Ang Simula

5 0 0
                                    

Desi oras na ng gabi pero naglalakad padin ako sa madilim na daan. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero pipilitin ko kahit sobrang nanghihina na ako.

Kailangan ko magpatuloy kung ayaw ko pang mawala....

Ngunit kahit anong pilit ko...talaga yatang wala na kong lakas para tuluyang makatakas.

Wala na...katapusan ko na...

At tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

Nagising ako at agad na napamulat.Pinagmasdan ko ang buong silid kung nasaan ako.Nasa isa akong malaking silid.Nasa gilid ng kama ko ang isang malaking bintana.Hindi ko Alam kung paano ako napadpad dito pero ngayon ko lang yata nakita ang ganitong tanawin. Yung magigising ka dahil sa malamig at masarap na samyo ng hangin galing sa tabing dagat. Maganda ang tanawin ng papasikat na araw. Ang ibat ibang liwanag nito ay bumabalot sa paligid.

Ang ganda

"Gising na po pala kayo"

Napalingon ako sa nagsalita. Isa siyang babae at nakabihis siya ng pang maid. May tatlo pang maid sa likod niya.Malalaman mo agad sa ayos niya.

"Ibinilin po ni Seniorito na kailangan niyo daw po kumain para maibalik ang nawalang lakas niyo"

Hindi ko alam kung sino ang sinasabi niyang seniorito kaya tumango nalang ako.

"Nasaan ako?"

"Nasa Isa po kayong bahay bakasyunan na malayo sa syudad..nakita po kayo ng seniorito sa daan kung kayat tinulungan niya po kayo at iniuwi dito.."

"Ganun ba? Kung ganoon ay maraming salamat.Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob"

Wika ko sa kanila ng nakangiti.Nagbigay galang naman sila sakin.Iniwanan nila ako ng mga prutas at pagkain bago umalis sa kwartong kinalalagyan ko.Napabalik tanaw ako sa sumisikat na araw.Napangiti ako ng mapakla.

Kailan ko Kaya masisilayan ang ganitong tanawin ng walang halong pangamba?

Sa tingin ko ay malabo ng mangyari yun.

"Gising ka na pala"

Naagaw ang atensyon ko ng nagsalita at agad ko naman itong nilingon.Isang lalaking naka polo shirt ng kulay puti at manipis. Naka boxer shorts Lang siya.Makikita mo kung gaano ka masculine at well built ang katawan niya. Matangkad din siya at sa palagay ko eh hanggang balikat lang niya ako. Maganda din siyang lalaki at mukhang artistahin.May kaputian at lalaking lalaki ang dating.Parang ano mang oras ay makakasapak ang lalaking to pero nawala ang pag aalinlangan ko noong bahagya siyang ngumiti.

"Huwag kang matakot sakin wala akong gagawing masama sayo..ako pa nga ang kinikilabutan sa paraan ng pagtitig mo sakin eh"

Sinabi niya yun at humalakhak ng malakas.Napangiwi naman ako sa sinabi niya,napasobra yata ang pagtitig ko sa kanya kanina..nakakahiya

Pero ganun pa man ay ngumiti din ako sa kanya at nagpasalamat sa pagtulong niya sakin.

"Walang anuman pero ano bang nangyari sayo at napadpad ka sa lugar na yun kagabi? Masyadong liblib and lugar doon Kaya walang dumadaang sasakyan.Naisipan ko lang dumaan Doon kasi Kung sa main high way pa ako dadaan eh aabutin pa ko ng ilang oras saka paubos na din yung gas ko kaya wala akong ibang choice kundi tahakin yun para sa short cut."

Napatahimik siya saglit at bahagya akong pinasadahan ng tingin..

"Base sa ayos mo eh,mukhang ipinasalvage ka"

Nasabi niya yun habang iniisa isang tingnan ang mga sugat at pasa ko sa katawan.Medyo nailang naman ako Kasi ang dumi dumi ko pa,saka hindi pa ko nakakaligo.Hindi ko pa magawang tumayo dahil sa sakit ng katawan ko.
Hindi ko nadin kailangan pang magsinungaling sa kanya kasi kitang Kita naman ang ebidensya.

