chapter 3

4 3 0
                                    

Chapter 3
Nevermind

Kaze POV:

Naisipan ko nalang na umuwi sa mansion ni ace dahil sa ayoko na din mag stay sa condo ko at baka malaman ni dad na nag-away kami mahirap na. Nandito ako ngayon sa sala at busy sa pagme-message sa mga taong nag-apply as my secretary. Sabi kasi ni jane kung ipagpapabukas ko pa baka matagalan ako sa pag-hahanap ng secretary at lalo na ngayon na kailangan ko sila sa mga ganitong sitwasyon na marami ako masyadong ginagawa idagdag pa yung kumpanya at ang pinaghahandaang project movie nila dad.  

At dahil sa may bagyo nga hindi ko muna pinapasok ang mga empleyado ko para narin sa kaligtasan nila. Pina work at home ko nalang sakanila ang mga dapat nilang tapusin gaya ko. Habang busy ako sa laptop ko sa pagtingin ng mga sinagutan ng mga nag-apply ay busy din ako sa pagtawag sakanila dahil sa may kailangan pa akong tanungin sa kanila like kung may experience ba sila sa pagiging secretary. Hindi din naman naging mahirap ang pagsasagot nila kasi nag send din kasi ako sakanila ng documents na sasagutan nila na parang bio-data lang.

Phone ringing...

Napatingin naman ako sa phone ko na nagriring. It's jane.

"Yes jane?" I ask habang nagtitipa ng message kay ms. Asoncion na naga-apply.

["May i sa-suggest ako sayong tao na pwede mong maging secretary"] sagot naman nito.

"Huh? Sino naman yan? Ano pangalan nya? At hahanapin ko na now na yung name nya sa mga nag email sakin" sabi ko.

["No no i mean ite-text ko nalang sayo yung number nya din, tawagan mo sya okay ba?"] Tanong ni jane. Napatigil naman ako sa pagtitipa sa laptop.

"What? Ako pa talaga ang mag fi-first move? Ha? Hindi bat sila ang may kailangan ng trabaho?" Sabi ko.

["Kaze sayang naman malay mo magustuhan mo"]pagkukumbinsi nito saakin.

"Magustuhan ko? Sige sige text mo nalang saakin yung number nya" sabi ko at pinatay na ang tawag. Pagkapatay ko palang ng tawag ay na text na saakin ni jane ang number ng sina-suggest nya.

Kapag ito hindi ko nagustuhan jane ha.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras dahil madami pa akong gagawin ay tinawagan ko na ang number na sinend saakin ni jane.

Nakakailang ring na ang phone ko at hindi nya padin sinasagot mga tatlong tawag ko muna sya bago nya sinagot.

Huminga muna ako ng malalim.

"Hello this is—" nagulat ako nang hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita. Bastos! Walang good manner!

["Yeah? Who is this? "] Tanong naman ng boses lalaki sa kabilang linya. Baka naman niloloko lang ako ni jane.

"Isang tanong isang sagot, ikaw ba yung maga-apply as my secretary?" Tanong ko.

["Yeah why? So ikaw na ba ang boss ko?"] Maloko nitong tanong. Napabuga naman ako ng hangin.

"Pakibigay saakin ang iyong email at may isesend ako sayong documents na kailangan mong sagutan asap" pagsabi ko at hinanda ko ng magsearch.

["Woah woah woah chill...ano bayan may exam nanaman ba akong sasagutan? Tss...kapagod e tanungin mo nalang ako at sasagutan ko asap"] napairap naman ako ng wala sa oras.

"Ano ba? Maga-apply kaba talaga o hindi cause i end this call na i have a lot of important things i have to do" at binaba ko na muna ang cellphone ko sa table ko at ni-loud speaker ko.

Crazy In Love  [ON-GOING]Where stories live. Discover now