Chapter 4

4 3 0
                                    

Chapter 4
Emergency

Kaze POV:

Nagising ako hindi dahil sa gusto kong gumising, nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Para na itong mabibiyak! God!

Napabangon naman ako at inilibot ko ang aking tingin sa boung kwarto.

Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko. Kaya pala habang natutulog ako ay iba ang amoy ng hinihigaan ko, amoy panlalaking pabango.

Mabilisan ko naman tinanggal ang kumot na naka balot saakin at nawala ang kaba ko nang makita kong kompleto pa ang sout ko kahit ang tsinelas ko nakasout pa din sa paa ko.

Napailing ako.

Umalis na ako sa kama saka ko hinanap ang kabilang pares ng tsinelas ko. Totoo nga ang sabi ni chrins.

Flashback

"Sigurado—huk*na wala kang gagawin—huk*sakin ha.." sabi ko habang nagmamaneho na sya pauwi sa condo nya.

"Oo nga kulit mo, and yes I'm a womanizer pero namimili ako ng mga babae no. Staka hundred percent wala akong gagalawin sayo okay?" sabi nito. Hindi ko na sya magawang tignan dahil sa bukod nahihilo na ako ay inaantok narin ako. Kaya boung byahe akong nakapikit.

"Okay....huk* wag kana—huk*maingay tutulog lang ako" at yun nakatulog na nga ako ng tuluyan. Hindi na nga ako nagising kung paano nya ako naihatid dito sa kama nya.

End of flashback

Nang makita ko na ang pares ng isang stinelas ko sa ilalim ng kama nya ay lumabas  na ako ng kwarto ni chrins para hanapin sya. Manghihingi lang ako ng gamot sa sakit ng ulo.

Kahit isang gabi palang kami nagkakasama komportable na agad ang loob ko sakanya. Hindi katulad sa ibang tao na kahit ngitian ka lang mapapaiwas kana ng tingin pero iba to kay chrins. Pakiramdam ko matagal ko na syang kilala e pero hindi, wala din naman akong matandaan na may kaibigan ako noon na may pangalan na chrins.

"Chrins? Asan ka? Nandyan kaba?" Pagtawag ko habang naglalakad na nakahawak sa ulo ko. Grabe ang sakit ilan ba yung nainom ko kagabi at sobrang sakit ng ulo ko.

Pagkadating ko sa sala nakita ko si chrins na prenteng nakaupo sa couch nya habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi nya pa ako napansin kaya tumikhim ako.

Nakakailang tikhim na ako pero wala padin syang naririnig.

Napagtanto ko na ang cute nya pala magbasa, nakakunot ang noo hahaha.

"Ehem chrins" pagtawag ko saka lang syang lumingon saakin. Para naman syang nakakita ng multo nang makita nya ako.

"G-gising kana pala, ginulat mo naman ako" sabi nito tumayo naman sya at pumunta sa mini island kitchen nya.

At bagbalik ay may dala syang tray ng pagkain at inilapag nya ito sa mini table.

"Umupo kana at kumain kana pagkatapos mong kumain bibigyan kita ng gamot sa sakit ng ulo" sabi nito at umupo naman ako. Tinabihan nya naman ako at kinuha nya ang kape nya.

"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko kasi nakapag hain na sya ng pagkain.

"Ah oo maaga talaga ako nagigising" sabi nito. Inumpisahan ko ng kainin ang niluto nya.

Fried rice, hotdog, bacon, at tocino ang niluto nya.

"Uy ang sarap ng pagkakaluto mo sa fried rice ha" sabi ko habang nguminguya.

Crazy In Love  [ON-GOING]Where stories live. Discover now