CHAPTER THREE

23 3 1
                                    

"Kuya....kuya....gising na..."
Pinagsusundot ko ang ilong niya.
Ang tangos tangos oh.
Ang cute niya pang tignan habang natutulog.
Magulo ang buhok pero lalo siyang gumwapo para saken.

Kumunot ang noo niya habang nakapikit parin.
Kaya itinigil ko na ang pagsundot sa ilong niya.
Siguro naalimpungatan.
Maya-maya pa ay napadilat na siya.
At halatang nagulat siyang makita ako.
Agad siyang napabalikwas sa kama.
"Shyttt! What're you doing here?!" Singhal niya sakin.
"Uh..ku..kuya... Pasensya na kung maaga ako. Excited lang kasi ako baka matulungan mo na ako ngayong araw." wika ko saka lumayo ng konti sa kanya.
"What?" Kunot-noo niyang tanong.
"Sabi mo kuya, tutulungan mo akong mahanap ang katawan ko."
Napalingon siya sa ibang direksyon habang magsalubong ang mga kilay.
Na parang inaalala niya ang mga sinabi niya sakin.
Sana naman hindi niya nakalimutan.
"Darn... Sinabi ko ba talaga yun?"
Lumungkot ako sa sinabi niya.
Nakalimutan niya nga...
"I'm hoping you would help me..." Mahina kong sabi habang nakayuko.
Napakamot nalang siya sa ulo niya.
Hindi niya naman pwedeng bawiin ang mga nasabi niya na.
May isang salita ang mga lalake.
Tsaka alam kong naaawa rin siya sakin.
"Wow kuya ang laki ng kwarto mo." Sa halip ay nasabi ko nalang.
Sinilip niya ang wall clock sa kwarto niya.
"8:25 am! Dammit! I'm late!"
At agad itong tumayo sa kama at nagtatakbo papuntang banyo.
"Teka, pwede bang mamayang uwian na kita tutulungan? May pasok ako ngayun."
Sunod sunod akong tumango habang ngiting-ngiti.

***

"Kumusta na ang utak mo ngayun dude, magulo parin ba?" Asar na tanong ni Andrew kay kuya Bryce.
"Nasan na iyang invisible mong kaaway! Bugbugin natin!" Dagdag pa ni Kyle.
"One last word I'll break your Goddamn faces." Seryosong wika ni kuya Bryce. Tsaka nagpatuloy na ito sa pagre-research tungkol sa mga multo.
Ewan, curious talaga siguro sya.
Ang hindi niya alam ay nandito lang ako sa likod niya.

Kaya naman ay bigla ko siyang kinalabit sa balikat niya.
"Uy kuya! Bakit yan ang nire-research m-"
"Holysh*t!"
Napamura ulit siya... dahil sa pagkakagulat nang makita niya ako.
Hindi parin siya sanay na nage-exist ako sa paningin niya.
Ako na isang multo....
"Uhm, peace.." Mahinang sambit  ko saka pilit siyang nginitian kahit na mukhang asar siya sakin.
"Mamaya na kita tutulungan umalis kana dito." Tinulak-tulak niya pa ako palayo ng pasikreto pero hindi niya alam ay pasikreto din siyang pinagtatawanan ng mga barkada niya.
"Bry! Nag-lunch kana?" Sabay kaming napalingon sa babaeng kadarating lang.
May dala siyang tray ng pagkain, canteen kase ito.
Mahaba ang buhok niyang bahagyang nakakulot.
Malalantik na pilik mata.
Napakaamo ng mukha niya.
Magkasing tangkad lang kami.
Ang puti niya rin.

Ang ganda-ganda niya naman...
Sino kaya siya?

"Uhm...n-no not yet." Halatang nininerbyos na sabi ni kuya Bryce.

"Pwede sabay nalang tayo?"
Napakalambing naman ng boses niya.
"Sure." Pagkasabi non ni Kuya Bryce ay tinalikuran niya na ako.

