Hindi na yata ako makakatigil sa kakaiyak.
Siyempre kasi pakiramdam ko mag-isa na naman ako.
Sino bang hindi malulungkot pag ganon.
Para kasing hindi ako sanay mag-isa kahit na wala naman akong maalala tungkol sa past ko.
Nasa park ako ngayun at nakaupo sa ilalim ng punong inupuan namin kanina.
Ewan ko kung ba't palagi akong nandito.
"Looorrdd bakit po ba ako naging multoo?? Ano po bang nangyare sa akin? Tatlong araw na akong ganito." Umiiyak kong sabi habang nakatingala sa kalangitan.
"Hija bakit ka umiiyak?"Napahinto ako sa pag-eemote nang may marinig akong boses ng isang matandang babae.
Nasa tabi ko siya at nakatingin sakin.
Gulat naman ako.
"Uh...na..nakikita niyo po ako?" Takang tanong ko sa kanya.
"Oo naman."Lalo akong nagulat sa sinabi ng matanda.
Kung ganon, ay hindi pala ako nag-iisa.
"Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito. Napakaamo pa ng boses niya.
"Nakakalungkot po kasi iyong ganito, pakiramdam ko mag-isa lang talaga ako sa mundong 'to."
Mas lumapit pa sa akin ang matanda at hinawakan ang kamay ko.
Bakit parang pamilyar siya sa akin?
"Hindi lang naman ikaw hija ang nakakaranas ng lungkot, at nakararamdam na nag-iisa ka lang sa mga oras na ito.Pero nandiyan naman palagi ang Diyos para gabayan tayong lahat. Kapag may isang taong kaya mong hawakan o nakakausap mo ay hindi ka dapat mawalan ng pag-asa dahil may pagkakataon ka pang muling mabuhay. Kaya kung meron mang taong nahawakan mo na o nakausap bilang ikaw na isang kaluluwa huwag mo siyang lalayuan dahil sya lang ang makakatulong sayo."
"P..po?"
Pinahid ng mga kamay ko ang ilang luha sa pisngi ko.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lola.
"Mag-iingat ka..."
Huli niyang sinabi bago unti-unti siyang maglaho.
Napabuntong hininga ako.
Iiwan niya rin pala ako.
Pero nakakapagtaka lang...
Bigla siyang sumulpot para lang sabihin sa akin na may pag-asa pa ako.
Mas gumaan ang pakiramdam ko...***
"Dude Have you heard that freaki'n gossips about you? Darn man! You were caught talking to yourself last yesterday."
"Tss." Tanging nasambit lang ni Kuyang masungit at nagpatuloy sa pag-inom ng soda niya at sa pagkain.
Nasa canteen sila ngayun at pati narin ako.
Nagtawanan lahat ng mga barkada niya.
"Nababaliw kana yata Bryce."
"At sinong tangang kakausapin ang sarili niya ha?! Syempre may kausap ako nun!" Bulalas niya. Kanina pa kasi sya naiirita sa mga pinagsasasabi ng mga barkada niya. Pinag-uusapan sya na para bang hindi sya nage-exist sa kinauupuan niya.
"Uhm, oo nga naman." Wika ni Kyle. Isa sa mga barkada niya.
"Psst kuya!" Natigil sa pagkain si Bryce nang marinig niya ang boses ko.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong nakatayo sa likod ni Andrew na nakaupo lang sa tapat niya at kumakain.
"shit." Napamura siya sa sobrang gulat.
"Hi! Goodmorning!" Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiti ko sa kanya.
"Lintik anong ginagawa mo riyan?!" Singhal niya sa akin.
Ang sakit niya namang magsalita.
Ang akala niya siguro ay hindi na ako magpapakita sa kanya.
"Ang cute mo habang kumakain!" Ngiting-ngiti pa ako sa kanya na para bang matagal na kaming magkakilala.Kahit na nararamdaman kong ipapagtabuyan niya na naman ako ay nginingitian ko parin siya.
Nakita ko naman ang pumumula ng ilong niyang perpekto ang pagkakatangos.
Ganun ba mag-blush ang mga boys?
Totoo namin kasi na cute siya habang kumakain.
"Shut the fuck up, i told you to stop following me" Singhal niya ulit sa akin. Pero sa halip ay nginitian ko lang sya."Uh bro, ayos kalang? Sino kaaway mo?"
Napapikit siya sa sobrang pagkapahiya. Nakalimutan niya yatang nasa tabi at harap niya pala ang mga barkada niya.
Tahimik ang mga ito habang kunot-noong nakatitig sa kanya.
"Hey, I'm warning you. Kapag dika tumigil kakasunod sakin makikita mong hinahanap mo. Seryoso ako. " Pabulong niyang sambit pero dinig na dinig parin ng mga kaibigan niya.
Napahagikhik tuloy ako.
Nagmumukha na siyang sira dahil sakin.
Ang sama ko naman!
Nginitian ko ulit siya. Sigurado naman akong wala ng may mas igaganda pa sa ngiti ng isang multo."Sorry kuya....pero dina ako aalis sa tabi mo..."
***
"uhm, ku...kuya..."
"Bakit kaba kuya ng kuya? Ilang taon kana ba?" Halatang iritado niyang tanong sa akin.
Nasa isang bakanteng room kami ngayun.
Pumunta sya dito para iwasan ang reaksyon ng mga kaibigan niya. Edi sumunod naman ako.
"Ilang taon na ako?...uhm... Hin.. Hindi ko alam." Inosenteng sabi ko.
