A Day To Remember

344 8 1
                                    

---
(Claire's)

Simula noong araw na iyon ay Niligawan nga ako ni marco.
Lagi ay hatid sundo nya ako.Ang sabi nya pa , para daw hindi na ako maligaw.tss.

Mabilis lumipas ang mga araw.
Ikatlong buwan ko na dito sa isla.
At mahigit dalawang buwan na akong nililigawan ni marco.
Patuloy rin naman ang pag seserbisyo ko sa health center ,kahit na madalas ay may bigla na lang hahatak sakin palabas para lang kumain.

Gaya ngayon, nandito na naman ako sa labas at hatak ng lalaking tatlong buwan ko ng palihim na minamahal.

"Saan mo na naman ako dadalhin marco? May trabaho pa ko ehh!" Angal ko dito .

"Mabilis lang to' may ipapakita lang ako sayo." Sabi nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa dalamapasigan.

"Ohh anong meron dito? Palagi na tayong nandito marco.Wala namang bago ehh." Sabi ko ng tumigil kami sa isang malaking bato.

Tahimik lang syang umupo sa bato at tinitigan lang ako.
Ano na naman kaya trip nito?

"Galing ako sa tiange-an kanina , tapos nakita ko to..." Sabi nya habang may dinudukot sa bulsa nya.

Mula sa bulsa ay may nilabas syang kwintas, iyon yung kwintas na madalas ay actual na ginagawa ng vendor , yung yari sa manipis na alambre yata yun...ahh basta iyon yun.
Hugis puso ang nasa gitna no'n at sa loob ay may kung anong niramble na letra.

"Aish ,si Calai talaga may pakana nito eh. " sabi nya pa.

Pinagmasdan ko lang sya , habang hindi nya malaman kung ibibigay ba saakin yun o hindi.

"Anong balak mo jan?" Tanong ko.

Napakamot sya sa ulo na may kuto na yata sa haba ng buhok,jk bago sya bumaba sa batong kinauupuan nya.

"Claire, handa akong magpakasal at harapin ang lahat basta ikaw ang kasama ko...."

"Teka nga bakit parang ako pa yata ang namimilit dito? Handa ka huh? Talaga lang?!" Sabi ko sa gitna nang pagtawa ko.

"Totoo naman ehh... Nagpupumilit kang pumasok dito ohh...masakit!" Sabi nito na may pagturo sa dibdib nya.

" eh di kung nasasaktan ka , itigil muna" sabi ko.

Pero syempre biro lang yun.
Ngayon pa na balak ko na syang sagutin?!

"Bakit ko ititigil kung alam ko namang masasaktan ka.... Ah este ikasasakit ko lang lalo." Sabi nito na may ngisi.

Masama ko syang tinignan,grabe kung mang asar.Very effective.

"Nga pala, susunduin kita mamaya ' dumalo ka daw sa padasal ni tatay,para makilala nya yung mamanugangin nya." Sabi ni marco.

Oo nga pala, ang sabi ng nanay nya ay ngayon ang ikalawang taon ng kamatayan nang tatay nya.

Na curious naman ako bigla, dahil hindi ko namang ugali ang mang usisa , hindi ko pa pala naitanong ang naging kamatayan ng tatay nya.

"Ahh marco, ano nga bang kinamatay ng tatay mo?" Tanong ko.

Napabuntong hininga sya bago nagsalita.

"Komplikasyon sa puso." Saad nya ng nakayuko.

Para namang bigla akong napahiya sa pagtatanong ko.

Dapat pala hindi nalang ako nagtanong, wala tuloy akong masabi.
Yumuko na lang rin ako at nanahimik. Pinakikiramdaman kung gusto nya pa bang pag usapan.

"Bawat henerasyon sa pamilya namin ay namamana ang komplikasyon sa puso, Iba iba. Ang lola ko sa side ni tatay ang may ganoong sakit. " pagsisimula nito.

A Day To RememberWhere stories live. Discover now