At hindi ko alam kung bat bigla akong nalungkot.

Parang sa isang iglap ay nakalimutan ako ni kuya Bryce dahil lang sa babaeng iyon.

***

"Sino kaya siya?...Ang ganda ganda niya. Ako kaya?, mas maganda kaya ako sa kanya? Haaayy...diko naman makita ang sarili ko sa salamin. Pero bakit kaya nakaramdam ako ng lungkot nang talikuran ako ni Kuya Bryce nang dahil sa kanya? Hindi naman siguro ako nagseselos. Syempre hindi talaga. Hay ewan ko! Basta si kuya Bryce, ang gwapo gwapo niya tapos ang tangkad niya, sa tingin ko mabait siya kahit mahilig siyang magmura at ang sungit-sungit niya....cute parin sya."
Kinakausap ko ang sarili ko habang nandito ako sa ilalim ng malaking puno sa park at nakatingala sa kalangitan. Parang dito na yata ako nakatira.

"Dito lang pala kita makikita..."
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si kuya Bryce.
Kaya naman ay bigla akong kinabahan.

Narinig niya kaya yung mga pinagsasasabi ko?

"Ku-kuya...akala ko hindi kana dadating at dimo na ako tutulungan." Mahina kong sambit.
"Hindi ko na babawiin ang mga sinabi ko, tara na..." Bigla niyang hinila ang kamay ko.
Diko mapigilang Hindi mapangiti.

***

"Hoy! Teka hoy! Wag kanga tumakbo! Hoy! Ano ba kasi pangalan mo?" Iritadong sigaw sakin ni Kuya Bryce.
Nahinto ako sa pagtatakbo at hinintay na umabot sa kinatatayuan ko si kuya Bryce.
Masaya lang talaga ako ngayun.

Nang sa wakas ay makaabot siya ay nginitian ko siya.

"Wala nga akong pangalan. Kung may karapatan kang pangalanan ako kuya, ano ang ipapangalan mo sakin?" Tanong ko sa kanya.
Ang exciting naman non.
Si kuya Bryce ang magpapangalan sakin.

"Ewan, wala akong ideya." Bagot niyang sabi.
Napasimangot nalang ako sa sinabi niya.
"Haays sige na kuya pangalanan mo na ako! Para dimo na ako tawaging hoy."
Napatawa siya ng mahina habang nakatitig sakin.

"Hala! Ano yun kuya first time yun ah!" Sabi ko sa kanya.

"What do you mean?"

"Yung tawa mo kuya...first time." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tss." Sabi niya tas sumimangot ulit at naglakad na.
"Mag-isip ka ng kahit ano kuya.."
"Hmm...what about Katie."
Napangiti ako dahil sa cute ng pangalang  sinuhestiyon niya.
"Bagay sayo ang Katie....cute ka kasi."
Bigla nalang nag init ang pisngi ko sa sinabi niya
"Uhm, thank you." Nakangiti Kong sambit.
"Pangalan ng kapatid ko.... She just past away 4 years ago."
Nagulat ako nang bigla niyang sabihin iyon.
Pangalan pala ng kapatid niya ang "Katie"
"Are you okay kuya?"
"Kapag tinatawag mo akong kuya, naaalala ko kapatid ko."
"Talaga? Masaya ako kung ganon kuya."
Ngumiti ulit si kuya Bryce.
"Anyway, anong ginagawa natin dito?" Pag-iiba niya ng usapan.
Nasa kalsada kami, medyo malayo mula sa park.
"Uh, dito kasi ako biglang lumitaw nang maging multo ako. Baka dito rin siguro ako muntik mamatay."
"Ah...dumiretso pa tayo dun."
Naglakad ulit kami.
Matapos ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng isang malaking eskwelahan.

Nanlaki ang mga mata ko dahil maraming mga estudyanteng naka uniporme ng katulad ng sakin ang nakita ko.
"Kuya! Yung mga uniform nila katulad ng sakin!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ghost GirlfriendWhere stories live. Discover now