Hi Michelle Erika! Happy 19th Birthday!
This story is the compilations of our poems and letters never sent for you.
We hope that you will have a great time reading it.
Happy 19th birthday Erika. Stressed tayong lahat ngayong 2020 pero alam kong masaya ka ngayong birthday mo dahil napapalibutan ka ng mga taong nagmamahal sayo. Isa ako sa mga maswerteng taong nakilala ka at sobrang thankful ako sa friendship na meron tayo. Kahit hindi na tayo masyadong nagkikita sobrang close parin natin sa isa't isa. Maraming salamat sa lahat. Sana naging isa akong mabuting kaibigan sayo gaya ng pagiging mabuti mong kaibigan sakin.
Goodluck sa magiging journey mo sa pag-abot ng mga pangarap mo. Marami kang pagsubok na haharapin bago mo makamit ang mga iyon pero tandaan mo lang na nandito kaming mga kaibigan mo na handang tulungan ka. Happy Birthday future CPA.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kaya siguro naging close tayo sa isa't isa kasi pareho tayong Aldub Nation. Natatandaan ko pa kung gaano tayo kinikilig tuwing weeksary at monthsary nila Yaya Dub at Alden. Kahit na lagi tayong binabash ni Jessica, solid Aldub Nation parin tayo. Magkakaroon ka rin ng jowa sa tamang panahon.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Eto yung naging seatmate tayo nung grade 9. Ikaw lagi kakopyahan ko sa lahat ng subjects lalo na sa math char hahaha. Natatandaan ko pa kasi before mag start yung klase nagchat na sakin si Salva na tabi daw kami kaso nung first day of school tinawag mo ako tas sabi mo tabi tayo. Di ko kinuwento sayo kasi baka maguilty ka na inagaw mo ako sa iba charot hahaha.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Eto yung tulang inihanda ko para sayo
------------------------------------
Maligayang kaarawan Michelle Erika
Maraming salamat sa pagiging isang kaibigan
Sa lahat ng oras ay nariyan ka
Totoo at maasahan
Sana ang Diyos ay pagpalain ka
Na matupad ang iyong mga hiling at kasiyahan
-----------------------------------
ps. Nabasa ko mga tula nila ang gaganda Pag pasensyahan mo na itong akin sapagka't 'di ako makata