Napatango naman ako sa sinabi niya.Huminga siya ng malalim.Lumapit siya sakin at akmang hahawakan yung balikat ko ng matigilan siya.Napatingin din ako sa balikat at nakikita kong kulay purple pa ang balat ko pababa sa braso. Napangiwi nalang din ako.Ano ba yan,mas naramdaman ko yata ang sakit ngayon ng makita ko. Huminga ulit siya ng malalim at medyo ginulo yung buhok ko.

"Magpahinga ka nalang muna dito..kung may kailangan ka ay itawag mo lang sa mga maid sa baba.Ligtas ka dito. Ako nga pala si Zedd.Hindi na ako makikipagkamay sayo,halata namang masakit Yung mga braso mo eh" sabay ngiti niya na parang nag aalinlangan at nagkamot ng ulo

"Maraming salamat Zedd,ako nga pala si Andy.."

Ngumiti din siya ulit at nagpaalam na para umalis.May aasikasuhin pa daw kasi siya.

Lumipas ang ilang araw na nasa kwarto lang ako at nagpapagaling.Si Zedd,umuwi na sa kanila kasi pinatawag ng parents niya.Saka may pasok pa daw siya.Ako naman,ilang araw na din akong absent sa school ko.Mukhang hindi pa ako pwedeng bumalik doon.Masyadong delikado.Medyo ok na din yung pakiramdam ko. Wala na din yung mga pasa ko saka naghihilom n din yung mga sugat ko.Napabuntong hininga ulit ako.
Kakatapos ko lang ulit maligo. Kakalabas ko Lang ng banyo sa kwartong kinalalagyan ko ng may makita akong lalaking nakadungaw doon sa may bintana.Napalingon siya sakin at kapwa kami nagulat.

"S-sino ka?"tanong niya sakin

"U-uhmn.."

Sasagot na sana ako ng bigla siyang lumapit at hinawakan niya ang dalawang braso ko bago ako itulak sa pader.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kayat parang medyo bumalik yung sakit ng mga yun.

"Sabihin mo nga,isa ka ba sa mga babae ni Zedd?" Gigil na gigil niyang tanong sakin dahil nakikita kong nagsisibakatan na yung mga ugat niya sa leeg.

"H-hindi"natatakot ako sa kanya.Mas nakakatakot siya kesa Kay Zedd.Hindi ko siya magawang tignan ng diretso.

Tinaas niya yung isa niyang kamay at nilagay iyon sa ilalim ng baba ko.Pinipilit niya akong tignan siya pero sobrang natatakot ako sa kanya.Nagpupumiglas na ko pero lalo lang yata siyang nainis kasi ginamit na talaga niya yung buo niyang katawan para isiksik ako sa pader para ndi na ko makagalaw.Dahil sa ginawa niya eh bahagyang natanggal yung pagkakatapis ko ng tuwalya.Bahagyang lumuwa yung sa may dibdib ko.Pasalamat nlang siguro ako dahil magkadikit yung katawan namin Kasi Kung Hindi eh nahulog na Yun Ng tuluyan sa sahig at makikita niya lahat.Napapikit nalang ako sa hiya.Naririnig kong nagiging mabigat na yung paghinga niya Kaya napilitan akong tignan siya.Nakatingin siya sa mga Mata ko.Napanganga ako Ng bahagya Kasi....sobrang gwapo ng taong nasa harapan ko ngayon...wala akong ibang masabi kundi sobrang hindi siya makatotohanan. Tinitignan niya lang ako habang mabibigat Yung paghinga niya tapos bumababa yung tingin niya papunta sa labi ko,pababa sa may bandang dibdib ko na medyo nakalabas na...umiwas siya ng tingin at lumingon sa may gilid

"A-ayusin mo yan"

Hindi pa din ako gumagalaw.Bakit parang may nararamdaman akong matigas dun sa may ilalim niya? Unti unti yung tumatayo.Napapansin ko ding parang namumula at nag iinit na yung katawan niya eh kasi nga magkadikit yung katawan namin d b? Saka nakaboxer shorts at sando lang siya.Bigla akong namula Kasi parang naiintindihan ko na kung anong nangyayari sa kanya.Namalayan ko nalang biglang bumukas at sumara ng malakas yung pintuan tapos nalaglag na ng tuluyan yung tapis kong tuwalya.Napaupo ako sa sahig.

Bakit ko ba Kasi nakalimutang isara muna Yung pinto?

Napasabunot nalang ako ng buhok.

HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon