Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto ko kaya naman napabangon ako para buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang maid na mukhang nasa late twenties na at nakasuot ng uniform ng maid.
"Ma'am baba na daw po kayo. Pinapatawag po kayo nila Mr. & Mrs. Montecarlos kasi kakain na po." mahinhin na sabi nito kaya naman tumango ako at nagsabi na susunod na ako sa baba.
Pagkasara ko ng pinto ay agad akong nagpunta ng banyo at naghilamos. Bago ako bumaba ay kinuha ko pa ang phone ko na naka-charge sa side table at tinignan ang oras. Halos limang oras din pala akong nakatulog dahil na rin siguro sa pagod sa byahe.
Pagbaba ko ay dumiretso ako sa dining area at nakita ko sila Tita at Tito, parents ni Yoshi, na naka-upo na habang naglalapag na ng pagkain ang mga maid.
"Good evening Tito and Tita." sabi ko at humalik sa pisngi nila pagkalapit ko sakanila. Nginitian naman nila ako at agad na pina-upo para makapag-simula na kami kumain.
"So, how's your flight Via? We heard na si Yoshi ang sumundo sayo dahil nasiraan daw ng kotse yung driver na dapat susundo sayo? I'm very sorry." hinging paumanhin ni Tita sa akin kaya naman nginitian ko sila.
"It's okay Tita. Besides Yoshi is the one who fetch me so it's fine for me. Nasaan po pala siya?" tanong ko ng ma-realize ko na wala si Yoshi sa hapag kainan.
"Oh, that. Yoshi left kanina pa daw kasama na naman yata mga kaibigan nya na naman. Pasensya ka na hija at wala dito si Yoshi." sabi naman ni Tito.
"It's fine Tito. Actually, I've met his friends. Nandito sila nung dumating kami galing airport and they seem nice." sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.
Habang kumakain ay in-inform na rin ako ni Tita about sa university na papasukan ko which is yung Treasure University. I'm already in the 2nd year college same with Yoshi and I think with his friends since sabi niya nga na classmates kami although mas matanda sakin si Yoshi ng 1 year he's already 19 and I just turn 18 last last month.
After eating ay umakyat na agad ako sa kwarto dahil wala naman akong gagawin. Aayusin ko na lang muna yung mga gamit ko from my luggages.
Almost a week have already been passed. And so far mabilis naman ako nakapag-familiarize ng mga lugar around this place with the help of Yoshi. We even went to a different malls and parks. Nakita ko na rin yung university na papasukan namin kaso dinaanan lang namin since malilibot naman daw yun sa first day which will happen next week.
And today, I decided to go for a jog around our subdivision since maaga akong nagising. I just took a half bath and dress myself in a sports bra, windbreaker, leggings, and a pair of black rubber shoes.
Medyo nakarami rin ako ng ikot bago ako nag-decide na bumalik na ng bahay since masyado na masakit sa balat yung init ng araw. Pagpasok ko ay dumiretso agad ako ng kusina para uminom at naabutan ko si Yoshi na mukhang bagong gising lang at nagbbreakfast sa kitchen counter.
"Aga mo ah?" sabi ko at tumabi sakanya. Nanibago lang ako since ngayon ko lang sya nakita na kumakain ng breakfast sa umaga dahil ang gising nya lagi ay almost lunch time na.
"Ah, yeah. Aga mambulabog nung mga ungas eh nag-aya mag-beach Batangas daw sama ka?" tanong nya sakin kaya naman napatingin ako sakanya. Beach?
"3 days lang naman. Bale pahabol na bakasyon ba bago mag-pasukan. Tsaka private property nila Haruto yun kaya tayo-tayo lang tao doon." sabi nito sa akin at tumayo na para hugasan yung pinagkainan nya. Napaisip naman ako since matagal na rin simula nung nagpunta akong beach at summer pa rin naman ay iniisip ko kung sasama ako. Kaya naman tinanguan ko sya at nagthumbs up ako.
BINABASA MO ANG
Serendipity
ChickLitVia Haven Montecarlos was sent by her parents to the Philippines. She left everything behind and face a new life in the Philippines. While everything is going smoothly and Via easily coping up in her life with the help of his cousin, Yoshinori Monte...