TRISTAN POV's
Nakakapagtaka lang dahil pilitin ko man kaninang matulog, hindi talaga ako makatulog. Kahit gusto ko mang malaman kong ano muli ang napapaniginipan ko at magaganap sa babaeng yon sa mga panaginip ko.
Kaso hindi na ako napagbigyan. Nagtataka na ako. Hindi kaya sakit na tung nangyayare saakin?
Kung iisipin nababaliw ako kapag iniisip kong anong mangyayare sa susunod at bakit ganon palagi ang nangyayare sa panaginip ko. Hindi ko maintindihan, ano ba dapat?
Ang gulo. Hindi ko makuha kong anong pinupunto ng panaginip ko? Sino ba kasi ang babaeng yon? May ugnayan ba kami ng babaeng yon? Gusto ko ng malaman kong anong itsura niya at kung sino talaga siya?
Dahil mahihirapan na ako. Nakakatrauma yung nangyayare sa panaginip ko.
Tumayo ako at dumeretso sa kusina para kumain. Ngayon sana ang first day of class ko kaso nakiusap muna ako sa Mga magulang ko na next week nalang ako magsimula dahil parang pgod na pagod pa ako at gusto kong ako mismo ang magayos ng kwarto ko.
Para hindi ako mahuli sa lesson ay pansamantalang ibigay muna nila saakin ang mga activity na dapat kung sagutan. Hindi naman mahirap para saakin ang ganon dahil alam ko sa sarili kong kaya kong sagutan ng ako lang magisa.
"Tristan, gising kana pala. Halika na dito iho" sabi ni Manang saakin ang pinakmatanda at pinakamatagal ng katulong namin dito sa bahay na pra na din naming pamilya.
Ngumiti lang ako sakanya at naupo. Alam ko namang maagang umalis ang magulang ko dahil gising ako ng umalis sila.
Kaya hindi ko na dapat tanongin dahil alam ko namang wala na sila.
Kahit ano mang disenyo ng kwarto ko ay ayos lang saakin, hindi naman ako maarte pagdating don. Ayos na sakin kong anong meron at makakaya nito.
Kaya kinausap ko na din si Mommy na wag niya ng problemahin at ako na ang bahala. Sa una ay ayaw niya akong payagan pero pinilit ko pa din ang gusto ko. Alam kong madami siyang client kaya hindi ko na dapat pala siyang istorbohin. May mga tutulong naman saakin.
Sa ngayon ay babalakin ko munang mamili ng mga dapat ilagay sa kwarto ko bago ko ito simulang ayusin.
.
..
Pagkatapos kong kumain ay agad akong naligo para makapunta ng mall. Isasama ko ang dalawang katulong namin at dalawang guards ko. Dahil napagalaman kong may mga dating sumusuporta pa din sakin dito.
Bata palang kasi ako ay Modelo na ako sa isang branch at isang Dancer sa dalawang company. Balak din nila akong ipasok sa pagaarte pero tumanggi ako at Tumigil ako, 1year ago na simula ng umalis ako, kailangan kong magfocus sa pagaaral ko.
Pagaaral pa din naman ang priority ko. Naiintindihan naman ng Manager ko yon. Pero balang araw kapag handa na ulit ako ay babalik ako.
Kaya sigurado kapag magisa lang akong pumunta ngayon ay hindi ako mabilis makakapamili ng Mga kailangan ko.
At isa pa nakita ko din sa social media na alam nilang dumating na ako ng pilipinas at nakita pa nila ako sa airport. Nakakatuwa at nakakaproud pa din. Dahil kahit wala na ako ay sinusuportahan pa din nila ako.
Hindi man ako sigurado na marami sila ay pakiramdam ko ay kahit makita ako ng isang tao sa mall ay siguradong makikilala nila ako. Dahil ang dating president ng fandom ko ay nakakausap ko pa din, lagi siyang may alam saakin at nakakatuwa naman dahil hindi pa din siya sumusuko.
Hindi talaga nagkamali sa pagpili sakanya.
"Tristan Iho, nakahanda na ang sasakyan" sabi ni manang habang nagaayos ako sa harap ng malaking salamin malapit sa Kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Who are you??
Kısa HikayeCassandra Nicole Ramos Sandoval Tristan Mark De Valdez Raxton I hope you enjoy :) -------------------- "Magkikita ulit tayo. Pangako yan" sambit ng isang lalaking hindi ko kakilala "Pangako magkikita muli tayo." Sambit niyang muli pero nanatili lang...