Andito na ako ngayon sa labas kung saan nagse-set up sila Yoshi ng bonfire. Nananahimik lang ako sa tabi habang nag-sketch ng kung ano-ano. Buti na lang talaga dinala ko itong sketchpad at pencils ko pampawala na rin ito ng boredom.
Busy sila lahat sa kung ano na ginagawa nila. Si Lia? Ayun di kami nagpapansinan kahit yung ibang girls na kasama namin dito hindi rin ako pinapansin at kay Lia nakadikit. Pake ko naman sakanila kahit magsama-sama pa sila.
"Oh, inom ka muna ang tagal pa kasi maluto nung barbecue eh." biglang abot sa akin ni Yoshi ng beer na nasa bote.
Tinanggap ko naman iyon at ininuman agad. "Mag-iinuman ba after kumain ng dinner?" tanong ko na agad naman nyang tinanguan.
Nagpaalam na rin sya at agad na bumalik sa ihawan kung saan nandoon rin si Mashiho at Haruto. Sila Nicoly naman ay busy sa pag-aayos ng bonfire na mamaya ay papaapoyin na nila para sa gabi. Yung mga girls? Ayun picture nang picture.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-sketch habang medyo maliwanag pa. Papalubog pa lang naman yung araw at sobrang ganda ng kulay ng langit.
While finishing my sketch someone sat beside me kaya naman napalingon ako. It's Asahi. Agad na hinanap ng mata ko si Lia at nakitang nanlilisik ang mata na nakatingin sakin.
Agad naman may pumasok na kalokohan sa isip ko at agad na nginitian sya sabay tingin kay Asahi na katabi ko ngayon.
I reach for my beer and show it to Asahi. Agad naman nyang inangat din ang beer na hawak nya at ibinangga ng marahan sa beer ko.
"Asahi right?" I asked even though it's obvious.
"Yeah... why?" tanong nya.
Nilagok ko naman muna ang alak na hawak ko bago nagpatuloy sa sasabihin. "Nothing. Just curious what are you doing here they're all busy as you can see." I said and look at the people around us.
"Wala naman ako gagawin. Kaya na nila yan." sabi niya at ngumisi dahilan para lumabas ang dimple nya. "How about you? Ba't andito ka lang naka-upo? Why don't you join the other girls." he asked.
"We aren't close as you can see and not in good terms too. Also, I'm busy." I said and showed him my sketchpad.
"Ah artist ka pala?" tanong nya na ikinatawa ko naman at marahan siya hinampas kunwari ng sketchpad ko sa braso nya. Kitang kita ko naman ang panggagalaiti sa mukha ni Lia. Yeah, that's right Lia mainggit ka.
"I'm not. It's just a hobby when I'm bored I guess." I said and smiled at him.
"You're still an artist even though it is just your hobby when you're bored. Can I see?" sabi naman nito at itinuro ang sketchpad ko.
Napadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba ang sketchpad ko. "It's okay if you're not comfortable. Sorry." sabi nito.
"Ah, no. Here, nagulat lang ako." sabi ko at iniabot sakanya ang sketchpad ko. Agad naman nya iyon binuklat at sinuri ang mga drawings ko.
"This is nice. Your sketches is great." sabi nito at ibinalik sa akin ang sketchpad ko matapos nya tignan. Mabilis lang yun dahil konti pa lang naman ang sketch ko doon since kakabili ko lang last week.
"Thank you." I said.
Napatingin naman ako sa bote na hawak ko ng ma-realize na wala na pala iyon laman kaya naman ibinaba ko na lang iyon.
Bigla naman tumayo si Asahi ng tawagin nila CJ. Napatingin ulit ako kay Lia at nginitian sya sabay nag-wave. Natawa naman ako dahil nag-walk out si gaga. Pikon na pikon lang.
"Via let's go kakain na." tawag sakin ni Yoshi at nakitang inaayos na nila sa table yung pagkain. Tumayo naman na ako at agad na pumunta sa table.
Halos lahat sila naka-upo na at nakita ko na naka-tabi kay Asahi si Lia.

BINABASA MO ANG
Serendipity
ChickLitVia Haven Montecarlos was sent by her parents to the Philippines. She left everything behind and face a new life in the Philippines. While everything is going smoothly and Via easily coping up in her life with the help of his cousin, Yoshinori Monte...