Letter 21 - Christian Loid Lita

8 0 0
                                    

Poem:

Minsan may uri nang hangin akong hinihiling
Yung tila batobalaning dadalhin ako sa ibang emosyon
Hindi ko maipaliwanag
Pero alam kong kilala ko ang hangin na 'yun
Hindi siya ang hangin na nararamdaman
Sa bawat aspaltong daan
Hindi rin siya ang hangin na nalalasap madalas sa kagubatan
Hindi rin ang hangin sa malakwadradong trapiko
Hindi maipaliwanag
Marahil pili lang ang nakakaalam
Sa kung paano nito napapagaan
Ang damdamin nang sinumang kanyang kumutan
Hindi siya malamig
Hindi rin malamlam
Tila tamang sukat na temperatura na hinahanap ng iyong katawan
At ganito ko siya gustong alalahanin
Hindi man kami madalas magsama
Pero sa tuwing nagkakaroon nang pagkakataon
Alam kong siya yung hangin na hinahanap ko
At siya yung hangin na talaga namang iba
At siya ang hangin na mananatiling magpapagaan hindi lamang ng taong naghahangad ng yakap
Kundi ng mga taong may nais ipabatid sa kanya
Salamat, hangin.
Nawa'y marami ka pang makumutan.

Sa pagsilay sa bukangliwayway may inggit na naramdaman ang araw dahil hindi na siya ang magandang pwede pang matanaw. Narito ang dilag nagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Maligayang bati, mula sa makatang sawi. Nawa'y ang pag-ibig na nadarating ay hindi maging pait. Happy Birthday Erika! 🎂🎉

-Lits

Letters Never SentWhere stories live. Discover now