A Day to Remember

593 12 2
                                    

(Claire's)

Time flies ,at hindi ko namamalayang may tatlong linggo na ako dito sa Isla ala-ala.
Medyo nasasanay na rin ako ,Madali lang pakisamahan ang mga katrabaho at tao dito.

"Nurse claire, mag lunch muna tayo." Aya saakin ng isa pang nurse. Sya ang unang naging kaibigan ko dito, bukod sa masayahin ay madaldal din, kaya hindi ka maboboring kasama sya.

Noong nasa manila kasi ako, wala ako ni isang kaibigan.Ang palagi ko lang nakakausap eh ang tita ko na may private clinic na malapit sa university na pinasukan ko.

"Sige, susunod na lang ako ,pagkahatid ko kay lola sa tricycle." Sabi ko.

Tumango naman si nurse joy bilang pagsang-ayon .
Maingat ko namang inalalayan ang matanda palabas ng health center at isinakay sa service nitong tricycle.

Pabalik na sana ako sa loob , Nang may matanawan ako sa di kalayuan...

Si marco. Sa tatlong linggo ko rito sa isla ay madalas ko rin syang nakikita ,malapit sa center.

Kung tatanungin nyo ako kung ano ginagawa nya ! Hindi ko rin alam.

Maingat akong lumapit sakanya habang hindi sya nakatingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na ikinabigla nya.

Umayos sya ng pagkakaupo sa motor na puti na hiniram pa sa kaibigan nya.Mukha talaga syang nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa likuran nya.

"Ha? Wala naman. Napadaan lang" sagot nito.

Ngumiti lang ako bilang tugon.
Aalis na sana ako ng may sabihin pa ito .

"Ohh teka , balita ko naligaw ka daw nung mga nakaraang linggo ahh.haha ' umabot ka sa pajo??" Tatawa tawa nitong sabi.

Arrgh. Paano nakarating ang nakakahiyang balita na yun sakanya .

Pajo, iyon ang pinakadulong baryo dito sa isla.

"At sinong nagsabi sayo ng maling balita na yan??" Taas kilay kong tanong.

"Hmm...sa kakilala ko na kakilala mo rin ^_____^ " grabe at kung makangiti. Talagang nakakaasar.

"So stalker na kita ganun?? Kailangan mo ba talaga alamin ang nangyayari sakin? " tanong ko na may ngisi sa labi.

Agad naman syang pinamulahan ng mukha nang sabihin ko iyon.

"Tss hoy, sinabi nga lang! Hindi ko inalam.
Narinig mo bang sinabi ko na Inalam ko pa kay joy ang lagay mo dito sa isla?!" Namumula pa rin sya habang sinasabi yun.

Napahagalapak ako ng tawa.Hindi sya marunong magsinungaling. Halata sya.

Teka bakit kinikilig ako ,amp.

"Ayan, kasasabi mo lang." Sabi ko ng maka recover ako sa pagtawa.

Umiwas lang sya ng tingin habang bubulong bulong sa hangin.

Pinaandar nya na ang makina ng motor, teka aalis na sya. Psh pikon.

" Alis na nga ako, inaasar mo lang ako." Sabi nito bago umalis.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sya papalayo.

Bumalik lang ako sa katinuan nang may mahinang bumunggo sa likuran ko.

"Hoy, ang sabi mo susunod ka? Bakit parang iba yata ang sinusundan mo ng tingin jan?" .sabi nito.

Nilingon ko ito ,at si joy pala iyon na ngayon ay humahaba ang leeg sa pagtanaw kay marco .

"Jowa mo ba yun?" Pag uusisa pa ni joy ng di ko sya pansinin at nagsimula na akong maglakad.
" Madalas nya akong kulitin para lang magkwento tungkol sayo eh. "

A Day To RememberWhere stories live. Discover now