Ang pagpili ng Diyos (Allah) kay Maria
(Ang paliwanag na ito ay mula sa Tafsir ni Ibn Kathir, isang pinagpipitaganang iskolar ng Islam na matatagpuan sa kanyang aklat na may pamagat na "Tafsir Ibn Kathir" (Volume 2) pahina 157):
Ang Allah ay nagsabi na ang mga Anghel ay nagsalita kay Maria sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan at sinabi na siya ay pinili nang dahil sa kanyang tapat na paglilingkod sa kanya,
Ang kanyang pagiging mahinhin, marangal, kawalang kamuwangan sa makamundong bagay,
At siya ay pinili nang dahil sa kanyang mga katangian ng higit sa kaninumang babae sa mundong ito.
"At (Alalahanin) nang ang mga anghel ay nagsabi: "O, Maryam (Maria), katotohanan, pinili ka ng Allah, ginawang malinis (at wagas) at pinili ka ng higit sa mga kababaihan ng lahat ng nilalang."
(Surah 3:42)"O, Maryam (Maria)! Isuko mo ang iyong sarili nang may ganap na pagtalima (pagsunod) sa iyong Panginoon at iyong ipatirapa ang sarili, at iyuko kasama ng mga nagsisiyuko."
(Surah 3:43)Bilang panimulang kautusan kay Maria, siya ay inutusan ng Allah sa pamamagitan ng mga Anghel na dagdagan niya ang mga gawang pagsamba, pagpapakumbaba, pagpapatirapa, pagyukod upang kanyang ganap na magampanan kung ano ang itinakda ng Allah para sa kanya.
BINABASA MO ANG
MARIA (Ina ni Jesus) Y.S™
AvventuraMARIA (Ina ni Jesus) Ang Dakilang Babae ng Sangkatauhan Prepared by: Ahmad J. Salas ISLAMIC PROPAGATION OFFICE IN RABWAH P.O.BOX 29465 ARRIYADH 11457 TEL 4454900 - 4916065 FAX 4970126 E-maik:rabwag@islamhouse.org