Chapter 35
Love
Sabay kami na napasinghap nang malakas ni Raffa dahil sa naging panimula ni Caleb. Habang nakatitig sa tv ay napagtanto kong isa pala itong press conference. Ito ba ang sinasabi niyang 'appointment' kanina?
Nakita kong nilapitan na rin kami ni Nanay. Dahil sa pagiging abala sa pagtutok sa telebisyon ay hindi ko na siya kinausap pa.
"I met Winona Arabella Santibañez when I was still married to my wife," pagpapatuloy ni Caleb. Nasa media lang ang matalas na tingin. "I admit I was attracted to her. When I first met Winona, I already knew I was doomed for then I knew I was in love for the very first time in my life. My marriage by then was already on the rocks but as a respect to my dead wife, I will not be discussing about it in this press conference. I know that it was not an excuse to cheat on my former wife. Trust me, I know. But because I was hopelessly in love with Winona, I still pursued her."
May iilan akong napansing taga media na nagsipataas ng kamay ngunit nahinto rin dahil nagpatuloy sa pagsasalita si Caleb.
"Since we started wrong, we drifted apart. I chose Winona but she chose to be righteous. It killed me." Bahagyang nabasag ang boses niya sa huling sinabi. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng lihim na ngiti ang kanyang mga labi. "But these past few days, when the truth finally unfolded, it made me love her even more. Because I discovered that she's stronger and much selfless than anyone I know. Even compared to me who only knows how to love her endlessly. And this time, I don't want to die again. After many years, she's finally back in my life... with our son."
Muling naging seryoso ang kanyang hitsura.
"I know that I broke the moral conduct and the code of ethics as a senator. As one of this country's leaders. I admit to my mistakes but I will never give up my family. I am willing to take the consequences. If my being a senator will be taken away, then so be it. If protecting the love of my life is a sin, then feel free to judge, persecute, and crucify me. I will take it all. But all I am asking is for you to spare my family. They do not deserve your hate. Thank you and good day."
Bumaba na ng platform si Caleb. Sunud-sunod ang mga gustong magtanong ngunit pinigilan sila. May isang lalaki na nakasuot ng eyeglasses naman na pumalit sa kanya. May sinasabi ito sa harap ng speaker stand ngunit hindi masyadong pinansin dahil si Caleb ang sinusugod nila at binabatohan ng maraming tanong. Mabuti na lang at maagap naman ang kanyang security personnel.
Hindi na muling ipinakita ang sumunod na pangyayari dahil naibalik na ito sa reporter na gumawa ng live coverage. Pinatay na ni Raffa ang telebisyon. Parehas kaming tatlo nina Nanay na biglang natulala sa nangyari at naging tahimik ng ilang minuto.
"Ahh! Oh my talong! Kinikilig akes!" Sumakit bigla ang tainga ko dahil sa matinis na tili ni Raffa na tumatalon-talon pa. Hindi na siya nakontento sa ginagawa, nilapitan pa talaga ako at iniyugyog ang balikat. "Nakakaloka, day! Wah! Para akong nanonood ng romantic movie!"
Dahil sa pagiging gulat pa rin ay hindi ako kaagad na nakabawi. Hinayaan ko si Raffa. Napakurap ako ng ilang beses at nanatiling nakaawang ang labi.
"What's wrong with Tita Raffa, Nanay? Is he having a stroke?" si Dil na kabababa lang ng hagdanan at mabilis na lumapit.
Napasulyap muna ako kay Raffa na naging parang uod na binudburan ng asin dahil nangingisay na sa sofa. Muli kong tiningnan si Dil na lumapit na sa akin.
"Tita Raffa's just feeling... uh kilig, anak."
Nagtagpo ang kilay ng anak ko. Tinapik ni Nanay ang sofa.
"Sit beside Wowa, apo. I will tie your hair. Humaba na ang buhok mo. Kailangan mo na ng haircut."
Nagpatianod naman si Dillon at umupo na sa tabi ni Nanay. Tinalian ni Nanay ang ilang buhok niya na nakakatakip na sa kanyang mata dahil sa haba. Hindi pa rin tinatanggal ni Dil ang mariing titig kay Raffa. Palihim kong tinampal ang binti ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Senator's Woman (Published)
Romance(Delilah Series # 1) "Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na pumukaw sa akin. Mas hinigpitan ko ang mistulang pagyapos sa bagong buhay na dinadala. Napangiti ako sa sarili. "Oo, Senator Caleb Del Fue...