02

231 10 1
                                    

Tristan POV's

Palabas na ako ng pinagsakyan kong Eroplano. Nang galing ako ng newyork at umuwi ngayon dito sa pilipinas para dito magcollege at makasama na din ang mga magulang ko.

laking lola talaga ako kaya si lola ang nagalaga saakin. Pero dahil matanda na at may edad na si Lola hindi na niya kaya pang Alagaan ako.

Ito ako hinihintay ang magsusundo saakin. Ang Mommy & daddy ko sila daw ang magsusundo saakin. Kahit sobrang busy ng mga magulang ko ay hindi pa din nila nakakalimutang may anak sila, lagi silang may oras saakin. Araw araw ko silang nakakausap

Isa nga pala akong anak ng isang Architecture at isang mayamang business man. Wala akong kapatid nagiisa lamang akong anak nila

Hila-hila ko ang dalawang maleta ko at bitbit ang isang bagpack ko. Naupo ako at may nakita akong babaeng nakaupo din sa may dulo katapat ko. Hindi man gaano kalayo kapansin pansin ang pagiging malalim niyang magisip.

Nakatulala lang siya at hindi napapansin ang mga taong nasa tabi niya ni pagtitig ko sakanya ay hindi niya napansin.

Napatigil ako sa pagtitig sa babae ng makarinig ako ng isang familiar na boses mula sa aking gilid paglingon ko ay sila Mommy

Kasama ang dalawang pinsan ko at ang kanilang kaibigan

"Tristan anak" sambit kaya nakangiti akong tumayo at sinalubong sila. Nagbatian lang kami. Napatingin naman ako kay Tyron na naging kaibigan ko lang dahil sa dalawang pinsan ko na kaibigan ko na din. Hindi kasi ako nawawalan ng balita dito sa pilipinas palagi akong tumatawag sa kanila lalo na sa mga loko-loko kong mga kaibigan dito at pinakilala nila saakin si Tyron at Si Jasper pero sa tingin ko ay wala siya rito ngayon.

"Ang gwapo ng anak natin. Binatang binata" sambit ng ama ko. Napangiti ako

"Mana sayo Dad" sagot ko sakanya nagtawanan naman sila.

"Wassup bro! Welkam back" sambit ng pinsan na kaibigan kong si Andre

Tumango at nakipagapir lang ako sakanya

"Ayos ah. Madami siguro tung chix tita" sambit ni Gino na pinsan at kaibigan ko din. Binatukan ko naman siya

"Loko loko ka talaga" sagot ko sakanya at nagtawanan kaming lahat

Laking pinas din naman ako at mas tumagal akong tumira dito sa pilipinas, ilang taon lamang ako nung ako'y tumira sa newyork.

And kaya deretso din akong magsalita ng tagalog ay gaya ng sabi ko kanina palagi kong kausap mga kaibigan at pamilya ko dito sa pilipinas. At puro filipino din ang kasama namin ni Lola sa mansion niya at nagaaral ako sa isnag university na filipino din ang mga nagaaral don.

Pero dahil sa proud filipino ako ay mas paborito kong gamitin ang wikang tagalog, kahit medyo nahihirapan akong sambitin na ang ibang salita ng tagalog.

"Nice to see you bro. Sa wakas" sambit ni Tyron saakin. Napangiti at nakipagapir ako sakanya

"Yeah mee too. Where's Jasper?" Tanong ko sakanya

"May sinundo ding biglaan sa  airport, kaya hindi nakasama, pero sabi niya bawi nalang daw siya kapag nagkita daw kayo" sambit niya tumango naman ako

Naisipan muna ng pamilya kong kumain bago umuwi ng tuluyan sa Bahay

.

.

"Tristan iho, napapaniginipan mo pa ba ang dalaga na hindi mo nakikita ang mukha?" Biglang tanong ni Mommy nung nasa kalagitnaan na kami ng Bayahe.

Napaisip naman ako. Kung sino naman ang babaeng yon. Kung meron man siya sa Mundong to sana ayos lang at ligtas siya. 1 Buwan ko na siyang napapaniginipan at ang weird ng mga napapaniginipan ko sakanya

Hindi ko alam ang mga sagot.

"Tristan!" Natigilan ako ng tawagin ni mommy ang pangalan ko.

"Hindi pa din ba nawala? Ilang Weeks na yan antagal na" nagaalalang sambit niya. Napabuntong hininga naman ako

Flashback:

Ang babaeng nasa panaginip ay palaging malabo ang mukha niya sa mga panaginip ko palagi siyang humihingi ng tulong saakin.

Nung unang napaniginipan ko siya ay. Nakidnap siya at saakin siya humihingi ng tulong at ang weird don ay lahat ng tao na nasa panaginip ko ay hindi ako nakikita. Pero ang babaeng yon na hindi ko makita kung anong itsura niya ay nakikita, nahahawakan at nakakausap niya ako.

Gusto ko siyang tulungan don sa panaginip ko pero kapag gagawa na ako ng galaw ay bigla akong magigising at hindi na alam ang susunod na mangyayare kapag itutulog ko muli ay wala na, hindi na babalik

Kumbaga paiba iba siya ng pangyayari at lugar

Tapos ang Sumunod ay nalulunod siya sa Isang bangin at saakin muli siya humihingi ng tulong at nasa gitna lang ako ng bangin pinapanood siyang humihingi ng tulong saakin.

Wala akong magawa. Tulungan ko man siya ay hindi ko magawa dahil nagigising ako ng biglaan kahit ayaw ko pang gumising ay nagigising talaga ako.

At ang mas matindi don ay ang babaeng yon na palaging nasa panaginip ko ay palaging nasa panganib. Palagi siyang humihingi ng tulong. Hindi ko man araw araw siyang napapanaginipan pero yung mga nangyayare nakakatakot

Natatakot ako pra sa babaeng yon, hindi ko man siya nakikita, hindi ko man alam kung anong pangalan niya pero may something siya saakin.

Parang kailangan niya talaga ng tulong ko.

Kung totoong buhay man siya sa mundong ito. Kahit gusto ko siyang hanapin ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano ko siya hahanapin dahil unang una ay malabo ang mukha siya mga panaginip ko at pangalawa ay hindi ko naman siya kakilala at kung mahahanap ko man siya ay alam niya kaya na ako ang lalaking nakikita niya o napapaniginipan niya din ba ako? Parihas din ba kami ng Sitwasyon?

Ang gulo!

At yung kagabi na napanaginipan ko ay nabaril at nabugbug siya. Nasa Kalsada kami narape din siya at nakita ko na naman siyang humihingi ng tulong saakin. Nakita ko kung paano siya binaboy ng mga lalaki. Hindi ko nakita ang mukha nila dahil nakamask sila ng black. Habang hinahalay nila ang babaeng yon ay alam kong nakakatitig saakin ang babae.

Sino kaba? Totoong buhay kaba sa mundong to? Totoo bang nangyayare lahat sayo yung mga napapanaginipan ko?

Napatigil ako sa pagiisip ng tawagin ako ni mommy.

"Iho, ayos kalang?" Nagaalala niyang tanong. Naramdaman ko naman ang mainit at basa sa aking pisngi. Napahawak ako dito at napatingin sa mga kasama ko, nagaalala silang tumingin saakin.

Bakit ako umiiyak?

Babaeng nasa panaginip ko sino kaba? Sino ka sa buhay ko? Nangyayare ba sayo yon?

Parang kahapon lang nangyari. Wala akong magawa dahil sa panaginip ko lang naman siya nakakasama at sa panaginip na yon ay hindi ko siya matulungan. Bakit parang ang sakit sakit saakin na hindi ko siya natulungan?

Sino ka ba talaga?

Who are you??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon