Ang Pagdadalang-tao ni Maria

62 2 0
                                    

Nagsalaysay ang Banal na Quran:

Quran 19:16-17
"At banggitin (mo) sa aklat (Quran) ang kasaysayan ni Maryam (Maria), siya ay lumayo mula sa kanyang pamilya (upang humayong mag-isa patungo) sa isang pook sa dakong silangan. Siya ay naglagay ng tabing (upang ikubli ang sarili) mula sa kanila pagkaraan Aming isinugo ang "Ruh" (Anghel Gabriel) at lumitaw sa kanya sa anyong ganap na tao."

Dahil sa tawag ng tungkulin mula sa Diyos (Allah) si Maria ay tumalima at sumunod sa kautusan.

Sa kanyang pag-iisa, biglang nagpakita ang Anghel Gabriel sa kanya sa ganap na anyong tao, kaya siya ay namangha at nagwika:

Quran 19:18
"Katotohanan! ako ay nagpapakupkop sa Mahabagin (Allah) laban sa iyo, kung ikaw ay may takot sa Allah."

Ngunit ang Anghel Gabriel ay malugod na nagpaliwanag:

Quran 19:19
"Siya (Anghel Gabriel) ay nagsabi: Ako ay isang sugo lamang mula sa iyong Panginoon (upang ibalita sa iyo) ang isang pagpapala (bilang gantimpala sa iyo) ang (pagkakaroon mo ng) isang matuwid na anak na lalaki."

Sa talatang nabanggit, muli ipinakilala kay Maria na siya ay pagpapalain ng isang anak na lalaki (Hesus) bilang gantimpala sa kanyang pagiging malinis at matibay na pananampalataya.

Muli ring itinanong ni Maria upang magkaroon ng katiyakan na ang lalaking kanyang kaharap ay tunay na Anghel.

Siya ay nagtanong:

Quran 19:20
"Siya ay nagsabi: "Paanong ako ay magkakaroon ng isang anak na lalaki samantalang walang lalaki ang sa akin ay humawak at ako ay hindi isang maruming babae?"

Ang Anghel Gabriel ay sumagot:

Quran 19:21
"Siya ay nagsabi: kahit na (ito ay mangyari), ang iyong Panginoon ay nagsabi: Yaon ay madali para sa Akin at Aming itinakda siya (Hesus) bilang palatandaan sa sangkatauhan at isang Habag muka sa Amin, at ito ay isang bagay na itinakda na."

Quran 19:22
"Kaya, siya ay nagdalang-tao at siya ay humayo sa isang malayong pook."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARIA (Ina ni Jesus) Y.S™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon