Chapter 25

106K 2.2K 718
                                    

A/N: Hello! Kung mapapansin po ninyo ay pinalitan ko ang book cover ng story na ito. Pinalitan ko po kasi ang title ng series. Hindi na po siya Mistress Series kundi Delilah Series. Gusto ko pong maging unique ang title ng series.

Short trivia: Delilah is a famous mistress in the Bible in the Old Testament. It means beautiful, a goddess. Delicate but at the same time strong.

PS: Sa mga readers ko rin po na hindi pa nakafollow sa akin, please feel free to hit the follow button. Follow niyo po ako para maging updated kayo sa stories ko. Enjoy!

-Clary

Chapter 25

Sorpresa

Hindi ko na mapigilan ang sarili sa pagkamangha at tuwa. Sumilay na ang ngisi sa mga labi ko.

"Kailan ka pa dumating?" unang lumabas sa bibig ko.

"Kahapon lang. I wanted to surprise you so I didn't tell you." Mas lumapad pa ang kanyang ngisi. "Nasorpresa ba kita?"

"Hindi pa ba halata?" natatawa kong sinabi.

Batid ko na pinagtitinginan na kami ng iilang naroroon.  Lalong-lalo na ang tatlo kong kasamahan na laglag panga ng nakamasid sa amin. Nang dumapo ang tingin ko kay Jane ay may nilabi siya sa akin. 'Ipakilala mo naman kami'. Kaagad akong tumango at muling napatingin kay Theo.

"You should really meet some of the staffs," pahayag ko at isa-isa na ngang pinakilala ang mga kasamahan.

"Hi, Doc. Matagal na kayong magkakilala nitong si Winona?" kuryosong tanong ni Jane.

Napasulyap muna si Theo sa akin bago bumaling sa kanya.

"Yeah. Three years na rin siguro."

"Single ka ba, Doc?" maintrigang tanong naman ni Kim. Hinaluan niya ito ng bahagyang tawa.

Muli na namang napasulyap si Theo sa akin. May lihim na ngiti na sa kanyang mga labi.

"Depende kay Winona," makahulugan niyang sambit.

Magkasabay na umawang ang labi ng tatlo habang nakatingin sa akin. Pinamulahan naman ako dahil hindi talaga pinalagpas ni Theo ang isang araw. Kahit hindi man niya deretsahang inanunsiyo ang panliligaw sa akin, klaro naman ito sa naging pasaring niya.

"Ang taray! Ito talagang si Winona, hindi nagkukuwento..." si Jane.

Naudlot din ang pag-uusap namin dahil sa pagtawag ng admin kay Theo. Tinanguan niya ito at muli siyang bumaling sa akin.

"I'll see you later after the shift. Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Eh five pa end of shift ko."

Ngumisi siya at humakbang na patalikod.

"Five na rin end of shift ko," aniya at tuluyan ng naglakad paalis.

Nakabibinging tili ang sabay na pinakawalan nina Kim at Jane nang hindi na namin tanaw ang likod ni Theo. Hindi na nga nila napigilan ang sarili at lumabas na talaga mula sa likod ng desk para yugyugin ako.

"Nakakaloka ka! Hindi ka man lang nagsabi na nililigawan ka pala ng anak ng may-ari nito!" impit na tili ni Kim habang hinila-hinila ang braso ko.

"Oo nga! Nakakahiya. Sinabi ko pa naman sa'yo na may crush ako kay Doc Theo!" si Jane.

Napasulyap ako kay Nurse Abby. Nakita kong nakangisi na naiiling na lamang siya dahil siguro sa eksahiradang reaksiyon ng dalawa.

"Hindi naman kasi...importante," nahihiya kong sinabi. Mas lalo lang akong iniyugyog ng dalawa.

The Senator's Woman (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon