Chapter 6: Immersion

16 0 0
                                    

4 am na. 5:00 am ang alis naming for immersion. Tss, ayoko sanang sumama eh. May kasama kasing bwisit. Pero dahil inobliga kami ng teachers naming eh napilitan akong sumama. Tsaka yakang-yaka ko itong immersion na ito. Haha. Di naman ako maarte.

*beeps*

From: Ales

Oy bes. Sunduin na lang kita sa house niyo ah. Sabay na tayo. Haha.. Aylabyu bes.

Pasensya na sa katimangan ng pinsan ko. Inasikaso ko na lahat ng kaylangan ko tapos naligo na rin ako. At nagbihis syempre. Konting ayos kahit panget, marunong rin mag-ayos.

Peep.peep.. (pasensya naman sa SFX. XD)

Andiyan na si Ales.

“Tita. Alis na po ako. Bye!”

“Panget, bagay ka dun sa probinsya. Haha. Wag ka ng bumalik.” Justine. Sama talaga nito. Kaasar lang eh.

“Hi Tita Linda! Alis na po kami ni Hannah ah?”

“Bye Ate Ales! Balik kayo agad ah. Ay ikaw na lang pala.” Aba tong bata to. Pagdating kay Ales eh ang bait.

“Tara na Ales. Baka makatay ko pa ng buhay tong batang ito.” Bulong ko sa kanya.

Sawakas andito na rin kami. Sumakay na kami ng bus. At sa kasamaang palad may seat plan. And guess what?

Oo na! Tama iniisip niyo, kasama ko siya. (mind reader te?) Hindi, expected na kasi na alam nila.

“Tss. Katabi ko pa si panget.”

“As If naman gusto kitang makatabi no?”

“Prince Zane. Gusto mo, tayo na lang ang tabi?” Sabi nung chakang babae. Hindi joke lang. Malandi lang.

“No way.”

“Eto talaga oh, ang sungit sungit.”

“Whatever.” Umupo na lang ako, may napansin ako. Hmm..

“Yah! Why did you remove my earphone you retard!”

“Hoy, master. Di ba before the immersion started, our teacher warned us, este told us not to bring gadgets?”

“Eh, it’s not of your business.” Inagaw ko sa kanya yung iPod niya.

“Then I won’t give you this!”

“Give me that or I’ll hurt you?”

“Go, and I’ll shout na nagdala ka ng gadgets.”

“Who do you think you are?” Maangas niyang sabi

“I’m Hannah.”

“Psh. Retard.”

“And to tell you I’m not retard. Sabihin mo ulit yan susuntukin kita!”

“Amazona pa.” Ano daw?

“Ansabe mo?”

“Panget.” Tss. Di na ako nagsalita. Nakakaasar eh.

Inaantok na ako..

ZzzzZzzzZZzzzz..

ZzzzZzzzZZzzzz..

ZzzzZzzzZZzzzz..

Zane’s POV

Si author oh, POV ko na naman. Sige na, para sa fans ko. Haha.

“Panget.” Yan yung huli kong sinabi sa kanya. Tapos di na siya nagsalita. Napagod sigurong tumalak. Haha.. Sinilip ko siya. Walangya. Tulog na ang panget.

Humihilik pa. Buti na lang mahina. Umayos ako ng upo ng biglang..

Aray. Bumagsak sa balikat ko yung ulo niya. Ang bigat ng ulo niya. Pero di ko na ginising, maingay to eh.

I Love You! PANGET!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon