Si Maria ay mula sa Angkan ng mga Propeta.
Ang kanyang mga magulang ay sina Imran at Hannah Bint Faqoud.
Ang Allah ay nagsabi:
"Katotohanan! Pinili ng Allah si Adam, Noah, at ang angkan ni Abraham at ang angkan ni Imran ng higit sa lahat ng (Kanyang mga) nilikha. Bawat isa sa kanila ay lahi ng isa't-isa. At ang Allah ang Nakaririnig, ang Nakaaalam."
(Surah 3:33)Si Hannah ay hindi magka-anak sa mahabang panahon.
Sa kanyang mataimtim na panalangin, siya ay nagsumamo sa Allah na siya ay pagpalain sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanya ng isang anak at bilang isang panata o pangako, ito ay iaalay niya sa paglilingkod sa Allah.
Ang Banal na Quran ay nagpatunay nito:
"(Alalahanin) Nang ang asawa ni Imran ay nagsusumamo: "O, aking Panginoon! Ako ay nangangako sa Iyo na ang sanggol sa aking sinapupunan ay iaalay ko sa Iyo bilang paglilingkod sa Iyo (tanging sa pagsamba lamang sa Iyo) kaya tanggapin Mo ito mula sa akin. Tunay, na ikaw ang Palakinig. At ang Maalam."
(Surah 3:35)Kaya, nang isinilang niya ang Sanggol,
Siya ay nagsabi:
"O aking Panginoon! Ako ay nagsilang ng isang batang babae at ang Allah ang higit na nakaaalam sa kanyang isinilang, datapwat ang lalaki ay hindi tulad ng babae at aking pinangalang Maryam (Maria) at ako ay nagpapakupkop sa Iyo para sa kanya at sa kanyang magiging anak laban kay Satanas, ang isinumpa."
(Surah 3:36)Kaya, tinanggap ng Allah ang kanyang dalangin.
Si Maria ay lumaki na may angking kabaitan, kabutihan, at kalinisan ng pagsamba.
Ayon sa Banal na Quran:
"Kaya, tinanggap ng kanyang Panginoon (Allah) mula sa kanya nang may kaaya-ayang pagtanggap. At pinagyaman Niya nito nang may mabuting asal."
(Surah 3:37)At ang pagkain ni Maria ay tuwirang nagmumula sa Allah.
Kaya, minsan ay namangha ang kanyang tagapag-alaga at amaing si Propeta Zakariyya sapagkat:
"Tuwing pumapasok si Zakariyya sa Mihrab upang dalawin siya (Maria), kanyang natatagpuang mayroong pagkain. Siya (Zakariyya) ay nagsabi: O Maryam (Maria)! Saan mo nakuha ang mga ito (pagkain)? Siya (Maria) ay nagsabi: Ito ay nanggaling sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay nagkakaloob sa kaninumang kanyang naisin, ng walang sukat."
(Surah 3:37)
BINABASA MO ANG
MARIA (Ina ni Jesus) Y.S™
AdventureMARIA (Ina ni Jesus) Ang Dakilang Babae ng Sangkatauhan Prepared by: Ahmad J. Salas ISLAMIC PROPAGATION OFFICE IN RABWAH P.O.BOX 29465 ARRIYADH 11457 TEL 4454900 - 4916065 FAX 4970126 E-maik:rabwag@islamhouse.org