TMAIKY 2: THE FLASHBACKS

3 3 0
                                    

ZEIAH'S POV
   "Nako! Saan nanaman kaya pupunta ang isa sa maganda kong ate ."

       Napa pout ako nang tinawanan Ako ni ate Rose at ginulo ang dati ko nang magulong buhok. Kakagising ko lang at heto, naabutan ko si ate Rose na nasa harap ng salamin at inaayos ang red curly hair nya.

      "Veronica,aalis lang muna ulit si ate Rose huh babalik rin ako agad." Nakangiting sabi nito sakin.

       Ang ganda talaga ni ate Rose, para syang model. Matangkad,medyo singkit na mata, perfect eyebrow, pointed nose, red curly hair and syempre ang favorite red lips nya.

  Hindi ko maiwasang di mapatulala sa kagandahan nya.

       "Ate Rose, ka date mo nanaman ba si Jack? Nako pano ba 'yan may lakad pa naman din kami ni Ace ngayon. Sino magbabantay kay Veronica?" Medyo may kilig sa boses ni ate Zein ng sabihin nya yun.

    Napatingin naman ako kay ate Zein na nakadungaw ngayon sa pinto. Nakaayos rin ito at mukhang may lakad nga.

   Si ate Zein ang sunod ki ate Rose na panganay samin. Mahilig si Ate Zein sa pink kaya naman naka pink dress sya ngayon na bumagay sa maamo at maganda nyang mukha.
 
   "Ganun ba? " mahinhing tumawa si ate Rose at sinabing si ate Rielle nalang daw muna bahala sakin.

   Bumaba naman na kami dahil di pa daw ako nag-aagahan.

  Pagbaba namin,andun si ate Rielle sa kusina at nagluluto, kung ang ate Rose at ate Zein ko ay mahilig gumala, iba si ate Rielle.

  Mas gusto nya sa loob lang ng bahay at mahilig sya magluto. Napalingon sya samin at nagsabing malapit na sya matapos sa niluluto nya kaya wag muna sila umalis.

    " Rielle " malambing na wika ni ate Zein. Pero mukhang nahulaan na ni ate Rielle ang mangyayari kaya humarap sya samin at in-adjust ang eyeglasses nya sabay sabing,

  "Oo na,may date nanaman kayo kaya ako na ang bahala sa baby bunso nating si Veronica." Nakasmirk na sabi ni ate Rielle .

  Si ate Rielle kasi is not more adventurous tulad nila ate Rose and Zein, mas prefer nya sa bahay at magbasa ng libro. I like the way she calculated situations by just looking at them. But she's not that nerdy,kung sa kagandahan rin lang may maipagmamalaki rin si Ate Rielle.

   Napatingin nalang ako at natulala sa mga ate ko, grabe kapag magkakasama sila di ko maiwasang hanggaan sila.

      Pag laki ko, gusto ko maging kagaya nila.
Nagtatawanan sila nang biglang may kumatok sa pinto.

"Ako na" prisinta ni ate Zein at binuksan ang pinto.

"Uhm Good morning po ate Zein and Ate Rose, nanjan  po ba si Rielle?"
Sa narinig, bigla namang nataranta si ate Rielle.

    Halos mapaso pa sya nang buhatin nya ang kawali ng walang sapin.

   Tinawanan naman sya nila ate ng may pang-aasar.

     "Oy Rielle andito na si Hideo oh! Wag ka naman mataranta jan HAHAHA" asar ni ate Rose kay ate Rielle na ngayon ay namumula na.

Trust Me and I'll kill youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon