A Day To Remember

373 26 1
                                    


------
(Present day )

It's been two years since our first met.
One year and nine months since our last day together.
One year and five months since the last day  i heard your voice and i love you's.

I slowly kneeled on the ground as i reach your graveyard .

I didn't expect na ito na lang ang maghihintay saakin dito sa isla ala-ala pagbalik ko.

Ang inaasahan kong isang matipunong lalaki na may mahabang buhok at nakakahalinang ngiti ang sasalubong sakin. Ay isang kwadradong bato na may nakaukit ng iyong pangalan ang madadatnan ko.

Inalis ko ang mga tuyong dahon na tumatabing sa lapida ni marco.

"Marco A. Batuigas" mahinang basa ko sa nakasulat.

Bahagya akong napangiti ng maalala ang sinabi nya saakin noon sa dalampasigan
"Ako si Marco Batuigas...Matigas to hindi ito sakitin."

Nasaan ka na ngayon marco? Nasaan ang tigas na sinasabi mo?

One year and five months ago.
Kinabukasan nang huling gabi kami nagkausap noon ni marco .

Naassign ako sa operating room as a scrub nurse.

May isang oras bago ko na check ang phone ko na may labing anim na misscall galing sa number ni Calai.

Mag ccall back pa lang sana ako ng tumawag ulit to.

Agad ko iyong sinagot dahil inaasahan kong si marco iyon.

"Hi marcoooo" masayang bati ko.

Hikbi lamang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"M-marco?"

"Ate claire ...." Boses iyon ni calai sa pagitan ng paghikbi nya ay nagawa nyang tawagin ang pangalan ko.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko na parang binabambo ng malaking kahoy.

"A-ate claireee..." Nagsimula na syang pumalahaw ng iyak...

Ang mga sumunod na salita na galing kay calai ang nagpabagsak sa buong sistema ko.

Isang congenital heart failure patient rin si marco ayon kay calai. At Sya mismo ang taong tinutukoy ni marco na 28 years survivor.

Inilihim sakin  ni Marco ang sakit nya dahil ayaw nyang tignan ko sya bilang isa sa mga pasyente ko, kundi isang lalaking magmamahal sakin ng totoo..Iyon ang sabi ni calai ng makabalik ako dito sa isla.

Noong araw na namatay si marco ay halos hindi gumana ang sistema ko.
Ilang buwan akong nagmukmok.
Oo nagttrabaho ako pero wala ako sa focus, kaya nakagalitan na naman ako ni mommy.
Ni hindi ako nagtungo sa burol noon ni marco, dahil masakit saakin na makikita ko lang sya sa pagbalik ko kung kailan nakahiga sya sa makitid na kahon na tanging manipis na salamin ang nagsisilbing pagitan.

Inabot ng isang taon, bago ko naisipan na dalawin sya.
Naintindihan naman ako ni nanay helen.

"H-hi! *sniff* nandito na ako marco. Pasensya kana . N-ngayon lang ako , naka B-balik" hindi ko na napigilan ang pagha gulgol.
Akala ko okay na ako. Na kaya ko na syang harapin sa ganitong sitwasyon.

"Ang daya... Ang daya daya mo marco. Ang sabi mo hihintayin mo ako! B-bakit ka sumuko agad? Bakit mo ako iniwan agad? Ano pang mapapala ko dito,kung wala ka! " sigaw ko sa puntod nya.

Para akong tanga , na umaasang sasagot sya.

"Alam mo bang gustong gusto ko na ulit makita ang mga ngiti mo?.
Yung mga ngiting hindi ko aakalaing may iniinda ka nang sakit. *sniff* Yung ngiti mong, nagsasabing lahat ay okay lang. Yung ngiti mong nagpahulog ng tuluyan ng loob ko sayo."

A Day To RememberWhere stories live. Discover now