Ang Panimula

60 3 0
                                    

Tunghayan natin ang kasaysayan ni Maria, ang dakilang ina ni Hesus.

Ang salaysay ng Surah Maryam (Isang kabanata mula sa Banal na Quran) na tumatalakay tungkol kay Maria ay sadyang tumatagos sa puso at kalamnam ng sinumang mambabasa.

Walang aklat sa boung kasaysayan ng mundo ang nakapagbigay ng isang magandang damdamin tungkol sa kadakilaan ni Birhen Maria maliban sa Banal na Quran,

Ang Huling kapahayagan ng Nag- iisang Diyos na ipinagkatiwala sa kanyang Huling Sugo at Propeta- si Muhammad Ibn Abdullah.

Walang mata ang hindi luluha sa Kabanal-banalan at napakagandang salaysay ng Banal na Quran tungkol sa Dakilang Babae ng sangkatauhan- si Maria.

Bawat talatang tumatalakay sa kanyang katauhan ay tigib ng inspiransyon at umaakay sa magandang damdamin ng bawat taong nagmamahal at may matiim ba paghanga sa kanya.

Sino pa nga ba ang makapagbibigay ng magandang salaysay kundi ang Tanging Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

Siya ay may Ganap na Kaalaman, ang may ganap na Karunungan.

Sinumang mambabasa, maging siya man ay Muslim o Kristiyano ay katiyakang hindi mapasusubalian ang karangalang ipinagkaloob ng Dakilang Maykapal- Allah kay Maria- anf babaing nagmula sa Angkan ng mga Propeta.

MARIA (Ina ni Jesus) Y.S™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon