"MISS Aguilar, here are the files that the boss asked me about." Mula sa pagtingin sa computer screen at pagtipa doon ay nag-angat ng tingin si Sissy sa head ng Sales department ng kumpanyang pinapasukan niya.
Tinanggap niya ang folder na inaabot nito at ngumiti. "Okay, I'll give this to him," aniya rito at tumayo. Natigilan siya nang makita niyang may kakaibang ngiti sa mga labi nito. "What?" tanong niya rito.
Ngumisi ito. "Nothing. We were all just wondering kung kailan ang kasal ninyo ni boss," pabirong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "That's just a rumor," tanggi niya.
Tumawa ito. "Pero hindi chismis lang na may gusto sa iyo si boss. Hindi naman niya kinakaila sa mga empleyado na may gusto siya sa iyo," sabi nito.
Hindi siya nakasagot. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho bilang executive assistant ng presidente ng Montero Hotel and Resorts Corporation na si Jordan. Noong unang taon niya ay mabait na talaga ito sa kaniya at paminsan-minsan ay inaaya siyang lumabas na pinauunlakan naman niya dahil boss niya ito. Isa pa ay wala naman itong dinedemand na kung ano sa kaniya kaya hindi siya napepressure.
Pero kailan lamang ay derekta na nitong sinabi sa kaniya na nais nitong mapangasawa siya. At dahil maraming empleyadong nakarinig niyon kaya mabilis na kumalat iyon. Tuloy kahit sinabi niya rito na hindi pa niya kayang sagutin ang proposal nito ay iniisip na ng lahat na magkakatuluyan silang dalawa.
Bumuntong hininga siya. "I told you that's not it." Sa araw-araw na tinutudyo siya ng mga empleyado at pati na rin mga board members nila ay nagsasawa na siyang magpaliwanag.
"Okay. Alis na ako," sabi ng kausap niya na nakangisi pa rin. Mukhang hindi naman ito kumibinsido sa sinabi niya.
Napailing na lang siya at binitbit ang folder patungo sa private office ng presidente. Kumatok muna siya roon bago iyon binuksan. Nag angat ng tingin ang boss niya at ngumiti. Tipid na gumanti siya ng ngiti at lumapit dito. "Here are the files from the sales department sir," aniya rito.
"I told you to call me Jordan. Napagkasunduan na natin iyon hindi ba Sissy?" amused na sabi nito sa kaniya kasabay ng pag-abot ng files.
Ngumiti siya. "Okay Jordan," aniya rito. Sa ibang pagkakataon ay malamang na umiwas na siya rito o kaya ay nailang nang magpropose ito sa kaniya. Afterall, ang dahilan kung bakit ilang beses siyang lumipat ng trabaho ay dahil palagi siyang inaalok ng kasal ng kung hindi boss niya ay kapwa niya empleyado. Pero hindi siya nakaramdam ng ganoon kay Jordan. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit pero kahit ilang beses siya nitong alukin ng kasal ay hindi siya naiilang at hindi siya nahihiyang sabihin dito na pag-iisipan niya. Ah, marahil ay dahil sa lahat ng nagpropose sa kaniya ay ito ang pinakanakakalamang. Kung tutuusin ay wala pa siyang nakikilalang kasing perpekto nito sa lahat ng bagay.
So bakit hindi ka pumayag na magpakasal sa kaniya? Tanong ng isang bahagi ng utak niya. Wala sa loob na napahawak siya sa pendant ng kuwintas na suot niya. Maraming taon na ang lumilipas ngunit kahit anong gawin niya ay palaging sa nagbigay ng kuwintas na iyon pa rin napupunta ang utak niya tuwing itinatanong niya iyon sa sarili niya. To the man who disappeared and abandoned her.
"Sissy, may problema ba?" pukaw sa kaniya ni Jordan.
Napakurap siya at pilit na ngumiti. "Nothing. May kailangan ka pa ba? Kung wala na babalik na ako sa trabaho ko," aniya rito.
Tila naman nag-isip ito at tumingin pa sa wristwatch nito. Pagkatapos ay itinabi nito ang file na ibinigay niya rito at tumayo. "It's lunch time already. Kumain muna tayo bago magtrabaho ulit," alok nito sa kaniya. Hinawakan pa siya nito sa siko at inakay palabas ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKER
RomancePara kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya...