03

7 2 0
                                    

Halos tanghali na ng bumangon ako at lumabas ng kwarto. Tirik na tirik na ang araw at ramdam na ramdam ko ang init nito kahit nasa loob pa ako ng bahay.

Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Briana at Lia, two out of six girls na sinama nila dito. We've met and introduce each other last night while we were eating.

Nilampasan lang nila ako kaya naman hindi ko na rin sila pinansin at dumiretso ng kusina para kumain ng breakfast.

Those girls, I knew it hindi ko sila makaka-sundo. Masyadong mga maarte at puro dikit lang sa mga kaibigan ni Yoshi ang alam.

Naupo na ako sa kitchen at nagsimulang kumain ng cereal na nakita ko habang nag-scan sa phone ko. Hanggang matapos ako ay nakatutok lang ako sa phone ko reading something kaya naman ng matapos ako ay tumayo na ako na sya namang pasok ni Lia at Briana sa kusina at binangga ako dahilan para mabitawan ko ang box ng gatas na balak ko isauli sa ref.

Kumalat ang gatas na laman ng box dahil sa impact ng pagkakabagsak nito.

"Oops... sorry nakaharang ka kasi eh." sabi ni Lia at nagtawanan pa sila ni Briana.

Napairap naman ako sa kawalan at sabay yumuko para kunin ang box at itapon na sa basurahan.

"Excuse me." sabi ko at nilampasan sila bitbit ang box na nasa kamay ko.

"Hey! Hindi pa ako tapos sayo." hila sa akin ni Lia kaya naman nabitawan ko ang box at may tumilamsik na naman na gatas sa sahig.

Napasandal ako sa kitchen counter dahil doon at napatingin sa dalawa na mukhang natutuwa pa sa nangyayare.

"What do you two want from me?" inis na sabi ko at tinignan silang dalawa. This two bitch is getting in my nerves. Kung alam ko lang na ganto isasama ng mga kaibigan ni Yoshi ay hindi na sana ako sumama dito.

"Ang kapal naman ng mukha mo magtanong nyan. Kami dapat nagtatanong nyan. What do you want from Asahi?"

Asahi? Natawa naman ako sa sinabi ni Briana.

"Me? I don't even know who Asahi is not until yesterday." sabi ko at tumawa sakanilang dalawa.

"Bitch! Malandi ka! Nagpanggap ka pa na nahihirapan sa luggage mong napaka-liit para mapansin ni Asahi." sabi ni Lia at lumapit sakin at hinawakan ako sa may panga ko ng may diin at sinampal ako.

Napangisi naman ako at tumawa habang hawak ang pisngi ko na sinampal nya

"Ako? Magpapanggap? Bitch, I'm Via Haven Montecarlos at hindi ko kailangan magpanggap at magpaawa para lang mapansin ng isang lalaki." sabi ko at sinampal rin sya.

Gulat na gulat naman ang mukha ni Briana dahil sa nangyari at napaatras pa ng tignan ko rin sya.

"How dare you!" sigaw ni Lia at sinabunutan na ako dahilan para mapahiga kami sa sahig na may natapon na gatas.

Rinig na rinig naman ang sigaw ni Briana dahil sa ginagawa naming dalawa ni Lia.

Yoshinori's

"Oh my gosh! Yoshi your cousin and Lia is fighting!" nagmamadaling takbo sa amin ni Briana galing sa rest house.

Agad naman nanlaki ang mata ko at agad agad kaming nagtakbuhan papapuntang bahay. Pagpasok pa lang ay rinig na rinig na ang sigawan ng dalawa kaya naman napatakbo ako kung saan nanggagaling ang sigawan at naabutan sila Via at Lia sa sahig ng kitchen na nagsasabunutan.

"Malandi ka! Ang kapal ng mukha mo!"

"Mas malandi ka!"

"Ouch! Bitawan mo buhok ko!"

Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon