A Day to Remember

284 10 3
                                    


------
(Claire's)

Noong gabi na yun ay ang huling gabi kong nakita si marco. Sa mga sumunod na araw ay ni anino nya ay di ko na nakita.

Oo ,aaminin ko...Namimiss ko na sya.

'Nasaan ka na ba ngayon,marco?
Sinanay mo ako sa ppresensya mo, ngayon ay bigla ka na lang mawawala ng walang paalam.'

"Nurse, claire... Si patient number 43 ,paki lead sa ward nya please." Sabi ni doc. Habang inaalalayan ang pasyenteng naka wheel chair .

"Sige po doc. Ako na pong bahala sa kanya." Sabi ko saka kinuha ang wheel chair kay dok.

Maingat kong inalalayan pabalik sa kama ang pasyente at isinabit ang swero nito.

Lumabas rin ako kaagad , sa labas ng ward ay naroon sa harap ang taong gustong gusto kong makita.....si Marco.

Malungkot ang mukha nitong sumalubong sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Bahagya syang ngumiti ngunit bakas parin ang kalungkutan at saka yumuko.

"S-si Emily....."  Putol nya sa sasabihin nya... Naglakad sya palabas kung kaya't sinundan ko sya.

Sa labas ay umupo sya sa motor na dala nya, saka tumingin sakin.

"W-wala na... Wala na sya claire..." Sabi nito.

A-anong wala na? Umalis na sya???
May pagkalito ko syang tinignan.

"P-patay na si Emily." Sabi pa nya nang di ako kumikibo.

Napatakip pa ako ng bibig matapos ko iyong marinig.
Parang noong kailan lang nang makita ko sya...

"P-paano....." Naiusal ko lang.

"Kinabukasan nang padasala ni tatay , hindi na maganda ang pakiramdam nya. Sumama ako sa kanila pauwi noon sa kabilang bayan. Nang araw na iyon, nag sisimula na syang panakitan ng dibdib.
Gustuhin man namin syang dalhin sa syudad para doon ipagamot.... Wala ring magagawa. Wala k----syang lunas sa sakit. Umabot.... N-ng tatlong araw , ... B-bago, sya Sumuko sa laban." Napahagulgol sya ng iyak sa harap ko.

Napayakap ako sa kanya dala ng emosyong pinapakita nya sakin ngayon.

"19 years.... Bakit ngayon lang sya pinagpahinga ng sakit nya! Kahit ako! Mas gugustuhin kong namatay ng kapanganakan ko kesa pahirapan ng ganito.... Sobrang sakit! " sigaw nya.

A-ano bang sinasabi nya.

"A-alam mo ba..." Sabi nya sa pagitan ng paghikbi nya.  "May kilala ako na may katulad ng sakit ni Emily.... Na ngayon ay 28 years pang nabubuhay....ha-ha... " sabi pa nya na may halong sarkastikong tawa.

"Tumahan ka na marco. " sabi ko habang hinahagod ang likod nya.

Tumahimik naman sya ng sabihin ko yun.
Mukhang masakit talaga para sakanya na mawala si Emily .

28 years... Eh iyong 18 years nga sobrang pahirap na... Paano na lang yung nabuhay pa sa loob ng 28 taong puno ng pagpapahirap,???

Nagsimula ng maglakad si marco patungo sa dalampasigan, sinundan ko naman ito.

"Claire,... Nagmamadali ako ehh pasensya na..." Sabi nya..
Nagmamadali?? Aalis na ba sya?? "Claire... Alam mong mahal kita.  Hanggang kailan ba ako maghihintay ??,  baka hindi ako umabot."  Sabi nya.

"Aalis ka ba?? Ok lang, hihintayin kita..." Sabi ko.

"Claire... Mahal na mahal na kita! M-may nararamdaman ka rin ba para sakin?" Tanong nya pa ulit.

A Day To RememberWhere stories live. Discover now