Wala naman talaga akong alam.
Mataman niya lang akong tinitigan.
Nakasandal siya sa pader at may hawak na isang stick ng sigarilyo na kakasindi niya lang.
Ako naman ay nakatayo lang dito sa harap niya at nakatingala sa kanya.
Bakit kaya ang tangkad niya?
Bakit kaya ang tangos ng ilong niya?
Bakit kaya ang nipis ng mapula niyang labi.
Bakit kaya sobrang ganda pagmasdan ng kulay brown niyang mga mata.
Kahit na parang di naman siya marunong ngumiti.Parang siya na yata ang pinakagwapong lalake na nakita ko.
Di hamak na mas matanda siya sa akin ng ilang taon.
College na siya e, sa pagkakaalam ko.
Nakatitig parin siya sa akin, na parang curious siya kung tao ba talaga ako o ano.
"Multo ka ba talaga? Para kasing..."
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita,
At bigla niyang haplusin ang pisngi ko.
Ang init ng kamay niya.....
Sobrang sarap sa pakiramdam kapag nahahawakan niya ako....
At wala siyang kaalam-alam dun.
Iyong pakiramdam na hindi ako multo o kaluluwa.Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.
"A..anong ginagawa mo ku...kuya..?"
Diko na napigilang magtanong.
Bigla siyang ngumiti sa akin.
Iyong kahit na hindi siya gaanong nakangiti ay lumalabas parin dimples niya.
Ibinaba niya na ang kamay niya.
Tapos nag-iwas siya ng tingin sa akin."I know I'm a good looking man with six pack abs and a damn handsome face, that is why a lot of girls in this campus likes me they would even try to stalk me. But i never knew that even a ghost would fall in love with me." Nakangisi niyang sabi.
Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa mukha niyang ubod ng gwapo.
Alam ko namang gwapo nga talaga siya pero hindi naman siguro ako in love sa kanya.
I mean, kahapon ko lang siya nakilala.
"P-paano mo nasabi kuya?"
"You're blushing."
Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa pisngi kong mainit.
Ganun pala iyon no?
Kahit multo nagba-blush.
"Uhm, hindi naman 'to blush, ganyan lang talaga ako ...tsaka ayaw ko sa mga taong naninigarilyo at mahilig sa badwords, lalo na sa mga mayayabang." Nag-cross arms ako sa harap niya. At sinimangutan siya.
Ang yabang kasi."Your'e cute..."
"Ano po?"
"I mean bakit ka naging multo? Sino ka? At kailan mo balak na layuan ako." Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Napayuko ako.
"Hindi ko rin alam. Pang-apat ko nang araw ngayun bilang isang multo. Hindi ko alam kung sino talaga ako, kung ilan taon na ako kung sino ang mga magulang ko at lahat ng tungkol sakin hindi ko talaga alam." Malungkot na sabi ko.
Hindi ko parin maintindihan kung bakit ako nandito ngayun at kung bakit ganito ako ngayun.
Kung ano ba talaga ako, multo ba o kaluluwa o kung ano man.
Pero tinatagan ko ang sarili ko kasi sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak.
Nakakapagod na din....
Wala naman akong mapapala dun.
Nag-angat ako ng tingin para tignan ulit siya.
"Pero sabi nung matandang babae kahapon ay may pag-asa pa raw na mabuhay iyong mga multong nakakahawak ng tao at nakakausap. At dahil nahawakan kita at nakakausap ibig sabihin ay mabubuhay pa ako, kaya kailangan ko ang tulong mo."
Napatitig siya sa akin.
Bakit ba ang hirap hulaan ng ekspresyon niya?"Kuya...."
"Kung tutulungan kita ibig sabihin palagi kanang magpapakita sakin. Nope. I won't let that happen, alam mo bang nagmumukha nakong sira sa harap ng maraming tao."
"Kuya...please...tulungan mo nalang ako!"
Niyakap ko siya sa dibdib.
Kahit na hanggang balikat lang niya ako.
Disperada na yata ako. Pero wala akong pakealam, kasi alam kong kung kayo ang nasa kalagayan ko ay gagawin niyo rin lahat para mabuhay ulit lalo na kung may pag-asa pa pala.
Kasi nakakalungkot mag-isa.....
"Sige na kuya...." Muli kong sabi, at garalgal na ang boses ko.
Naiiyak na naman ako....
Kapag hindi niya ako tinulungan, ay wala na talaga akong pag-asa....
Habang-buhay na akong mag-iisa."Kapag nakita ko na ang katawan ko, promise hindi na kita guguluhin." Kasabay nun ang paghikbi ko.
"Nalulungkot ako kapag wala akong makausap. Marami nga akong mga taong nakakasalamuha pero hindi ko naman sila mahawakan o makausap. Maliban sayo.... Ikaw lang ang makakatulong sakin kuya. Kaya please tulungan mo na ako....."
Wala lang siyang imik habang nakayakap ako sa kanya. Halatang nagulat nga siya sa ginawa ko.Natigil ako sa pag-iyak nang dahan-dahan kong maramdaman ang mga braso niyang gumaganti ng yakap sa akin.
"Sshh....stop crying.......don't worry I'll help you....I'll do anything I can....."

YOU ARE READING
Ghost Girlfriend
RomanceBryce who smokes, swears, always frowns, and seems to have no interest in the world he lives in. However, he is still a human being ... also afraid of unusual things or people. Like ghosts. but what if one day Katie suddenly appeared in front of hi...