Chapter 1: Panget ako

72 6 0
                                    

“Hoy ate! Bumangon ka na nga. Ikaw na bumili nito oh.”

“….”

“Hoy ate! Wag ka nga diyan magtulog-tulogan!”

Walanjo naman itong pinsan ko oh. Kung hindi lang talaga ako nakikitira sakanila matagal ko na tong hinampas.

“Ano na naman? Inuutusan ka na naman ni Tita no? Tapos ako na naman pagbibilihin mo.”

“Dali na.”

“Tss. Sumbong kita kay Tita.”

“Ok. Umalis si Mama.”

“Ikaw talaga!” Sura naman to oh

“Dali na Panget.” Aba.. Argghh.

“Langya ka talaga Justin!”

Nag’act ako na parang hahampasin siya. Pero kinuha ko na lang yung papel sa kamay at yung pera. Mamamalengke na naman ako. Tss.. What a life. No choice, ayoko ng umuwi sa bahay dahil ano pang uuwian ko doon kung patay na sina Mama at Papa? Sana talaga ako nalang yung naaksidente para di gaanong malaking kawalan sa kanila dahil panget ako. Dami dami kong pimples na halos takpan na yung mukha ko. Pangit na nga pandak pa. Ako nga pala si Charlotte Hannah Dela Rosa, 16.

“Nakakapikon talaga yung pinsan ko! Aahh.” Sigaw ko habang sinisipa-sipa yung bawat batong matatapakan ko.

“Cool ka lang Hannah, kawawa naman yung bato oh.” Kilala ko yung boses na yun ah. Yun lang naman yung boses na nagpapakilig sa akin.

“Oh Kristoffer, Yung pinsan ko kasi.”

“Haha. Wag ka ng mainis. Baka manganak na naman yang pimples mong malaki sa noo oh.” Sabay turo dun sa tigyawat ko. Kaya pinalo ko siya ng malakas sa braso

“Ang sama mo..”

“Haha. Joke lang, kaw talaga. Sige alis na ako, may practice pa ako oh.” Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Hay, pwede bang di ka muna umalis? Pwede bang akin ka nalang?

Pwe! Ang baduy mo Hannah, pogi pogi nun eh pinagpapantasyahan mo. Alam mo naman na panget ka eh. Bat ba kasi hindi ako nakasalo ng kahit kaunting kagandahan? Maganda naman ako nung bata ako. Pasaway kasing pimples to. Kahit talino wala. Tss. Makapunta na nga sa palengke!

“Ate, pabili nga ho nitong manok, isang kilo po.” Sabi ko dun sa ale.

“Ito oh,” inabot ko naman yung bayad sa kanya at kinuha ko yung chicken.

“Salamat ganda.”

Ay potek. Nakakaloko yung tindera ah. Insulto ba yun.. At dahil sa may pagka’engot din ako eh nabunggo ako sa pader. Lingon’lingon, pshh. Buti na lang walang nakakita! Talino mo talaga Hannah!

I Love You! PANGET!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon