Nicole POV's
Kakauwi lang namin galing airport kasama ang ang pinsan naming si Faye na sinundo namin sa Airport. Galing siya ng korea dahil binisita niya ang kanyang kasintahan sa korea.
Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din ang lalaking nasa panaginip ko. Pakiramdam ko ay parang may mali. Parang hndi tama
Para siyang totoo na hindi. Kapag ikukwento ko siya sa iba ay parang walang maniniwala.
Ang gulo-gulo hindi ko maitugma lahat. Kung iisipin ang hirap intindihin kong ano yon.
"Kuya Jasper Bakit kanina pa tulala yang si Nicole?" Rinig kong tanong ni Faye sa kuya ko
"Alam mo, huwag mong pansinin yan. Nababaliw lang yan palagi kasing nagbabasa ng lovestory kaya ayan." Sagot niya
Mas baliw ka tsk!
Nakita ko namang tumango si faye
Sa inis ko kay kuya ay tumayo na ako pumunta sa Kwarto ko para gumawa ng Homework.TRISTAN POV's
Pagdating namin sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto ko. Ilang taon na din akong hindi nakastay dito at ngayon nalang ulit. Umalis akong ganito at dinatnan ko ng ganito pa din ang itsura. Pambata pa din ang style hindi man lang pinaibahan ng magulang ko.
Pero dahil sobrang napagod ako. Bukas ko nalang aayusin ang buong kwartong ito, kakausapin ko pa ang mommy ko para dito. Para masikaso niya kung anong magiging itsura ng Kwarto ko.
Marami man kaming katulong para ayusin ang kwarto kong ito, kaso alam kong alam nila na hindi ko pinapagalaw lahat ng gamit. Maayos at malinis naman siya plagi din naman siguro nilang nililinisan dito.
Pumasok ako sa closet room ko para tinignan kong anong laman ng mga yon.
Mga gamit ko pa din nung umalis ako. At mga laruan.
Andami nang mga nangyare pero parang itong kwarto ko lang hindi nabago. Nagshower lang ako at humilata sa kama kong spiderman pa ang bedsheet.
Hanggang sa makatulog ako.....
.
.
Alas dose ng madaling araw ay nagising ako dahil nakaramdam ako ng Gutom. At hindi ko napanaginipan ang babae.
Tumayo ako at bumababa. Napasin ko naman ang bukas na ilaw mula sa Office ng Aking ina.
"Oh, iho. Ang aga mo naman" tanong niya ng makapasok ako don.
"Bakit ho kayo ang aga niyo? Natulog na ba kayo?" Tanong ko. Napakahardworking talaga ng mga magulang ko. Wala akong masabi
"Kagigising ko lang din. Normal lang saamin ng Daddy mo ang gumising ng ganitong oras para matawagan ka, mamaya gigising na din ang daddy mo" sambit niya
Nakaisip naman ako ng kalokohan
"Pero bakit wala pa akong kapatid?" Asar at nakangisi kong sumbat sakanya. Napatawa siya at kinurot ako sa Tagiliran.
"Ikaw talagang bata ka. Puro ka biro" malambing niyang sabi
"Why not diba? Malaki na ako" sagot ko at kumindat sakanya. Namula naman siya
Hahahaha ang kyot naman ng nanay ko.
BINABASA MO ANG
Who are you??
Short StoryCassandra Nicole Ramos Sandoval Tristan Mark De Valdez Raxton I hope you enjoy :) -------------------- "Magkikita ulit tayo. Pangako yan" sambit ng isang lalaking hindi ko kakilala "Pangako magkikita muli tayo." Sambit niyang muli pero nanatili lang...