Who's Tisya?

49 12 3
                                    

Maraming tanong si Robert nang makarating siya sa Pilipinas. Galing siya sa California at pumunta siya rito para magbakasyon. 68 years old na siya at kaka-retire niya lang bilang isang civil engineer sa bansang pinanggalingan.

“It's More Fun in the Philippines.”

Nakita niya ang slogan na iyon sa isang internet site isang taon na ang nakakalipas. Anim na salitang nag-engganyo sa kanya para magbakasyon sa bansang ito.

Pero parang nagsisisi siya sa desisyon niya dahil kay “TISYA”.

Pagkalabas pa lang ng eroplano, nagtaka na si Robert sapagkat palaging sinasambit ng mga passengers na nagkaroon ng delayed flights ang pangalang “TISYA”.

Pati noong nagbayad siya sa Uber Driver na sinakyan patungo sa hotel na tutuluyan ay binanggit din ang pangalang “TISYA.”

Pati ang mga nagra-rally sa daan, sinisigaw din ang pangalang iyon.

“TISYA!” “TISYA!”

Takang-taka talaga si Robert kung sino si “Tisya”. Isang linggo na siya sa Pilipinas pero hindi niya pa rin alam kung sino si “TISYA”. Hindi niya maiwasang isipin na parang nahihibang na ang mga Pilipino at kada may negatibong mararamdaman ay binabanggit si “Tisya”.

“Poor Tisya,” pa-iling-iling na sabi ni Robert nang muli na naman makakita ng nagra-rally sa daan nang minsang magtungo sa isang museum.

Pati sa mga social media sites, kapag nagla-lag ang signal ng isang internet consumer, nababasa ni Robert ang mga post na para bang niyuyurakan at minumura ang pagkatao ni “Tisya”.

“Tisya must be sad,” komento niya habang kumakain ng nilagang mais sa tapat ng isang simbahan na kasalukuyang may misa.

“What? Tisya? Who? Human? Animal? Horse? Bacteria? Virus?” tanong ng babaeng nagtitinda ng mais na tila nalito rin sa sariling tanong.

“Don't know either,” pagkibit balikat ni Robert.

Nang pauwi na siya at sumakay na sa isa sa mga bagon ng MRT at parang sardinas siyang nakisiksik sa mga pasahero roon ay narinig niya na naman ulit ang pangalan ni Tisya.

Lahat ng pasaherong basang-basa sa pawis at pumuputok na ang amoy ng kili-kili ay tila tinatawag si Tisya.

Sa puntong iyon, rinding-rindi na talaga si Robert sa pangalan ni Tisya kaya napasigaw na siya...

“WHAT THE FVCK! THIS IS FVCKING CRAZY! WHO'S TISYA?”

Walang sumagot. Saglit lang na napatingin sa kanya ang lahat. May tumapik sa kanyang balikat na parang sinasabi sa kanyang 'ayos lang 'yan'. Napasabunot si Robert sa sariling buhok. Napaluhod siya sa flooring. Napaiyak. Mas lalo pang dumami ang nakisimpatya sa kanya.

*  *  *

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon