CHAPTER 5: Thank You

1 1 0
                                    

Ahnlia's POV

"Isa, dalawa, tat-"napahinto ako sa pagbibilang, nang may kung sinong tao ang bumalibag sa pintuan ng kuwarto ko.

Napalingon naman ako sa pintuan.

Isang chubby na batang lalaki ang dumating, na may light brown na buhok at brown na mga mata. Kung ako tatanungin niyo, siya ay isang makulit at masigasig na bata pero siya ang pinakamalapit sakin sa aming mga magkakapatid rito.

Humahangos siya habang nasa may pinto, ang pangalan niya ay Fasito, ang bunsong anak na inampon ni Astrea. Sa totoo lang marami kaming inampon niya at yun ay dahil sa lahat kami ay wala nang mga kinikilalang pamilya o kaya naman kusang pinalayas sa kanilang mga tahanan. At isa na dun ay si Fasito.

"Bakit?"tanong ko sa kanya. Napansin kong parang nagtutubig ang mga mata niya at ang dungis rin ng mukha niya, anong nangyari?

Agad naman siyang lumapit sa akin at dinambahan ako ng yakap, kaya napahiga ako sa kama habang siyang nakayakap pa rin sakin.

Narinig ko naman ang mga mahina niyang paghikbi at saka mahigpit ang pagkapit niya saking leeg, nakakasubsub rin ang mukha niya sa leeg ko.

"Hush, tahan na."pag aalo ko sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang likod. Pero tahimik pa rin siyang humihikbi, ano ba kasi ang nangyari?

Di kalaunan ay may pumasok na naman sa aking silid, dalawang batang lalaki na matanda ng tatlong taon kay Hasito. Ang pangalan nila ay Enlic at Vero, sampung taong gulang na sila pero hindi sila kambal.

Si Enlic ang may Itim na buhok at kulay asul na mga mata at si Vero naman ay may itim rin na buhok pero kulay Indigong mga mata.

Alam ko na kung bakit nandito sila, siguro alam nila kung ano ang nangyari kay Hasito.

"Anong nangyari?"tanong ko sa dalawa. Napakamot naman sa batok si Enlic habang si Vero ay seryosong nakatingin sa akin.

"Napatid siya sa may lupa habang tumatakbo papunta rito."seryosong sabi ni Vero.

"Yun lang?"tanong ko pa, dahil sa ang alam ko, hindi iiyak si Fasito ng dahil lang sa mga bagay na ganon dahil isa siyang masigasig na bata sa kabilang banda ay tatawa pa siya, maliban nalang kung iba ang dahilan.

"Ate Ahlia, ano k-kasi.. may dumating kasing ginoo sa baba at kausap niya si Matriarch Astrea, pagkatapos nang papasok na kami sa bahay... eh narinig namin ng bahagya ang pinag uusapan nila, pagkatapos nakita nalang naming tumatakbo na si Fasito paakyat rito, kaya sinundan nalang namin siya."mahabang paliwanag ni Enlic.

"Ganon ba?"sabay naman na tumango ang dalawa. At saka nagkatinginan silang dalawa na parang nag uusap gamit ang mga mata nila saka humarap ulit sila sakin.

"Sige, ate punta po muna kami sa baba."sabi ni Enlic at mabilis nilang nilisan ang silid, ni hindi manlang hinintay ang sasabihin ko? Ano kaya ang nangyayari sa dalawang iyon? I sigh. Di bale na nga.

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga habang nakayakap pa rin sakin si Fasito at nakasubsob ang mukha niya saking leeg saka umupo ako sa kama.

Hindi ko na rin naririnig ang mga hikbi niya pero mahigpit pa rin ang kapit niya sakin.

"May problema ba?"malumanay kong tanong sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at saka tiningnan ako ng mapupula niyang mga mata, dahil sa kakaiyak.

"Ate Lia di mo ba ako mahal?"tanong niya. Napatigil naman ako.

Bakit naman napunta sa pagmamahal ang usapan? May kinalaman ba yun sa kung bakit siya umiiyak? Nalaman ba niyang may taong hindi siya mahal dito sa bahay? Pero imposible naman yata na di siya nila mahal.

The Nonpareil Girl Of Ahnaezian Academy : School Of Extraordinaire Where stories live. Discover now