter 7
Cold

Isang linggo ng di umuuwi si ace sa mansion. Tingin ko ay nagpapakasaya pa sila ni cindy sa mga oras na ito.

Matapos kong maipatay ang study lamp ko ay tumayo na ako sa table ko at lumabas muna ng kwarto. Nakakalungkot lang at napakatahimik ng mansion. Walang katao-tao kundi ako lang mag-isa. Pangit din pala kapag sobrang laki ng bahay tapos mag-isa or da-dalawa lang ang nakatira.

Pababa na ako ng hagdan nang makarinig ako ng busina. Maya-maya pa ay nakita kong pumasok si chrins sa pinto na may malawak na ngiti sa labi.

"Psh! What are you doing here?" Tanong ko habang sinasalubong sya ng lakad.

"Mmm?..aayain ka?" Sabi nito na may pilyong ngiti.

"Saan?" Tanong ko naman nang magkaharap na kami. Napa cross arm naman ko.

"Sa kasalan hahaha" biro nito at pinalo ko naman sya sa balikat nya.

"Owww!! Ikaw ha! Chansing ka ah napaka agressive mo" natatawa nitong sabi. Napasimangot naman ako.

"Bakit ka nga nandito? Mag a-advance ka ng sahod no?" Tanong ko naman napangiwi naman sya.

"Hindi ah! May sinabi ba ako...nagpunta ako dito para ayain ka sana na lumabas. Staka wala namang pasok ngayon" sabi nito at tinaas baba pa ang kilay.

"Ayoko..tinatamad ako" sabi ko. Totoo naman e..tinatamad ako na umalis ng bahay ang gusto ko lang ngayon ay humilata sa kama ko boung araw.

"Sige na...napaka kj naman nito" pagtatampo naman nito.

"Hahaha sige na nga...wait lang magbibihis lang ako" sabi ko at umakyat ulit sa hagdan.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay lumapit agad ako sa aparador ko.

Tinignan ko ang mga nakasabit na mga pang lakad ko na damit. Magkaiba kasi ang lagayan ng mga damit ko sa pang trabaho at panglalad at iba din sa pang bahay.

Kinuha ko naman sa hanger ang isang simpleng white dress. Okay na siguro ito...

At kinuha ko din ang magkapares na white doll shoes ko. Matapos ay nagpalit na ako ng damit.

Matapos kong makapag palit ng damit ay humarap ako sa malaking salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko.

Ayos lang naman above the knee ko lang naman ang dress at mabuti nalang din at hindi maitim ang tuhod ko.

Kinuha ko naman brush comb ko at hinayaang nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ako ng konting press powder at ng kaunting natural pink lipstick.

At okay na! Hindi naman ako masyadong naglalagay ng mga kolorete sa mukha except kapag may occasion talaga.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko naka lagay sa sofa ko. Mamuntik ko ng kalimutan na maglagay ng perfume. Nakakahiya naman kay chrins na halos humalimuyak na ang pabango nya sa loob ng mansion ni ace.

Pagkababa ko naabutan ko si chrins na prenteng nakaupo sa couch at nakataas pa ang dalawang paa sa mini table at nagce-cellphone.

"Ehem" pag-agaw pansin ko kay chrins.

Napalingon naman sya saakin at mga ilang sigundo syang napatitig saakin.

"Hoy" pagtawag ko sakanya.

Napakurap naman sya ng ilang beses.

"Ang ganda mo..saan nga ulit tayo pupunta?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Ano? 'diba dapat ako ang magtanong sayo nyan? Ikaw kaya ang nag-aya" sabi ko naman.

Napa palo sya sa noo nya.

Crazy In Love  [ON-GOING]Where stories live. Discover now