Chapter 15:His Side

5K 153 2
                                    

Raven Pov

Naninibago ako ngayon bukod sa hindi ko kasabay pumasok si Olivia..

bakit lahat ng studyanteng madaanan ko nakatingin sakin at may ilang bulungan din akong naririnig..

Tss.. bumulong pa sila kung naririnig din naman..

"siya ba yun.."

"Ang swerte naman niya"

"I hate her bakit siya pa eh. mas maganda naman ako"

"Mas magaling naman ako dyan ah."

"I'm sure lagot siya kay xylene pagnilapitan niya si wade"

Bat ko naman lalapitan ang supladong yun..psh..

Ewan ko sakanila di ko gets mga sinasabi nila

Pagkapasok ko ng room agad akong sinalubong ni Olivia at nagtatalon pa ng parang bata..

"Raveeeen!.. Congrats isa tayo sa mga napili"olivia

Nu daw?

"What do you mean?"

"Sa audition isa tayo sa napili na sasayaw sa dance battle"olivia

"Geh congrats satin"sabi ko nalang kay olivia at dumeretso ng umupo sa seat ko

Psh..bakit napili pa ako..okay lang sana kung hindi eh..tsk..tsk..

pagkaupo ko biglang tumingin sakin si wade

eh?? anung meron..

Tinignan ko lang siya at naghihintay kung may sasabihin siya

Pero lumipas ang mag-iisang minuto ni isang word wala pa siyang nasasabi..

Psh..balak ba niyang makipagtitigan sakin?..

"May sasabihin ka ba?"tanung ko kaya medyo nabigla siya

"may rehearsal tayo after lunch sa gym,pumunta ka"pagkasabi niya nun umub-ob na siya sa table..

Psh.. yun lang pala ang sasabihin kaylangan pa talagang makipagtitigan..tsk..

Maya-maya dumating na si Sir Zev at nagsimula ng maglesson

Bat ba naging prof namin yan dito pwede naman paalisin ni Almira yan si Sir Zev bat di niya magawa..

Ang talim kasi lagi makatingin sakin o kaya naman kay Almira..

At nga pala 1 week nang wala si Almira sa academy..

Huli ko siyang nakita nung tinulungan ko siya sa pagkakahimatay niya at nagtanung kung saang hotel siya pede tumuloy..Baka naman narape na yun dami pa namang manyak sa pinuntahan niyang hotel tsk..

Sabagay wala na kong pake dun kaya naman niya labanan yun tss..

>>fastforward>>>>>>>>

"Raven mauna ka ng maglunch may gagawin pa kasi ako sa library kita nalang tayo sa rehersal..bye.."nag-nod nalang ako kay olivia at umalis na siya

Kinuha ko naman ang mga gamit ko at lumabas narin ng room 

Tsk.. mag-isa nanaman ako tapos bigla naman may eepal habang mag-isa akong naglalakad ngayon..

Psh.. lagi namang ganyan ang eksena eh..

Tulad nalang nitong papalapit sakin ngayon at mukhang balak sirain ang araw ko..

Bat naman kasi nakikilala ko pa to' eh..

"Hi! babe"sabi niya pagkalapit niya sakin at inakbayan ako..

Kita niyo na ang epal talaga eh,Nyemas to'! napakaFC masyado..

The Gangster meets The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon