GOTTA LET IT GO

11.6K 535 267
                                    

Ryker Sandiego

Napaungot ako nang marinig ang malakas na tunog na nanggagaling sa aking cellphone. Inabot ko ito mula sa aking bed side table at tiningnan ang oras.

6:30 am.

Nilingon ko ang lalaking nakahiga sa aking tabi at saka napangiti. Yumuko ako papalapit sa kanya at saka dinampian ng marahang halik ang kanyanh ulo. Dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi ko siya magising.

Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong maghilamos sa banyo. Pakanta-kanta pa ako habang niluluto ang scrambled egg na tanging alam ko lang lutuin. Nang maluto ito, inilagay ko ito sa plato katani ng toasted bread. Nagtimpla na rin ako gatas at kapeng barako.

Hindi nagtagal narinig ko na ang mga yapak niyang papasok dito sa kusina namin.

"Good morning, Zeke," ang masaya kong bati sa kanya. "Kain ka na." Inilipag ko sa lamesang gawa sa salamin ang niluto kong breakfast pati na rin ang kape't gatas na ginawa ko.

"Ano nga palang gagawin mo ngayong araw?" Ang tanong ko nang makaupo ako sa kanyang harapan.

"Wala, mage-edit lang ng videos. Bakit?" Ramdam ko ang lamig sa boses niya habang sinasagot ako pero hindi ako nagpatinag.

"Ah, wala. Magpapasama sana ako sa'yo." Tumigil siya sa pagkain at tinitigan ako.

"Saan?"

"Sa may supermarket lang."

"I'll take you there after I finish editing Nadia's video. It won't take long."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Pinigilan ko ang sariling mapangite ng wagas sa sinabi niya. It's been a long time since we went out together. I really missed being with him.

Isang professional film editor si Zeke ng mga kilalang international at local artists. I... I have been in a relationship with him for more than five years already. Sa dalawang taon sa five years na 'yan we became each other's fiancee. He promised me the world. He promised to take me infront of the alter.

I could still remember clearly that day when he proposed to me. It was the best day of my life. Para akong nakalutang sa ulap. I feel so loved and valued. Something warm magically wrapped my heart after he put the diamond ring on my ring finger.

Nang matapos kaming kumain, tahimik siyang nagtungo sa kanyang kwarto para magtrabaho habang ako naman ay naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maglaba ng mga damit nila, tinungo ko naman ang kwarto ko para maligo at mag-ayos.

Ala-una na ng hapon nang matapos akong magpalit ng damit. Iyong outfit ko noong unang date namin ang isinuot ko. Simple lang naman ang outfit ko. Isa itong pink na button down shirt na pinarisan ko ng itim na skinny jeans. Habang nag-aayos ako, naagaw ng kumikinang kong singsing ang aking atensyon.

Tiningnan ko ang aking mga kamay at saka unti-unti iyong inilapit sa labi ko. 
Huminga ako ng malalim at sunod-sunod na lumunok. Hindi ako pwedeng umiyak. Dapat masaya ako ngayong araw.

"Ryker, are you done?" Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang baritonong boses ni Zeke.

"Ah, oo!"

GOTTA LET IT GO [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon